SARAH LAHBATI AND EJAY FALCON PLAY LOVERS IN FIRST TEAM-UP FOR “MMK”

Sarah Lahbati and Ejay Falcon play lovers in MMK (5)

How can two people’s affection for each other survive even after their relationship suffered a very painful and bitter breakup?

Kapamilya stars Sarah Lahbati and Ejay Falcon will team up for the first time in “MMK” this Saturday (April 23) to tell a beautiful story about love and friendship.

People around Mia (Sarah) and NJ (Ejay) always thought they were perfect for each other when their love story began in college. The two experienced a fantastic first year together, until Mia’s father died and NJ had to undergo a serious back operation.

Although the two did not leave each other’s side and remained strong through these challenges, they started to treat each other critically, and eventually started fighting constantly. Months after, their relationship came to a brutal end.

Until one day, Mia and NJ decided to meet again after a long time. Will the two be willing to overcome the bitterness of their past to care for each other again?

Joining this “MMK” episode are Dante Ponce, Jobelle Salvador, Shey Bustamante, Alexis Navarro, Margo Midwinter, Noemi Oineza, Guji Lorenzana, and Karen Timbol. The episode is directed by Giselle Andres and written by Joan Habana. “MMK” is led by business unit head Malou Santos.

Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday ON ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

 

SARAH LAHBATI AT EJAY FALCON, MAGTATAMBAL SA “MMK” NGAYONG SABADO

Magtatambal sa unang pagkakataon ang Kapamilya stars na sina Sarah Lahbati at Ejay Falcon sa “MMK” ngayong Sabado (April 23) para ibahagi ang isang kwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.

Simula pa lang, tila itinadhana na sa isa’t isa sina Mia (Sarah) at NJ (Ejay) na nagsimula ang love story sa kolehiyo. Naging masaya ang unang taon ng kanilang samahan, ngunit sinubok din ito nang pumanaw ang ama ni Mia at nang operahan sa likod si NJ.

Kahit na nalampasan nila ang malalaking hamong ito, nagsimula rin ang sunod-sunod at madalas na pag-aaway ng dalawa, hanggang sa nauwi ang relasyon sa isang mapait na hiwalayan.

Ngunit isang araw ay nagdesisyon ang dalawang magkita matapos ang matagal na panahon. Kaya bang kalimutan nina Mia at NJ ang sakit na naidulot nila sa isa’t isa para maalala ang masasayang alaaala ng kanilang nakaraan?

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Dante Ponce, Jobelle Salvador, Shey Bustamante, Alexis Navarro, Margo Midwinter, Noemi Oineza, Guji Lorenzana, at Karen Timbol. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Giselle Andres, at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ANG “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Comments are closed.