“SIR” TOUCHES THE HEARTS OF VIEWERS WITH TALES OF SURVIVAL

“Showbiz Inside Report” will share this Saturday (September 8) the touching stories of survival of breast cancer survivor Liezel Martinez, prostate cancer survivor April Boy Regino, and ZsaZsa Padilla who recently underwent a successful kidney operation. In the episode titled “Hawak Kamay: Mga Kwento ng Katatagan at Pag-asa,” Liezel, April Boy, and ZsaZsa’s daughter Karylle will reveal how they and their family remained strong and hopeful despite the unfortunate incidents. Meanwhile, “SIR” will also feature the ongoing battle of comedian Sammy Lagmay against the complications of his diabetes. Don’t miss this heartwarming episode of the country’s trending Saturday entertainment talkshow, “Showbiz Inside Report,” 2:30pm, after “It’s Showtime,” on ABS-CBN. For more updates, log-on at www.abs-cbn.com, follow @SIRTVOfficial on Twitter, or like the Facebook fanpagehttp://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

-30-

KWENTO NG MGA ARTISTANG SINUBOK NG MALUBHANG KARAMDAMAN, TAMPOK SA “SIR.” Maaantig ang puso ng TV viewers ng “Showbiz Inside Report” ngayong Sabado (Setyembre 8) sa mga kwento ng mga artista na sinubok ang lakas at katatagan dahil sa kani-kanilang malulubhang karamdaman. Sa episode na pinamagatang “Hawak Kamay: Mga Kwento ng Katatagan at Pag-asa,” ibabahagi ng “SIR” ang mga pinagtagumpayang pagsubok sa kalusugan nina Liezel Martinez na isa na ngayong breast cancer survivor, April Boy Regino na nakaligtas sa banta ng prostate cancer, at ZsaZsa Padilla na kamakailan ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa kanyang sakit sa kidney. Ang anak ni ZsaZsa na si Karylle ang magbabahagi ng karansan nilang mag-ina sa labang muling sumubok sa tibay ng kanilang pamilya. Samantala, itatampok rin sa “SIR” ang patuloy na pakikipagsapalaran ng komedyanteng si Sammy Lagmay na pilit nilalabanan ang mga komplikasyong dala ng kanyang diabetes. Huwag palampasin ang iba’t ibang kuwento ng katatagan at pag-asa na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng lahat sa top-rating at trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

-30-

Comments are closed.