SHAINA PLAYS A WOMAN WHO KILLED HER STALKER IN “IPAGLABAN MO”

Shaina Magdayao plays a woman who killed her stalker in “Ipaglaban Mo”

Shaina Magdayao (Shirley) plays the character of a woman who accidentally killed her perverted stalker, portrayed by Jhong Hilario (Erwin), in “Ipaglaban Mo” this Saturday (June 21).

Erwin was an earnest suitor of Shirley. Despite Shirley’s overt rejections, Erwin remained persistent until his love for Shirley turned into an obsession. Erwin became so desperate that he even climbed up her house through her bedroom window and attempted to rape her. He would also follow her wherever she goes.

Traumatized, Shirley decided to bring a knife to protect herself just in case Erwin would try to harass her again.

One day, Erwin sat beside her at a church service, and then touched her in her private parts. That incident provoked Shirley to threaten Erwin with her knife. However, Erwin forcibly grabbed the knife from her, and Shirley accidentally stabbed him in the neck.

Erwin’s mother filed charges against Shirley for her son’s death. How would Shirley fight for her rights as an abused woman? If the court decides against her, would she be given a lighter punishment?

Also joining the cast in this week’s episode titled “Ako Ang Biktima” and directed by Richard Arellano are William Lorenzo, Gileth Sandico, Gigi Locsin, and Mimi Orara.

Don’t miss “Ipaglaban Mo,” hosted by Atty. Jose Sison and Jopet Sison, every Saturday after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow @IpaglabanMo2 on Twitter, @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, and like the Facebook page www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN .

-30-

SHAINA, GAGANAP BILANG DALAGANG NAKASAKSAK NG KANYANG STALKER SA “IPAGLABAN MO”

Bibigyang buhay ni Shaina Magdayao (Shirley) ang kwento ng isang babaeng aksidenteng napatay ang desperado niyang stalker na gagampanan naman ni Jhong Hilario (Erwin) sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Hunyo 21).

Masugid na manliligaw ni Shirley si Erwin. Ilang beses na niya itong tinanggihan ngunit hindi siya nilulubayan ng binata na tila baliw na baliw sa kanya. Nagawa pa ni Erwin na sumampa sa bintana para makapasok sa kwarto ni Shirley at pagtangkaan siyang pagsamantalahan. Sinusundan din siya ni Erwin saan man siya magpunta.

Dahil sa labis na takot, nagdesisyon ang dalaga na magbaon ng balisong para ma-ipagtanggol niya ang sarili kung sakaling may gawing  masama  muli sa kanya si Erwin.

Hanggang sa isang araw ay tumabi si Erwin sa kanya habang nasa misa at doon ay nagawa pa siyang bastusin at hipuan nito. Sa galit ni Shirley ay nilabas niya ang balisong para takutin si Erwin subalit nauwi ito sa pambubuno at aksidenteng nasaksak niya ang lalaki sa leeg at napatay.

Dinemanda ng ina ni Erwin si Shirley dahil sa pagkamatay ng anak. Paano ipaglalaban ni Shirley ang kanyang panig bilang isang babaeng naabuso ang karapatan? Kung sakaling panagutin ng batas, posible bang mapagaan ang parusa sa kanya?

Bahagi rin ng episode na ito na pinamagatang “Ako Ang Biktima” na idinerehe ni Richard Arellano sina William Lorenzo, Gileth Sandico, Gigi Locsin, at Mimi Orara.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” nina Atty. Jose Sison at Jopet Sison tuwing Sabado pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @IpaglabanMo2 sa Twitter, @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, at i-like ang Facebook page nito na www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

Jhong Hilario plays a perverted stalker in “Ipaglaban Mo”

Comments are closed.