“Tawag ng Tanghalan” singers, lalong palalakasin ang pwersa ng OPM 

Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) president Ogie Alcasid with “Tawag ng Tanghalan” grand champion Noven Belleza, singers Sam Mangubat, Froilan Canlas, Marielle Montellano, Eumee, Gidget Dela Llana, Hazelyn Cascaño, Rachel Gabreza, Pauline Agupitan, Maricel Callo, Jex De Castro, and Lucky Robles. They have just been inducted as members of the organization.

Madadagdagan na ang mga nakamamanghang tinig na magsusulong sa musikang Pinoy dahil ganap nang miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) ang 12 sa pinakamahuhusay na singers ng “Tawag ng Tanghalan.”

Tuloy-tuloy na nga ang pagkamit sa pangarap ng “TNT” singers dahil parte na ng naturang organisasyon ang “TNT” grand champion na si Noven Belleza, kasama sina Eumee, Sam Mangubat, Marielle Montellano, Froilan Canlas, “TNT Divas” Gidget dela Llana, Rachel Gabreza, Pauline Agupitan, at Maricel Callo, at Jex de Castro, Lucky Robles, at Hazelyn Cascaño.

Sa kauna-unahang pagkakataon nga sa kasaysayan ng OPM ay idinaos ang isang induction ceremony kamakailan para sa “TNT” singers, sa pangunguna ng OPM president at singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Sa bagong hamon sa karera ng 12 mang-aawit ng “TNT,” muli nilang patutunayan ang kanilang husay sa kantahan at magbibigay inspirasyon sa mga ordinaryong Pilipino na huwag sumukong abutin ang kanilang mga pangarap.

Bibigyan din nila ng bagong timpla ang mga musikang mapakikinggan sa radyo at telebisyon at live performances sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang lalo pang mapalakas ang puwersa ng original Pilipino music.

Hangarin din nilang palawigin pa ang suporta sa OPM sa pamamagitan ng “TNT Versions” o “TNTV,” ang online platform kung saan napapanood silang bigyan ng bagong tunog ang mga kantang minahal ng mga Pilipino.

Mula nga noong Hunyo, umani na ng libo-libong subscribers at views ang naturang YouTube channel. Ilan nga sa mga binabalik-balikang renditions ay ang “Kahit Sandali” ni Eumee na mayroon nang 308,000 views, ang “Someone’s Always Saying Goodbye” ni Jex De Castro na pumalo na sa 295,000 views, at ang “Sukob Na” ni Samuel na nakakuha na ng 251,000 views.

Ang “TNT Versions” ay isa lamang sa pinakakilalang YouTube channels ng Adober Studios, ang multi-channel network ng ABS-CBN.

Ito ay isa lamang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, na ngayon ay nagiging isa nang digital company dahil sa patuloy nitong pangunguna kumpara sa mga katapat na network sa pagdala ng de-kalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

Ang “Tawag ng Tanghalan” ang pinakaunang singing talent show sa radyo at telebisyon na nagpasikat sa haligi ng musikang Pilipino gaya nina Nora Aunor, Edgar Mortiz, at Pepe Pimentel. Nagbalik ito sa telebisyon noong 2016 sa “It’s Showtime” at kasalukuyan nang nasa ikalawang taon nito.

Ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit OPM naman ang respetado at nangungunang samahan ng professional singers sa bansa. Kabilang sa kasalukuyang officers nito ang OPM icons na sina  din sa mga miyembro nito ay sina Jose Mari Chan, Noel Cabangon, Mitch Valdes, Dingdong Avanzado, at Gary Valenciano.

Comments are closed.