Team Vhyl and Team Roger win at the first PVL All-Star Sunday on ABS-CBN S+A

It was a day to remember for fans and players alike as the Premier Volleyball League (PVL) marked the end of its inaugural season on October 29 with a successful All-Star Sunday that saw Team Vhyl and Team Roger win in the Men’s and Women’s exhibition matches, respectively.

Coach Vhyl Verayo led the Yellow team to a five-set win over coach Oliver Almadro’s Blue team 25-16, 20-25, 25-22, 23-25, 15-9 behind a balanced attack let by Fauzi Ismail’s 14 points. Four other players scored in double figures for Team Yellow, while Marck Espejo and Mark Alfafara led Blue with 16 and 10 points.

Meanwhile, coach Roger Gorayeb’s Team Red prevented a Team White comeback when they ended the women’s match in four sets 25-21, 25-22, 13-25, 25-21. Riding on the herculean efforts of Diana Carlos who finished with 15 points, Gorayeb’s squad held off the rampage of coach Rico De Guzman’s wards led by Nicole Tiamzon with 14 points.

The other leading scorers for Red were Aiko Urdas with 11 and Kathy Bersola and Amy Ahomiro with nine apiece, while White had Isa Molde and Bea De Leon 12 and 11 points, respectively.

The event, held at the San Juan Arena and streamed on premiervolleyballlegue.com, with the women’s match airing live on S+A and S+A HD, was for the benefit of the Hero Foundation.

Before the games, the fans who have supported the league in all its three conferences this year were treated to a meet and greet with their volleyball idols. Apart from an autograph session with PVL stars, they were also entertained by Star Music artists such as Miko & Gab, Yohan Hwang, and Marlo Mortel.

Participants from S+A’s Heroes Camp Volleyball Clinic, which has gone to six barangays to teach and inspire budding Filipino athletes volleyball fundamentals and positive values, were also present to cheer for and meet their volleyball idols. To close the fun-filled day, the kids also joined the PVL stars in a flash mob dance.

Catch the telecasts of the PVL All-Star Sunday games starting with the Men’s Division  match this Monday (October 30) at 4 pm and the Women’s match on Tuesday (October 31) at 6 pm. Both matches can be watched online via premiervolleyballleague.com. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

TEAM VHYL AT TEAM ROGER, WAGI SA PVL ALL-STAR SUNDAY SA ABS-CBN S+A

Isang hindi makakalimutang Linggo (Oktubre 29) ang ibinigay ng Premier Volleyball League sa fans at mga benepisaryo sa matagumpay nitong “All Star Sunday” kung saan nagwagi ang mga koponan nina coach Vhyl Verayo at Roger Gorayeb sa isinagawang laban tampok ang pinakamagagaling na manlalaro sa men’s at women’s divisions ng liga.

Kumamada si Fauzi Ismail ng 14 puntos para pangunahan ang Yellow team laban sa Blue team sa loob ng limang set 25-16, 20-25, 25-22, 23-25, 15-9. Apat na kakampi niya ang nakalagpas din sa sampung puntos samantalaang sina Marck Espejo (16 pts) at Mark Alfafara (10 pts) lamang ang pumutok sa Blue team ni coach Oliver Almadro.

Si Diana Carlos naman ang gumawa para sa Red team ni Gorayeb na tinapos ang laro laban sa White team sa apat na sets 25-21, 25-22, 13-25, 25-21. Nagtala si Carlos ng 15 puntos na dinagdagan pa ng 11 ni Aiko Urdas at tig-siyam ni Kathy Bersola at Amy Ahomiro. Si Nicole Tiamzon naman ang nanguna sa White team na nakakuha rin ng 12 at 11 puntos kay Isa Molde at Bea De Leon.

Mapupunta sa Hero Foundation ang mga kinita sa event na isinagawa sa San Juan Arena at napanood online sa premiervolleyballleague.com, habang inere rin ng live sa S+A ang women’s exhibition match.

Bago ang mga laro, nagkaroon din ng isang meet and greet autograph session ang mga manlalaro kasama ang kanilang fans na sumuporta sa tatlong konperensya ng PVL sa taong ito. Inaliw din sila ng Star Music artists na sina Mika & Gab, Yohan Hwang, at Marlo Mortel bilang pasasalamat sa kanilang pagtangkilik sa liga.

Naroon din ang ilang mga bata mula sa Heroes Camp Volleyball Clinic ng S+A na nabigyan ng pagkakataong makilala at makasayaw pa ang kanilang mga idolo. Pumunta sa anim na barangay ang Heroes Camp ng S+A upang turuan ang mga bata ng magandang asal at tamang paglalaro ng volleyball.

Saksihan ang mainit na bakbakan sa PVL “All Star Sunday” sa premiervolleyballleague.com. Mapapanood din ang Men’s All Star match ngayong Lunes (Oktubre 30) ng 4 pm, habang bukas (Oktubre 31) ng 6 pm ang Women’s All Star match sa S+A at S+A HD. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

 

 

Comments are closed.