“SOCO” HUNTS DOWN MOST WANTED CRIMINALS THIS JUNE

SOCO Wanted microsite smn

Broadcast journalist Gus Abelgas fortifies the search for justice for crime victims as his premier crime investigation program “SOCO” dedicates the entire month of June to tracking down the country’s most wanted criminals who remain at large.

To strengthen its campaign, “SOCO” has also launched a microsite (www.abs-cbnnews.com/soco/wanted) where details about the offenders featured in the show are posted, as well as instructions on how to help law enforcers catch them.

This Saturday (June 1), Gus will delve into the 20-year search for a police officer who has been at large after allegedly killing four relatives of his former girlfriend. According to Elizabeth Mutuc, his ex-lover PO2 Zarry Perez took it against her that she went to work in Japan and refused to come home, and went on to murder her family.

On June 8, Gus will look into the crime committed by the most wanted criminal of Valenzuela City, Roberto Givera, a macho dancer who robbed and killed a city hall employee last year.

On June 15, meanwhile, “SOCO” will show how one of Balagtas, Bulacan’s most wanted offenders, Armando Roque, robbed his own father of P200,000 and then killed him, his aunt, and two nieces afterward.

Gus will then detail on June 22 the gruesome crime involving Jobel Dilco, Southern Police District’s most wanted criminal, for killing his own employer.

And for its last offering in June, “SOCO” will feature on June 29 the notorious Wilfredo Mercado, also known as “manananaksak” in Infanta, Quezon due to his violent behavior when he gets drunk.

Watch “SOCO: Scene of the Crime Operatives” the whole month of June, Saturdays after “Showbiz Inside Report” on ABS-CBN. For updates on the program, like www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. To watch the last three episodes of “SOCO,” visit www.abs-cbnnews.com/soco.

 

MOST WANTED NA MGA KRIMINAL SA BANSA, TUTUGISIN NG “SOCO” NGAYONG HUNYO

Mas paiigtingin pa ni Gus Abelgas ang paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng krimen sa kanyang programang “SOCO” na iuukol ang buong buwan ng Hunyo sa pagtugis ng mga kriminal ng mga pinakamalalagim na krimen sa bansa.

Kasabay ng kampanyang tulungan ang mga naghahanap ng katarungan, inilunsad na rin ng “SOCO” ang microsite nitong www.abs-cbnnews.com/soco/wanted kung saan nakapaskil ang mga detalye ukol sa mga kriminal at kung paano makakatulong ang mga manonood sa pagdala sa kanila sa hustisya.

Tampok sa buong buwan ng Hunyo ang limang episodes ng pagsasadula ng mga krimeng ito. Ngayong Sabado (Hunyo 1), itatampok ang paghahanap sa isang pulis na 20 taon nang nagtatago sa batas para sa pagkakapatay niya sa apat na kapamilya ng kanyang dating nobya. Ani Elizabeth Mutuc, sumama ang loob ng kanyang dating nobyo na si PO2 Zarry Perez nang tumungo siya sa Japan upang magtrabaho at nang hindi siya nakauwi sa Pilipinas ay tuluyang pinatay ang kanyang pamilya.

Sa Hunyo 8 naman, babalikan ang krimeng ginawa ng most wanted criminal ng Valenzuela City na si Roberto Givera, isang macho dancer, na ninakawan at pinaslang ang isang empleyado ng city hall.

Ang most wanted naman ng Balagtas, Bulacan ang tutugisin sa Hunyo 15 na si Armando Roque, na matapos nakawan ang kanyang ama ng P200,000 ay pinatay ito pati na ang kanyang tiyahin at mga pamangkin.

Samantala, panoorin sa Hunyo 22 ang pagsasadula ng karumal-dumal na pagpaslang ni Jobel Dilco, isa sa pinaghahanap ng Southern Police District, para sa pagpatay sa kanyang amo.

At para naman sa Hunyo 29, tampok ang kwento ng mabagsik na si Wilfredo Mercado, na tinaguriang “manananaksak” sa Infanta, Quezon dahil sa tuwing siya’y makakainom ay nag-aamok at nanaksak maski pa ng kanyang kainuman.

Huwag palampasin ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa buong buwan ng Hunyo pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.

 

Gus Abelgas SMN

Comments are closed.