S+A broadcasts 19th Asian Senior Women’s Volleyball Championship on Free TV, HD

The Philippine women’s national volleyball team officially begins their quest for glory this Wednesday (Aug 9) at the 19th Asian Senior Women’s Volleyball Championship, and Filipinos will be with them every step of the way as S+A, the ABS-CBN sports channel, will be airing the tournament on free TV and in high-definition on S+A HD.

Week one of the tourney begins with a match between Korea and New Zealand, which will be beamed live from the Alonte Sports Arena in Binan, Laguna at 12:30pm, while the opening ceremony and the anticipated match between the Philippines and Hong Kong will be aired on primetime starting at 6:30pm.

On Thursday (Aug 10), fans can catch the titanic match between powerhouses China and Japan at 12:30pm while the Kazakhstan-Hong Kong and Thailand-Iran duels will be telecast at 6:30pm. Team Philippines will see action anew on Friday (Aug 11), as they tussle with Kazakhstan, followed by the showdown between Thailand and Chinese Taipei, which will air on primetime starting at 6:30pm. The weekend games consist of Korea-Vietnam on Saturday (August 12) at 12:30pm with the start of the classification round opening on Sunday (August 13) also at 12:30pm.

Fourteen teams, including 2015 champion China will be competing in the prestigious biennial tournament, which offers a ticket to the 2018 AVC Asian Cup to the Top 8 finishers. The Philippine team, bannered by volleyball stars led by team captain Mika Reyes, Philippine volleyball phenom Alyssa Valdez, and 6’5 middle hitter Jaja Santiago will have to go through Kazakhstan and HongKong in Pool A, while heavy favorites Japan, China, and Australia are locked in a three-way battle for supremacy in Pool B. Pool C has Korea, Vietnam, Sri Lanka, and New Zealand, while Pool D is made up of our Southeast Asian neighbors Thailand and Chinese Taipei, with Iran, and Maldives.

Aside from the Alonte Sports Arena in Binan, Laguna, some of the games will also be played at the Muntinlupa Sports Complex in Muntinlupa.

National coach Francis Vicente’s wards are upbeat going into competition, especially after pocketing a couple of hard-fought wins against foreign teams during their recent training tour in Malaysia and Japan, where they focused on polishing their blocking, floor defense, attacking, and scratching off what Coach Vicente describe as “bad habits.”

Although playing with home court advantage, Vicente previously said in a press conference that he has set a modest target for the team, gunning for at least a semifinals finish. Win or lose, he believes this will be a good experience for the team, which also includes Jovelyn Gonzaga, Aby Marano, Gen Casugod, Maika Ortiz, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Dy, Kim Fajardo, Denden Lazaro, and Dawn Macandili.

Don’t miss any of the volleyball action in the 19th Asian Senior Women’s Volleyball Championship starting on Wednesday (August 9) on S+A and S+A HD with the game between Iran and Taiwan kicking things off followed by the primetime telecast of the tournament’s opening ceremony and the Hong Kong versus Philippines match at 6:30pm. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

-30-

Pilipinas, bubuksan ang kampanya kontra HK

19th ASIAN SENIOR WOMEN’S VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP, MAPAPANOOD SA S+A

Makakasama ng Women’s national volleyball team ng Pilipinas ang sambayanang Pilipino sa kanilang kampanya para sa karangalan sa ika-19 na Asian Senior Women’s Volleyball Championship (ASWVC), dahil ipapalabas ng S+A, ang sports channel ng ABS-CBN, ang torneyo simula ngayong Miyerkules (Agosto 9).

Bubuksan ng Korea at New Zealand ang labanan sa kanilang pagtutuos sa Alonte Sports  na mapapanood ng live ng 12:30pm, samantalang sa primetime naman ipapalabas ang opening ceremony at ang pinakahihintay na laban ng Pilipinas kontra Hong Kong bandang 6:30pm.

Mapapanood naman ng fans ang banggaan ng mga higanteng China at Japan sa Huwebes (Agosto 10) ng 12:30pm, habang ang Kazakhstan-Hong Kong at Thailand-Iran ay eere naman sa primetime simula ng 6:30pm. Sa Biyernes (Agosto 11), sasabak muli ang Pilipinas laban naman sa Kazakhstan sa primetime ng 6:30pm, kasunod ang sagupaan ng Thailand at Chinese Taipei.

Sa Sabado (Agosto 12), bibida naman ang Korea-Vietnam ng 12:30pm at susundan ng pagbubukas ng classification round sa Linggo (Agosto 13) sa parehong oras.

Labing-apat na koponan ang magsasabong sa prestihiyosong kompetisyon, kasama ang kampeon noong 2015 na China. Bukod sa korona, paglalabanan din nila ang walong tiket sa AVC Asian Cup sa darating na 2018.

Kagrupo ng Pilipinas, na ibinabandera nina team captain Mika Reyes, volleyball phenom Alyssa Valdez, at ang 6’5” middle blocker na si Jaja Santiago ang Kazahkstan at Hong Kong sa Pool A. Samantala, magkakasama naman sa “Group of Death” ang malalakas na koponan ng Japan, China, at Australia sa Pool B. Binubuo naman ang Pool C ng Korea, Vietnam, Sri Lanka, at New Zealand, habang magkakasama naman ang Thailand, Chinese Taipei, Iran, at Maldives sa Pool D.

Bukod sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna, gaganapin din ang ibang mga laro sa Muntinlupa Sports Complex sa Muntinlupa.

Mataas ang kumpiyansa ng mga bata ni national coach Francis Vicente sa pagpasok sa kumpetisyon, matapos magbuslo ng dalawang panalo sa mga dayuhang koponan sa kanilang nakaraang training camp sa Malaysia at Japaan, kung saan pinaigting ang kanilang blocking, floor defense, at attacking.

Gayunpaman, sinabi ni Vicente sa isang press conference na semifinals lang ang kanilang minimithi, kahit pa sa sariling bakuran maglalaro ang team, na kinukumpleto nina Jovelyn Gonzaga, Aby Marano, Gen Casugod, Maika Ortiz, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Dy, Kim Fajardo, Denden Lazaro, at Dawn Macandili.

Huwag palampasin ang nagbabagang aksyon sa ika-19 Asian Women’s Volleyball Championship na magsisimula ngayong Miyerkules (Agosto 9) sa S+A sa laban pagitan ng Iran at Taiwan, na susundan naman ng pag-ere sa primetime ng opening ceremony at Hong Kong kontra Pilipinas ng 6:30pm. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

-30-

Comments are closed.