“Seven Sundays” mapapanood na sa Kapamilya Box Office ngayong Enero

“Kita Kita” ng AlEmpoy mababalikan sa KBO

“SEVEN SUNDAYS” MAPAPANOOD NA SA KAPAMILYA BOX OFFICE NGAYONG ENERO

Simulan ang taon kasama ang pamilya Bonifacio sa pelikulang “Seven Sundays,” tampok sa sa Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus ngayong Enero kasama ang ilan pang pelikulang horror, comedy, at romance para sa sulit na KBOnding experience.

Sundan ang kwento ng pamilya Bonifacio nang sila’y muling mabuo matapos ma-diagnose ng cancer ang kanilang padre de pamilya. Pinagbibidahan ito nina Ronaldo Valdez, bilang Manuel Bonifacio, at Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Christine Reyes, bilang kaniyang mga anak. Abangan hit family drama na kumita ng P271 million worldwide sa Enero 20-21.

Ituloy ang weekend bonding kasama ang iba pang pelikula tulad ng “Extra Service, “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend,” “Cinco,” at “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki.”

Sa Enero 6-7 naman, balikan ang “Kita Kita,” ang pelikulang nagpausbong ng kakaibang tandem na AlEmpoy. Nabulag si Lea (Alessandra de Rossi) matapos malamang niloloko siya ng kaniyang boyfriend pero nang makilala niya si Tonyo (Empoy Marquez), nagkaroon siya ng masasandalan. Made-develop ang dalawa sa kabila ng kanilang pagkakaiba at tuluyan nang mahuhulog ang loob ni Lea kay Tonyo.

Sundan ito ng panonood ng TV premiere ng “The Debutantes” starring Horror Princesses Sue Ramirez at Miles Ocampo, “In The Name Of Love,” “My Rebound Girl,” at “I Love You To Death.”

Sa Enero 13-14 naman, tunghayang muli ang kakaibang horror love story ng “Ang Manananggal Sa Unit 23B.” Misteryosong babae si Jewel (Ryza Cenon), dahil isa pala siyang manananggal na nakatira sa Metro Manila. Gabi-gabi siyang lumalabas para maghanap ng makakain at ng taong magmamahal at makatatanggap sa kaniya.

Mapapanood din sa linggong ito ang ilang mga romance movies gaya ng “How To Be Yours,” “Love Me Tomorrow,” “Luck At First Sight,” at ang comedy na “Working Beks.”

Muli naming magpapakilig sina Laida (Sarah Geronimo) at Miggy (John Lloyd Cruz) sa huling linggo ng Enero sa pagbabalik ng “It Takes A Man and a Woman” sa KBO. Susubukan muli nila Laida at Miggy na makipagtrabaho sa isa’t-isa matapos ang kanilang break-up. Bagamat mahirap sa simula ay kakayanin nila at muli ring mababalik ang kanilang pag-iibigan.

Kasamang mapapanood sa linggong ito, January 27-28, ang “That Thing Called Tadhana,” “Villa Estrella,” “El Brujo,” at “Mano Po 7: Chinoy.”

Sulit na sulit ang inyong P30 dahil may pagkakataong mag-bond over 5 movies ang pamilya. May 100 free tri-net texts (sa Globe, Touch Mobile, at ABS-CBNmobile) at 50MB na data. Sa halagang P50 naman ay dalawang linggo na ng KBO ang pwedeng panoorin sa KBOnding DUO. May kasama rin itong 100 tri-net texts at 50MB na data.

Mag–register sa KBO sa pamamagitan ng pag-text ng KBO30 [date of airing] [BOX ID] sa 2131, gamit ang ABS-CBNmobile. Halimbawa, KBO30 JAN6 [BOX ID]. I-text naman ang KBO50 [BOX ID] sa 2131 para sa KBOnding DUO upang mapanood ang KBO offering ngayong linggo at sa susunod na linggo. Magpa-load ng ABS-CBNmobile sa SM Store, Puregold, Ministop, Robinson’s, Globe load outlets, at sa mga sari-sari store sa buong bansa.

 

“Kita Kita” starring AlEmpoy comes back to the small screen  

“SEVEN SUNDAYS” MAKES TV PREMIERE ON KBO

Start the year with the heartwarming story of the Bonifacio family from the movie “Seven Sundays,” now available through the Kapamilya Box Office(KBO) of ABS-CBN TVplus this January, along with other movies from different genres which make for a budget-friendly KBOnding experience.

See how the Bonifacios mend their broken bonds to rally for their father who has been diagnosed with cancer. It stars Ronaldo Valdez as Manuel Bonifacio, the father who sees his sickness as a chance to bring together his four children, played by Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, and Cristine Reyes.

The hit family drama, which earned P271 million worldwide, will air on KBO on January 20 to 21, along with “Extra Service,” “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend,” “Cinco,” and “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki.”

Meanwhile, on January 6 to 7, fans can relive the romance of “Kita Kita,” the movie that catapulted the offbeat tandem of AlEmpoy. In the movie, Tonyo (Empoy Marquez) plays the persistent suitor to Lea (Alessandra de Rossi), a young woman who suffers from temporary blindness after a relationship ends in heartbreak. See how the two develop into an unlikely couple as Tonyo charmingly turns Lea’s doubts into trust.

This will be followed by the TV premiere of “The Debutantes,” starring Horror Princesses Sue Ramirez and Miles Ocampo, “In The Name Of Love,” “My Rebound Girl,” and “I Love You To Death.”

On January 13 to 14, viewers can rewatch the unusual horror love story of “Ang Manananggal Sa Unit 23B.” Jewel (Ryza Cenon) is a manananggal living in modern Manila. She is in search, not of food, but of someone who will love and accept her for who she is.

Also available on this weekend is “How To Be Yours,” “Love Me Tomorrow,” “Luck At First Sight,” and “Working Beks.”

Also coming back to KBO is the tandem of Laida (Sarah Geronimo) and Miggy (John Lloyd Cruz) in “It Takes a Man and a Woman “on the last week of the month. The two must find their way around working together after their breakup. Though difficult at first, they will realize that true love will find a way.

Also available on this weekend, January 27-28, are “That Thing Called Tadhana,” “Villa Estrella,” “El Brujo,” and “Mano Po 7: Chinoy.”

The family gets value for their money as they can catch these 5 movies for the price of P30, and get and additional free 100 tri-net texts (to Globe, Touch Mobile, and ABS-CBNmobile) and 50MB of data. Get two weeks’ worth of KBO for P50 with KBOnding DUO, which also comes with 100 tri-net texts and 50MB of data.

Register to KBO by texting KBO30 [date of airing] [BOX ID] to 2131 using your ABS-CBNmobile. Example, KBO30 JAN6 [BOX ID]. Meanwhile, text KBO50 [BOX ID] to 2131 for KBOnding DUO to register to two weeks of KBO. Load up your ABS-CBNmobile sim at the SM Store, Puregold, Ministop, Robinson’s, Globe load outlets, and sari-sari stores around the country.

Comments are closed.