“THE GREATEST LOVE” REFLECTS EXPERIENCES OF ORDINARY FILIPINO FAMILIES

The story of Gloria in Kapamilya afternoon series “The Greatest Love” proves that a mother’s love is more than enough to keep her family intact, just like in any ordinary Filipino family where the mother serves as guiding light for their children.

However, life is not always easy for most families, just like the Allegres. Their family was put to test as secrets from the past haunted their present lives. But Gloria’s love and sacrifices brought together her children Amanda (Dimples Romana), Paeng (Aaron Villaflor), Andrei (Matt Evans), at Lizelle (Andi Eigenmann) and mended their hearts amidst their differences.

She also showed bravery as she fought for her one true love Peter (Nonie Buencamino) and proved that nothing can go between people who were destined for each other.

The struggles she faced also made her a symbol of courage and strength that mothers have for their families, as she devoted her days to giving her family a better life.

Now that the family she struggled to keep intact is finally complete, her children are giving her the love and care that she needs as she faces her own battle with Alzheimer’s disease.

However, fate continued to play against them as Peter died unexpectedly, bringing sorrow to their family.

How will the Allegres ease Gloria’s pain over Peter’s death? What will happen to Gloria now that his beloved husband passed away?

Don’t miss the final week of the extraordinary story of a woman’s unconditional, uncompromising, all-encompassing love for her children in “The Greatest Love” after “The Better Half” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates,likewww.facebook.com/thegreatestlovetv. Catch on the program’s past episodes via iWant TV orviaskyondemand.com.ph for Sky subscribers.

“THE GREATEST LOVE” SUMASALAMIN SA KARANASAN NG PAMILYANG PILIPINO

Pinatunayan ng kuwento ng pamilya ni Gloria (Sylvia Sanchez) sa Kapamilya afternoon series na “The Greatest Love” na gaya ng pangkaraniwang pamilyang Pilipino, ang wagas na pagmamahal ng ina ang siyang may kakayahang bumuo sa pamilya hanggang sa huli.

Gaya ng pamilya Allegre, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga magkakapatid. Ngunit sa pagmamahal at sakripisyong ibinigay ni Gloria, nagawa niyang pagbuklurin ang mga puso ng kanyang mga anak na sina Amanda (Dimples Romana), Paeng (Aaron Villaflor), Andrei (Matt Evans), at Lizelle (Andi Eigenmann) sa kabila ng kanilang pagkakaiba.

Ipinaglaban niya rin ang kanyang pag-ibig para kay Peter (Nonie Buencamino) at pinatunayang walang makahahadlang sa dalawang taong itinadhana.

Matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan, kinatawan ni Gloria ang tapang at katatagan ng bawat inang Pilipino na hindi sumuko hanggang sa makamit niya ang kanyang hangaring mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

At ngayong buo na ang kanyang pamilya, sama-sama nilang sinusuklian ng pag-aaruga ang sakripisyong ibinigay ng kanilang ina sa kabila ng patuloy na paglala ng kanyang sakit na Alzheimer’s disease. Pinupuno nila ng ligaya ang bawat araw ni Gloria at pinapaalala ang mga masasayang tagpo na hindi nila malilimutan.

Ngunit patuloy pa rin ang pagdating ng unos sa kanilang mga buhay dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, binawian ng buhay si Peter, dahilan ng kanilang matinding pagluluksa.

Paano nga ba maiibsan ng pamilya Allegre ang hinagpis sa pagkamatay ni Peter? Ano naman kaya ang mangyayari kay Gloria ngayong pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na asawa?

Huwag palampasin ang huling linggo ng hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa “The Greatest Love”, tuwing hapon pagkatapos ng “The Better Half” sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv.

Comments are closed.