“Seven Sundays,” “Love You to the Stars and Back” to screen at OpenAir Cinema One Nuvali

 

#OpenAirCinemaOne

Double blockbuster blowout from Cinema One…

Watch not just one but two of this year’s blockbuster films for free as OpenAir Cinema One presents the rom-com “Love You To The Stars And Back” and the family drama “Seven Sundays” in its biggest Christmas blowout happening at the Lakeside Grounds in Nuvali, Sta. Rosa, Laguna on Thursday (Dec. 21).

Join eccentric Mika (Julia Barretto) in her road trip to search for aliens in “Love You To The Stars And Back” where she bumps into a stranger named Caloy (Joshua Garcia), a terminally ill young man whom she gives a free ride to until he reaches his destination. Together they set out to go on a series of adventures and misadventures leading to their own journey to love.

Enjoy the Yuletide vibe with the whole family and revel in “Seven Sundays,” starring Dingdong Dantes, Enrique Gil, Ronaldo Valdez, Christine Reyes, and Aga Muhlach. The hit Cathy Garcia-Molina film, first screened at the cinemas in October, is about the four Bonifacio siblings who have to return to their home and look back into their childhood as they deal with the news that their father is suffering from cancer and only has about two months left to live.

The OpenAir Cinema One season’s festivity begins at 2pm to be hosted by MOR’s DJ Jhai Ho with exciting musical performances lined up from Moonstar 88, Keiko Necesario, and Hale.

This outdoor event follows the successful screening of LizQuen’s “My Ex And Whys” and musical film “La La Land” last April in Nuvali open grounds where an estimated crowd of 14,000 joined the much-awaited movie night. Last weekend, OpenAir Cinema One also went to Lancaster New City, treating Caviteňos with “Love You To The Stars And Back” back to back with KathNiel’s “Can’t Help Falling In Love.”

Be a part of OpenAir Cinema One in Nuvali this Saturday (Dec. 16). Cinema One, the Philippines’ leading cable channel, is available on Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 and Digital 56. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel for more details on the upcoming event.

 

Dobleng blockbuster blowout, handog ng Cinema One ngayong Pasko

“SEVEN SUNDAYS” AT “LOVE YOU TO THE STARS AND BACK,” MAPAPANOOD SA OPENAIR CINEMA ONE NUVALI

 

Panoorin ng libre ang dalawa sa mga blockbuster sa takilya ngayong taon sa pagpapalabas ng OpenAir Cinema One ng kilig movie na “Love You To The Stars And Back” at family drama na “Seven Sundays” sa Lakeside Grounds sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna bilang bonggang pamasko nito ngayong Huwebes (Disyembre 21).

Samahan ang kakaibang si Mika (Julia Barretto) sa kanyang road trip upang maghanap ng aliens sa pelikulang “Love You To The Stars And Back.” Dito makikilala niya si Caloy (Joshua Garcia), isang binatang may taning na ang buhay na bibigyan niya ng libreng sakay. Mula sa kanilang aksidenteng pagkakakilala, haharapin nila ang maraming adventure na magdadala rin sa kanila sa isang natatanging ugnayan.

Damahin ang panahon ng pagmamahalan kasama ang buong pamilya at panoorin ang “Seven Sundays” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Enrique Gil, Ronaldo Valdez, Christine Reyes, at Aga Muhlach. Ang pelikula mula kay direk Cathy Garcia-Molina na noon lamang Oktubre unang ipinalabas ay tungkol sa apat na magkakapatid na magbabalik sa kanilang tahanan at sa kanilang nakaraan habang hinaharap nila ang balitang may kanser ang kanilang ama at mayroon na lamang itong dalawang buwan para mabuhay.

Magsisimula ang saya sa OpenAir Cinema One sa hapon, 2pm, kasama ang host na si DJ Jhai Ho ng MOR, at tampok rin dito ang mga ka-abang-abang na musical performances mula kay Keiko Necesario at sa mga bandang Moonstar 88 at Hale.

Sinusundan ng bonggang event na ito ang matagumpay na screening ng “My Ex And Whys” ng LizQuen at ang musical na “La La Land” noong Abril sa Nuvali open grounds na umabot sa 14,000 katao ang mga nakibahagi. Nitong nakaraang Sabado naman nagtungo rin ang OpenAir Cinema One sa Lancaster New City para magpasaya sa mga Caviteňos sa pagpapalabas ng “Love You To The Stars And Back” at ng “Can’t Help Falling In Love” ng KathNiel.

Makisaya na sa OpenAir Cinema One sa Nuvali sa darating na Sabado (Dec. 16). Ang Cinema One, ang nangungunang cable channel sa bansa, ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. I-like ang Cinema One sa Facebook sa facebook.com/Cinema1channel para sa karagdagang impormasyon tungkol sa OpenAir Cinema One.

Comments are closed.