The search for fresh OPM songs returns in Himig Handog 2017

The Himig Handog 2017 songwriters and their interpreters

Which Himig Handog entry will be the next big OPM hit? 

The worldwide search for the next big OPM love song is back in Himig Handog 2017, the largest Filipino songwriting competition that gave birth to recent winners “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa,” “Mahal Ko o Mahal Ako,” and “Dalawang Letra,” and the new song selections will be performed live on “ASAP” stage this October.

A total of 10 songs made it to this year’s competition out of almost 7,000 entries from Filipinos all over the world. In Himig Handog tradition, these compositions will be interpreted by some of today’s hottest local artists.

This year’s interpreters include Jake Zyrus for Agatha Morallos’ song entry “Bagyo,” Migz Haleco for Eric de Leon’s “Bes,” Inigo Pascual feat. Aikee for Michael “Aikee” Aplacador’s “Extensyon,” Morissette for LJ Manzano and Joan Da’s “Naririnig Mo Ba?,” and Jona for Raizo Chabeldin and Biv De Vera’s “Sampu.”

Also doing their unique song rendition are Unit 406 for Gabriel Tagadtad’s “Tanghaling Tapat,” Kyla and Jason Dy for Soc Villanueva’s “Tayo na Lang Kasi,” Kaye Cal for Karl Gaurano and Teodoro Katigbak’s “The Labo Song,” Moira for Libertine Amistoso’s “Titibo-Tibo,” and Janella Salvador for Karlo Zabala’s “Wow na Feelings.”

The song entries will be performed on “ASAP” starting this Sunday (Oct. 15) with Moira, Janella and Morisette; on Oct. 22 with Jona, Kaye Cal, and Inigo with Aikee; and on Oct. 29 with Migz, Unit 406, Jake, Kyla and Jason.

The songwriter with the best composition gets the grand prize worth a whopping P1 million cash. Runners-up also get exciting prizes: P500,000 cash prize (2nd place), P200,000 (3rd place), P150,000 (4th place), and P100,000 (5th place).

Special awards will likewise be given to MOR’s Choice, Star Music Listeners Choice, and One Music PH Choice for Favorite Interpreter, each with P50,000 cash prize. Another special award goes to TFC’s Global Choice for Favorite Song with $2,000 take home money. The MYX Best Music Video will be awarded to the winning students with a P50,000 cash reward.

This year’s music videos are produced by 10 participating schools: Bulacan State University (“Bagyo”), Columban College Olongapo (“Bes”), Lyceum of the Philippines-Laguna (“Extensyon”), Southern Luzon State University (“Naririnig Mo Ba?”), Holy Angel University-Pampanga (“Sampu”), De La Salle Lipa (“Tanghaling Tapat”), MINT College (“Tayo Na Lang Kasi”), Colegio de San Juan de Letran-Bataan (“The Labo Song”), “International Academy of Film and Television – Cebu (“Titibo-tibo”), and St. Louis University Baguio (“Wow na Feelings”).

Now on its 8th year, Himig Handog is a songwriting competition that is led by ABS-CBN and Star Music. It began in early 2000s and was later revived in 2013. Many entries from this songwriting challenge have become huge hits and have been picked as theme songs for several TV shows and movies. Previous songwriters and interpreters have gradually made their mark in the OPM scene.

Digital copies of this year’s Himig Handog song finalists are now available for download and streaming online, and lyric videos may be viewed via the StarMusic channel in YouTube. The album will be out in record stores nationwide starting October 15.

Catch the Himig Handog 2017 grand finals on “ASAP” on Nov. 26 (Sunday). For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

Kaninong Himig Handog kaya ang magwawagi

MGA BAGONG OPM, BIBIDA SA HIMIG HANDOG 2017 

Nagbabalik ang worldwide search para sa mga pinakabagong awit ng pag-ibig sa Himig Handog 2017, ang pinakamalaking Filipino songwriting competition kung saan nagwagi ang mga kantang “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa,” “Mahal Ko o Mahal Ako,” at “Dalawang Letra,” at tampok ang mga napiling awitin nito sa ka-abang-abang na performances sa “ASAP” ngayong Oktubre.

