Soldiers enjoy a “Just Love” Christmas with ABS-CBN

 

Saludo sa Sundalong Pilipino” goes to Nueva Ecija

Before the year 2017 ended, ABS-CBN had the privilege to once again entertain and pay tribute to hundreds of soldiers from the Armed Forces of the Philippines (AFP) in a pre-Christmas celebration filled with “Just Love” vibes held in Fort Magsaysay in Nueva Ecija last December.

Kapamilya stars led by Karla Estrada and Melai Cantiveros of “Magandang Buhay” and Jason Gainza, Shine Kuk, and Ritz Azul of “Banana Sundae” had the opportunity to bring joy and love to the country’s heroes in the event, which was the third “Saludo sa Sundalong Pilipino” program organized by the Kapamilya network and the AFP last year.

Hosted by MOR 101.9 DJs Eva Ronda and Rico Romantico, the program featured performances by ABS-CBN artists like Noven Belleza, Maricel Callo, and Hazelyn Cascano of “Tawag ng Tanghalan” fame. Soldiers also got to experience some of the games from the popular “Minute To Win It” game show.

As in most of the Christmas parties in the country last year, the brave men and women in uniform also gamely danced the “Baby Shark” craze with the “Banana Sundae” cast, while multi-talented soldiers turned in song and band performances for their comrades.

To make sure the soldiers in the camp will continue to be entertained and inspired through ABS-CBN shows, ABS-CBN Corporate Services Group 1 head Mark Nepomuceno presented as gifts a brand new television set and an ABS-CBN TVplus mahiwagang black box to Fort Magsaysay, represented by the commander of its Army Station Hospital, AFP Col. Mamerto Losa.

On behalf of the entire ABS-CBN, Mark thanked the soldiers not only for fighting for the country, but for also showing how it is to be a Filipino. “If we will just learn your discipline, your courage, and how you love the nation, then maybe there would no longer be wars to be fought in this country,” he said.

All wearing “Just Love” shirts from ABS-CBN, the soldiers then rose and sang the popular ABS-CBN Christmas theme “Just Love Ngayong Pasko,” with Kapamilya stars and executives to end the program. Capping the day of fun was a boodle fight enjoyed by the soldiers and the ABS-CBN family in what served as an early Noche Buena for everyone.

Before the war in Marawi ended, ABS-CBN also flew Kapamilya stars like Judy Ann Santos, Jessy Mendiola, and Beauty Gonzales from Manila for another “Saludo” event to cheer up and pay tribute to over 700 soldiers, medical staff, and family members at Camp Evangelista in Cagayan De Oro, and even more via live feed in another military camp in Iligan.

Earlier, the cast of “FPJ’s Ang Probinsyano” also shared their time and talents in the first “Saludo sa Sundalong Pilipino” program held at the Victoriano Luna Medical Center last August. Later that month, it was the cast of “Wildflower” and other Kapamilya stars that brought cheer to the wounded soldiers and hospital staff when ABS-CBN was invited to the hospital’s founding anniversary celebration.

Our soldiers became used to hearing gunshots and explosions at a daily basis while fighting terrorists in Marawi. However, memories of their struggles in the middle of war were set aside and replaced by happier ones through the shows organized by ABS-CBN for the country’s heroes.

 

“Saludo sa Sundalong Pilipino” tumungong Nueva Ecija

MGA BAYANING SUNDALO, NAKASAMA NG ABS-CBN SA ISANG “JUST LOVE” NA PASKO

Bago matapos ang taon, nagkaroon uli ng pakakataon ang ABS-CBN na magdala ng saya at saluduhan ang mga bayaning sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang selebrasyong may temang “Just Love” na ginanap sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija noong Disyembre.

Pinangunahan nina Karla Estrada at Melai Cantiveros ng “Magandang Buhay” at Jason Gainza, Shine Kuk, at Ritz Azul ng “Banana Sundae” ang mga naghatid ng pagmamahal at kasiyahan sa ikatlong pagsasagawa ng “Saludo sa Sundalong Pilipino” ng Kapamilya network at AFP noong 2017.

Sina MOR 101.9 DJs Eva Ronda at Rico Romantico ang nagsilbing host sa programa na tinampok ang mga Kapamilya singer na sina Noven Belleza, Maricel Callo, at Hazelyn Cascano na nadiskubre sa “Tawag ng Tanghalan.” Nasubukan din ng mga sundalo ang ilang laro mula sa programang “Minute To Win It.”  Tulad sa ibang Christmas parties sa bansa, patok din ang “Baby Shark” sa mga sundalo na sumayaw nito kasama ang cast ng “Banana Sundae.” Ang mga mas talentadong sundalo naman, naghandog din ng awit para sa kanilang kasamahan.

Para tuloy-tuloy ang saya sa kampo sa tulong ng mga programa ng ABS-CBN, hinandugan din ang mga sundalo ng bagong telebisyon at isang ABS-CBN TVplus mahiwagang black box ng Kapamilya network na iniabot ni ABS-CBN Corporate Services Group 1 head Mark Nepomuceno sa kumander ng Fort Magsaysay Army Station Hospital na si AFP Col. Mamerto Losa.

Pinasalamatan din ni Mark ang mga sundalo hindi lang para sa kanilang pakikipaglaban kundi pati rin sa kanilang pagiging huwarang Pilipino.  “Kung matutunan lang namin ‘yung disiplina ninyo, yung tapang ninyo, at kung paano kayo magmahal sa bayan, siguro wala nang giyerang kailangang ilaban pa,” aniya.

Nagtapos ang program sa sabayang pag-awit ng “Just Love Ngayong Pasko” na Christmas theme ng ABS-CBN noong 2017, habang nakasuot ang lahat ng “Just Love” shirts mula sa ABS-CBN. Isang “boodle fight” na noche Buena rin ang pinagsaluhan ng mga sundalo at mga Kapamilyang naroon.

Bago pa natapos ang labanan sa Marawi, tumulak din ang ABS-CBN sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro para kumustahin at aliwin ang mga sugatang sundalo kasama sina Judy Ann Santos, Jessy Mendiola, at mga bida ng “Pusong Ligaw” na sina Beauty Gonzales at Joem Bascon. Napanood din ang programa sa isa pang military camp sa Iligan.

Una nang nagbigay-pugay ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pinakaunang “Saludo sa Sundalong Pilipino” sa Victoriano Luna Medical Center noong Agosto 2017. Sinundan pa ito ng pagbisita ng cast ng “Wildflower” at iba pang Kapamilya stars sa selebrasyon ng anibersaryo ng nasabing ospital noong Agosto rin.

Nasanay man sa tunog ng putukan habang nakikipaglaban sa Marawi, nabigyan naman ng mga bagong masasayang alaala ang mga bayani ng bayan sa pamamagitan ng mga programang hinandog ng ABS-CBN para sa kanila.

Comments are closed.