Star Music’s YouTube channel hits 1B views

Star Music reaches 1B views on YouTube

Star Music, ABS-CBN’s record label, has already generated 1 billion combined views on its YouTube channel, making it the first local recording company to hit the one billion mark with its continuing efforts to deliver fresh and heartwarming videos and promote OPM to Filipinos in different parts of the world.

Combining the total views of its official music videos, lyric videos, recording sessions and other exclusive shots released on the StarMusic channel, it has now reached 1B total views and counting.

A few weeks before the billion hits, subscribers and fans watched Star Music’s Himig Handog videos, led by the grand winner “Titibo-Tibo” song with Moira dela Torre’s official recording session gaining 5.2 million views. Adding to this success is her pre-finals video that has already gained 3.8 million views, and her grand finals and official music videos garnering 2.2 million views each.

Star Music now has 1.8 million subscribers and is included in the top 10 Philippine channels on YouTube based on the number of subscribers. It is the first Filipino music label to reach one million subscribers, its major feat achieved last year, and the third ABS-CBN channel to reach said milestone.

Among its videos with the most number of views are Yeng Constantino’s official music video for “Ikaw” now with 68 million views, and KZ Tandingan’s official music video for “Mahal Ko O Mahal Ako” with 47 million views.

Star Music’s online presence, through its YouTube channel, website and social media accounts, adds to the growing list of digital platforms of ABS-CBN, which is rapidly transitioning into an agile digital company with the biggest online presence among Filipino media companies.

Check out the latest videos in YouTube’s StarMusic channel, visit starmusic.ph, like Star Music on facebook.com/starmusicph, and follow it on Twitter and Instagram @ StarMusicPH for more updates.

 

YOUTUBE CHANNEL NG STAR MUSIC, MAY 1B VIEWS NA

Nakamit na ng Star Music, ang record label ng ABS-CBN, ang 1 billion views sa YouTube channel nito, at ito na nga ang kauna-unahang local recording company na naabot ang 1 billion mark dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng mga bago at madamdaming videos para maipalaganap ang OPM sa mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa pinagsama-samang total views ng mga official music videos, lyric videos, recording sessions at iba pang exclusive shots na inilabas ng StarMusic channel, ngayon ay mayroon na itong 1B total combined views.

Ilang linggo bago makamit ang nasabing billion hits, sinaksihan ng mga subscribers at fans ang mga Himig Handog videos ng Star Music. Nangunguna na rito ang winning song na “Titibo-Tibo” tampok si Moira dela Torre sa official recording session nito na umani na ng 5.2 million views habang ang kanyang pre-finals video naman ay nakakuha na ng 3.8 million views. Bukod dito, ang kanyang grand finals video at pati na rin ang official music video ng awitin ay umani na ng 2.2 million views bawat isa.

Sa kasalukuyan ay mayroong nang 1.8 million subscribers ang Star Music at bahagi ng top 10 Philippine channels sa YouTube base sa bilang ng subscribers nito. Ito rin ang unang Filipino music label na nagkamit ng 1 million subscribers noong nakaraang taon, at ikatlong ABS-CBN channel na nakagawa nito.

Kasama sa mga videos nito na may pinakamaraming views ang “Ikaw” official music video ni Yeng Constantino na umani na ng 68 million views, habang ang “Mahal Ko O Mahal Ako” official music video ni KZ Tandingan ay mayroon namang 47 million views sa kasalukuyan.

Ang pagiging aktibo ng Star Music online, sa pamamagitan ng YouTube channel nito, website at social media accounts, ay bahagi ng dumaraming digital platforms ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company sa bansa na nagsisikap para sa tuloy-tuloy na digital transformation nito.

Panoorin ang mga pinakabagong videos ng StarMusic channel sa YouTube, o kaya’y bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH para sa karagdagang impormasyon.

Comments are closed.