Super kids share their inspiring stories on ABS-CBN

Kapamilya artists and anchors join “Ayos Ka Kid” Family Fair in Antipolo

Four young Filipinos that have shown how it is like to be super in mind, body, and heart were featured on ABS-CBN current affairs programs recently in line with the network’s “Ayos Ka Kid” campaign that aims to highlight the positive attributes of Filipino youth.

Palarong Pambansa athlete Jhonalyn Hernandez was the first to touch the hearts of TV and online viewers when she shared to “Sports U” how she reached her dream of becoming a swimmer even if she was born without limbs.

In “Matanglawin,” we saw young Romnick Pagobo traverse two mountains to get to his school with the goal of fulfilling his dream to become a teacher. It was on “Rated K,” meanwhile, that we saw the works of young painter Chek Toledo, who uses her talent to raise money to fund her brother’s treatment for his hearing condition.

“Sports U” also recently introduced to the public baseball prodigy Harvey Sarte, whose courage in facing life’s difficulties can also be seen when he is on the field playing his sport.

The “Ayos Ka Kid” campaign hopes to emphasize the importance of values like love for family, sacrifice, respect, helpfulness, generosity, dignity, and having principles in life.

To further encourage young ones to be an “Ayos Ka Kid” like Jhonalyn, Romnick, Chek, and Harvey, an “Ayos Ka Kid” Family Fair was held in Robinsons Place Antipolo last Saturday (October 21) with fun booths and Kapamilya personalities like Winnie Cordero of “UKG,” MOR 101.9 DJ Kisses, Kuya Kim Atienza of “Matanglawin,” Marlo Mortel nof “Knowledge-on-the-Go,” and Team YeY kids. The families also got to bond through the animal show, games, raffle, and superhero costume contest prepared by ABS-CBN for them. The stories of Jhonalyn, Romnick, Chek, and Harvey were also shown during the program as a reminder to both parents and children that any kid can be super in body, mind, and heart through hard work, positive attitude, and the support of the family.

Catch other #AyosKaKid stories on ABS-CBN current affairs programs. Watch the first four stories online on the official Facebook pages of “Sports U,” “Matanglawin,” “Rated K,” and ABS-CBN News or via iwantv.com.ph , skyondemand.com.ph.

 

Kapamilya artists at anchors nakisaya sa  “Ayos Ka Kid” Family Fair sa Antipolo

MGA HUWARANG BATA, BUMIDA SA MGA PROGRAMA NG ABS-CBN NEWS

Apat na kwento ng mga batang nagsusumikap at nagpapakita ng kabutihang loob ang itinampok kamakailan lang sa iba’t-ibang programa ng ABS-CBN kaugnay ng kampanya nitong “Ayos Ka Kid,” na ibinibida ang mga positibong katangian ng kabataang Pinoy.

Unang pumukaw ng damdamin ng mga manonood sa TV man on sa internet si Jhonalyn Hernandez sa “Sports U,” kung saan ibinahagi niya kung paano niya naabot ang pangarap na makalangoy sa Palarong Pambansa maski wala siyang mga kamay at paa.

Nakilala rin ng madla si Romnick Pagobo sa “Matanglawin,” na sinundan ang kanyang pagtawid ng dalawang bundok para lang makapasok sa eskwela. Nakakaantig din ang istorya ng batang pintor na si Chek Toledo na ipinakita sa “Rated K” ang mga obrang kanyang ibinebenta upang maipagamot ang pandinig ng kapatid.

Sa “Sports U” din nakilala kamakailan si Harvey Sarte, na kahanga-hanga ang tapang sa pagharap ng mga suliranin sa buhay at ngayon ay kampeon din sa larong baseball.

Layunin ng “Ayos Ka Kid!” na ipakita na ang pagiging magaling at mabuti ng bata ay hindi lamang sa kung ano ang kaya niyang gawin o maatim kundi pati sa kanilang pagmamahal sa pamilya, pagsasakripisyo, pagrespeto sa kapwa, pagiging matulungin at mapagbigay, at pagkakaroon ng prinsipyo sa buhay.

Para mas lalo pang ma-engganyo ang mga batang Pilipino na maging “Ayos Ka Kid” tulad nina Jhonalyn, Romnick, Chek, at Harvey, isang “Ayos Ka Kid” Family Fair ang ginanap sa Robinsons Place Antipolo noong Sabado (Oktubre 21). Kasama ang mga Kapamilya na sina Winnie Cordero ng “UKG,” MOR 101.9 DJ Kisses, Kuya Kim Atienza ng “Matanglawin,” Marlo Mortel ng “Knowledge-on-the-Go,” at Team YeY kids, nakapag-bonding ang maraming pamilya sa handog na animal show, games, raffle, at superhero costume contest ng ABS-CBN. Napaalalahanan din sila na kahit sinong bata maaaring maging super sa katawan, isipan, at puso tulad nina Jhonalyn, Romnick, Chek, at Harvey sa muling pagpapalabas ng kanilang mga kwentong “Ayos Ka Kid.”

Abangan ang iba pang kwentong #AyosKaKid sa current affairs programs ng ABS-CBN. Panoorin ang mga naunang kwento sa mga opisyal na facebook page ng “Sports U,” “Matanglawin,” “Rated K,” at ABS-CBN News o sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph.

Comments are closed.