Sakit sa utak ni Nash, ikinagulat at pinag-usapan ng mga manonood

Isang malaking pasabog ang inihandog ng “The Good Son” noong Martes (Dec 26) matapos makumpirma ni Enzo (Jerome Ponce) na mayroong schizophrenia ang kapatid niyang si Calvin (Nash Aguas) – isang rebelasyon na maaaring magdiin sa kanya sa kaso ng pagkamatay ng kanilang ama.

Nabisto ni Enzo ang kondisyon sa utak ni Calvin nang makita niya mismong nakikipag-usap ang kapatid sa matalik na kaibigang si Justine (Alexa Ilacad), na lingid sa kaalaman ni Calvin ay gawa-gawa lang ng kanyang imahinasyon.

Kaya imbes na maibsan ang sakit na dinadala dulot ng lumalalang problema ng kanilang pamilya, takot at sindak ang nangibabaw kay Calvin nang maputol ang guni-guni niya sa tulong ni Enzo at matagpuan ang sarili sa isang inabandonang bahay kasama ang kapatid.

Dahil nga sa panibagong rebelasyon ng palabas, naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa episode matapos magkamit ang serye ng national TV rating na 19.7%, kumpara sa “My Korean Jagiya” na mayroon lamang 11.8%, ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din ang serye sa social media matapos manguna ang official hashtag ng palabas na #TGSJustine sa trending topics sa Twitter.

Lubos ding hinangaan ng mga manonood ang naging takbo ng kwento at ibinahagi ang kanilang mga papuri online.

“Kakapanood ko lang ng TGS at ang masasabi ko lang ay ibang klaseng aktor si Nash Aguas! Convincing siya sa kanyang role,” sabi ni @viewerfaney.

“Wow ‘The Good Son!’ Hindi ko akalaing mahu-hook ako sa show na ‘to. Ibang klase ang storyline,” tweet naman ni @xfujoshidesu.

“Tinalakay ng ‘The Good Son’ ang dyslexia at schizophrenia. Intense ang plot twist. Ang galing ng mga batang aktor at ng production,” papuri ni @hypertean.

Mababago na nga ang takbo ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez), ngunit sa kabila nito ay pilit siyang poprotektahan ng kanyang ina at kuya at patutunayang wala siyang sala sa krimen.

Si Calvin nga ba ang pumatay kay Victor? Paano niya matatanggap na si Justine ay hindi totoo at gawa-gawa lamang ng kanyang karamdaman?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

Revelation of Nash’s mental illness shocks viewers, trends online

“The Good Son” treated viewers to a night of plot twists last Tuesday (Dec 26), when Enzo (Jerome Ponce) finally discovered that his brother Calvin (Nash Aguas) has schizophrenia – a condition that could pin him down as the culprit in their father’s murder.

Troubled by his brother’s increasingly odd behavior, Enzo secretly followed him into an abandoned house and caught him talking to Justine (Alexa Ilacad), Calvin’s imaginary friend.

Calvin then snapped out of his hallucination, distraught to find himself with his brother, who insisted that Justine did not exist.

The intense scene hooked viewers nationwide as the episode recorded a national TV rating of 19.7%, compared to “My Korean Jagiya” with only 11.8%, according to data from Kanta Media. It was also a hit online as the show’s official hashtag #TGSJustine topped the list of trending topics on Twitter.

Netizens were also quick to share their thoughts on social media and tweeted their praises for the story and cast.

“Just watched tonight’s episode of TGS and all I can say is Nash Aguas is one hell of an actor! He’s convincing with his role,” said @viewerfaney.

“Wow ‘The Good Son!’ I’m honestly impressed by this show. I never thought I’d be hooked this bad,” @xxfujoshidesu tweeted.

“’The Good Son’ tackles dyslexia and schizophrenia. Intense plot with a twist. The young actors and the production did a great job,” @hypertean shared.

How the revelation of Calvin’s mental illness will affect the investigation of Victor’s (Albert Martinez) murder is yet to be determined, but his mother and brother will protect him at all costs and prove his innocence to the authorities.

Did Calvin really kill Victor? How will he accept that Justine was only created by his imagination?

Don’t miss the unusual case of love for family in “The Good Son,” weeknights after “La Luna Sangre” in ABS-CBN’s Primetime Bida. For more information, go fb.com/dreamscapeph and follow @DreamscapePH on Twitter and Instagram.

Comments are closed.