ROBI AND GRETCHEN TAKE A “SWEET” TURN TO UST ON S+A’S “UNIVERSITY TOWN”

Robi Domingo and Gretchen Ho visit Asia’s oldest existing university with a special guest tour guide in comedian John “Sweet” Lapus as they continue their campus tour in the show “University Town” (U-Town) this Sunday (July 30) on S+A and S+A HD at 1pm.

Sweet, a proud alumnus of the University of Santo Tomas (UST), also the largest Catholic university in the world in terms of population, will bring Robi and Gretchen to iconic buildings and places inside the school’s sprawling campus along España, where they will be “walking” with presidents, heroes, and saints, as proud Tomasinos would say.

The pair will meet the famed Teatro Tomasino organization, the university-wide theater guild which Sweet was a part of back in college. They will also visit the ice cream cart of Fidel Perez, a certified medical technologist who has seen generations of students since he started selling his sweet treats inside the school in 1989.

Robi and Gretchen will also be joined by UST Director of Public Affairs Giovanna Fontanilla as they marvel at the beautiful structures in the school, which has produced legendary names in the field of architecture including Leandro Locsin and Juan Nakpil.

“U-Town’s” latest episode also highlights the athletic program of the university, where each discipline is given ample attention for better performance in competitions, explaining why UST has the most overall championships in the UAAP. One of the school’s most decorated teams is the Growling Tigers’ judo squad that has amassed 24 UAAP titles.

This is the fourth school that “University Town” gets to explore this season, which is on its second year of featuring the eight schools competing in the country’s premier collegiate league, the University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Don’t miss the chance to get to know more about the iconic buildings, distinguished alumni, and historic events that The Pontifical and Royal University of Santo Tomas has seen as Robi and Gretchen come visit UST in “University Town” on S+A and S+A HD this Sunday (July 30) at 1pm with a replay on Monday (July 31) at 8pm. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

-30-

 

ROBI AT GRETCHEN,  MAMASYAL SA UST KASAMA SI “SWEET”

SA “UNIVERSITY TOWN” NG S+A

Magtutungo ngayong Linggo (Hulyo 30) sina Robi Domingo at Gretchen Ho sa pinakamatandang unibersidad sa Asya kasama ang komedyanteng si John “Sweet” Lapus na magsisilbing tour guide nila sa “Universtiy Town” (U-Town) sa S+A at S+A HD ng 1pm.

Isa si Sweet sa mga tanyag at pinagmamalaking alumnus ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST), na siya ring pinakamalaking unibersidad na Katoliko sa buong mundo base sa bilang ng estudyante. Dadalhin niya sina Robi at Gretchen sa mga kilalang gusali at lugar sa loob ng malawak na campus nito sa España, kung saan ika nga ng mga Tomasino ay makakasabay nila ang mga pangulo at bayani na dating nag-aral doon.

Makikilala rin ng pares ang sikat na organisasyon ng Teatro Tomasino, isang theater guild sa paaralan na kinabilangan ni Sweet nung nasa kolehiyo pa siya. Bibisitahin din nila ang sikat na sorbertero ng eskwelahan na si Fidel Perez, na maraming henerasyon na ng mga estudyante ang nakasalamuha simula pa 1989.

Makakapanayam din nina Robi at Gretchen si UST Director of Public Affairs Giovanna Fontanilla, na ibabahagi ang mga kwento sa likod ng mga nag-gagandahang gusali sa loob ng UST, na nagbigay sa Pilipinas ng mga tulad nina Leandro Locsin at Juan Nakpil sa larangan ng arkitektura.

Ibibida rin sa pinakabagong episode ng “U-Town” ang napakalakas na athletic program ng UST, kung saan binibigyang atensyon ang lahat ng disipilina, kaya naman UST ang may pinakamaraming overall championships sa UAAP. Isa sa mga pinaka-matinding pambato ng Growling Tigers ang kanilang judo team na may 24 na titulo na sa UAAP.

Ito na ang ika-apat na eskwelahang binisita ng “University Town” at ang ikalawang taon ng programa sa pagtatampok sa walong eskwelahang kabilang sa premyadong ligang pang-kolehiyo sa bansa, ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Huwag palampasin ang pagkakataong mas makilala pa ang mga iconic na gusali, tanyag na alumni, at iba pang makasaysayang pangyayaring napagdaanan ng Royal Pontificate University of Santo Tomas sa pagbisita nina Robi at Gretchen para sa “University Town” ngayong Linggo (July 30) ng 1pm sa S+A at S+A HD at may replay sa Lunes (July 31) ng 8pm. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

-30-

Comments are closed.