STAR CINEMA BRINGS LAV DIAZ’S AWARD-WINNING “HELE SA HIWAGANG HAPIS” TO PHILIPPINE THEATERS

STAR CINEMA BRINGS HELE SA HIWAGANG HAPIS TO PHILIPPINE THEATERS

 

Star Cinema, the film production arm of ABS-CBN Corporation, is bringing the Berlinale Film Festival Silver Bear-winning “Hele sa Hiwagang Hapis” closer to the Filipino people through a nationwide screening starting Black Saturday, March 26.

An eight-hour long epic, Lav Diaz’s internationally-acclaimed historical film  features two big names from ABS-CBN’s stable of stars – John Lloyd Cruz and Piolo Pascual.

Cruz and Pascual play as Crisostomo Ibarra/Simoun and Isagani, characters from national hero Jose Rizal’s Noli Me Tangere and El Filibusterismo, respectively. Director Lav Diaz examines this myth, and legend, of Andres Bonifacio, who was a prominent figure of the Philippine Revolution, and undertakes another expedition into the eventful history of his native land. The film’s various loosely interwoven narrative threads are held together by an exploration of the role of the individual in history and their involvement in political and social developments.

Diaz, one of the country’s most respected filmmakers, described his newest masterpiece as “a more intimate look into an important part of Philippine history.”

“Star Cinema and ABS-CBN has always believed in the artistry of the Filipino. By throwing our full support to this magnificent film, we hope to inspire both filmmakers and film-goers to continue to love and promote our own,” ABS-CBN chief operating officer for Star Creatives Malou Santos said.

A special screening of the film will be held at ABS-CBN’s Dolphy Theater on March 20, Sunday, at 12nn, to be attended by the cast and director, as well as producer Paul Soriano of Ten17 Productions.  “Hele sa Hiwagang Hapis” made waves in the prestigious Berlin International Film Festival last February where it was awarded the Alfred Bauer Prize, which is given to a feature film that “opens new perspectives on cinematic art.” Apart from Cruz and Pascual, the picture also features other notable actors and actresses such as Cherie Gil, Alessandra de Rossi, Sid Lucero, Angel Aquino, Ronnie Lazaro, Bernardo Bernardo, and Hazel Orencio, who played Gregoria De Jesus, or Ka Oryang, Bonifacio’s widow.

Catch “Hele sa Hiwagang Hapis” in local cinemas starting March 26. For more information, visit www.abs-cbn.com or like Star Cinema’s Facebook page (www.facebook.com/StarCinema) and follow their Twitter account (@StarCinema).

-30-

 

Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa iisang pelikula!
AWARD-WINNING FILM NI LAV DIAZ, IPAPALABAS NG STAR CINEMA

SA BUONG BANSA

Mapapanood na sa Pilipinas ang “Hele sa Hiwagang Hapis,” ang obra maestra ni Lav Diaz na pinarangalan ng Silver Bear award sa Berlin International Film Festival kamakailan lang. Ibinalita ito ng Star Cinema, ang film production arm ng ABS-CBN Corporation, na siyang maghahatid ng walong oras na pelikula sa mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng bansa.

Bida dito ang dalawa sa pinakamalaking bituin sa Kapamilya Network, sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, na gaganap bilang sina Isagani at Crisostomo Ibarra/Simoun, mga karakter mula sa mga akda ng pambansang bayani na si Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.Hihimayin ni Diaz ang alamat ni Andres Bonifacio sa “Hele,” at babagtasin pa ang ibang kaganapan sa ating kasaysayan. Ang sanga-sangang kuwento sa pelikula ay tinatahi ng ideya kung paano ang isang indibidwal ay makakaapekto sa kahihinatnan ng isang bayan.

Ayon kay Diaz, isa sa nirerespetong direktor sa bansa, ang “Hele” ay isang malapitang pagsusuri sa isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

“Naniniwala ang Star Cinema at ABS-CBN sa kagalingan ng Pilipino sa larangan ng sining. Sa aming pagbibigay ng buong suporta sa napakahusay na pelikulang ito, nawa’y mas marami pang manunulat, direktor, at manonood ang maengganyong mahalin at isulong ang Pelikulang Pilipino,” ani ABS-CBN chief operating officer for Star Creatives na si Malou Santos.

Isang special screening ang magaganap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa ika-20 ng Marso, 12nn, na dadaluhan ng cast, direktor, producer na si Paul Soriano ng Ten17 Productions.  Unang pinagusapan ang “Hele sa Hiwagang Hapis” nang makamit nito ang Alfred Bauer Prize sa Berlin International Film Festival noong Pebrero, na ginagawad sa isang pelikula na nagbubukas ng bagong perspektibo sa sining ng paggawa ng pelikula. Kasama nina Cruz and Pascual sa palabas ang iba pang kilalang artista tulad nina Cherie Gil, Alessandra de Rossi, Sid Lucero, Angel Aquino, Ronnie Lazaro, Bernardo Bernardo, at Hazel Orencio, na siyang gumanap na Gregoria De Jesus, o Ka Oryang, ang biyuda ni Bonifacio.

Abangan ang “Hele sa Hiwagang Hapis” sa local cinemas simula March 26. Para sa karagdagang  impormasyon, bisitahin ang www.abs-cbn.com o i-like ang Star Cinema Facebook page www.facebook.com/StarCinema) at sundan ang kanilang Twitter account (@StarCinema).

-30-

 

Comments are closed.