Sampung awiting ang napiling finalists mula sa halos 7,000 entries na nanggaling sa mga Pilipino mula sa iba’t ibang lugar sa mundo. Sa tradisyon ng Himig Handog, ang mga napiling komposisyon ay aawiting ng ilan sa mga kilalang artists ngayon.

Kabilang sa Himig Handog interpreters sina Jake Zyrus para sa song entry ni Agatha Morallos na may titulong “Bagyo,” si Migz Haleco para sa “Bes” ni Eric de Leon, si Inigo Pascual feat. Aikee para sa “Extensyon” ni Michael “Aikee” Aplacador, si Morissette para sa “Naririnig Mo Ba?” nina LJ Manzano at Joan Da, at si Jona para sa “Sampu” ni Raizo Chabeldin at Biv De Vera.

Kasama rin dito ang Unit 406 para sa “Tanghaling Tapat” ni Gabriel Tagadtad, sina Kyla at Jason Dy para sa “Tayo Na Lang Kasi” ni Soc Villanueva, si Kaye Cal para sa “The Labo Song” nina Karl Gaurano at Teodoro Katigbak, si Moira para sa “Titibo-Tibo” ni Libertine Amistoso, at si Janella Salvador para sa “Wow na Feelings” ni Karlo Zabala.

Aawitin ang mga Himig Handog songs sa “ASAP” simula ngayong Linggo (Okt. 15) kasama sina Moira, Janella at Morisette; sa Okt. 22 kasama sina Jona, Kaye Cal, at Inigo at Aikee; at sa Okt. 29 kasama naman sina Migz, Unit 406, Jake, Kyla at Jason.

Ang songwriter na may pinakamagandang komposisyon ay makakatanggap ng P1 million grand prize. Mayroon ding nakalaang premyo para sa mga runners-up: P500,000 para sa 2nd placer, P200,000 para sa 3rd placer, P150,000 para sa 4th placer, at P100,000 para sa 5th placer.

Bukod sa mga nabanggit, bibigyan din ng special awards ang MOR’s Choice, Star Music Listeners Choice, at One Music PH Choice for Favorite Interpreter, na may tig-P50,000 premyo bawat isa. Isa pang special award ang igagawad sa TFC’s Global Choice for Favorite Song na may $2,000 cash prize. Makakatanggap naman ng P50,000 ang mananalong grupo ng mga estudyante sa MYX Best Music Video.

Ang music videos ng Himig Handog ngayong taon ay gawa ng mga mag-aaral mula sa 10 eskwelahan: ang Bulacan State University (“Bagyo”), Columban College Olongapo (“Bes”), Lyceum of the Philippines-Laguna (“Extensyon”), Southern Luzon State University (“Naririnig Mo Ba?”), Holy Angel University-Pampanga (“Sampu”), De La Salle Lipa (“Tanghaling Tapat”), MINT College (“Tayo Na Lang Kasi”), Colegio de San Juan de Letran-Bataan (“The Labo Song”), “International Academy of Film and Television – Cebu (“Titibo-tibo”), and St. Louis University Baguio (“Wow na Feelings”).

Nasa ikawalong taon na ngayon ang Himig Handog na pinangungunahan ng ABS-CBN at Star Music. Nagsimula ito noong early 2000s at binuhay muli noong taong 2013. Marami sa mga awiting naging bahagi ng patimpalak ang sumikat at napili pang theme songs ng ilan sa mga programa sa telebisyon at mga pelikula. Ang ilan sa mga nakaraang songwriters at interpreters ay unti-unti nang nagbibigay ng kanilang marka sa larangan ng OPM.

Available na ang digital copies ng mga awitin ng Himig Handog online, at mapapanood ang lyric videos nito sa StarMusic channel sa YouTube. Mabibili na rin ang album sa record bars nationwide simula Okt. 15.

Abangan ang Himig Handog 2017 grand finals sa darating na Nob. 26 (Linggo) sa “ASAP.” Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

Comments are closed.