TED PROBES IMPLEMENTATION OF K-12 CURRICULUM IN THE COUNTRY

Broadcast journalist Ted Failon investigates the impact of the K (Kindergarten) – 12 basic education curriculum (BEC) reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25) in the award-winning investigative program “Failon Ngayon.”

Under the K-12 program, students must go through one year in Kindergarten, six years in elementary, four years in junior high school, and another two years for senior high school as opposed to the old program wherein students only have to spend six years in elementary and four years in high school.

Many Filipino parents are against the K-12 program because it requires their children to spend longer years of studying basic education in school, which will also affect and increase the family’s annual expenses.

DepEd, on the other hand, appealed to the public to give the K-12 program a chance since the said program will better prepare Filipinos for tertiary education and even for work.

Meanwhile, the problem in the country’s educational system doesn’t end there because according to IBON Foundation, the government still has not addressed the shortage of chairs, textbooks, and even teachers in various public schools nationwide.

Is the P337 billion budget allotted by the government for education this 2013 enough to solve the country’s problems in education? Are Filipinos really ready for the K-12 program?

Don’t miss this full report in “Failon Ngayon” this Saturday (May 25), 4:45 PM, after SOCO on ABS-CBN with a replay on ANC every Sunday, 2PM. Visit its Facebook page at www.facebook.com/failon.ngayon and follow it on Twitter via @Failon_Ngayon. Tweet your thoughts and reaction this weekend using the hashtag #FailonNgayon.

-30-

TED, BUBUSISIIN ANG IMPLEMENTASYON NG K-12 CURRICULUM SA BANSA

Ipapatupad na ng Department of Education (DepEd) ngayong taon ang ang K (Kindergarten) to 12 basic education curriculum (BEC) reform program sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Ano na nga ba ang epekto nito sa masang Pilipino?

Iyan ang aalamin ni Ted Failon ngayong Sabado (May 25) sa award-winning investigative program na “Failon Ngayon.”

Matatandaang maraming magulang ang kontra sa K-12 dahil nangangahulugan ito na mas mataas na gastos at mas doble kayod para mapag-aral ang kanilang mga anak na mas matagal na ang guguguling panahon matapos lang ang elementarya at high school.

Sa K-12 program, ang isang bata ay kailangang dumaan sa Kindergarten at labindalawang (12) taon ng basic education o isang taon sa Kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Junior High School at dalawang taon sa Senior High School.

Bagamat maraming ayaw rito, nanawagan pa rin ang DepEd sa publiko na pagbigyan ang naturang programa dahil mas maihahanda nito ang estudyante para sa pag-aaral sa Kolehiyo at mas mahuhubog ang mas malawak na kaalaman at kakayahan nito para sa pagta-trabaho.

Samantala, hindi naman nagtatapos diyan ang problema ng edukasyon sa bansa dahil ayon sa IBON foundation, marami pa ring kakulangan sa upuan, textbooks, at maging mga guro  ang maraming public schools sa bansa.

Sapat na kaya ang P337 billion na budget na inilaan ng gobyerno para sa edukasyon ngayong 2013? Handa na ba talaga ang mga Pilipino sa K-12 program?

Sa isyu ng pagdaragdag ng dalawang taon sa High School at hindi pa naso-solusyunang kakulangan sa ating mga eskwelahan tuwing pasukan, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang “Failon Ngayon” ngayong Sabado (April 13), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ang @Failon_Ngayon sa Twitter. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #FailonNgayon.

-30-

 

TAGS: , ,

Comments are closed.