“THE UNMARRIED WIFE” UNTANGLES LOVE AND ITS MANY COMPLICATIONS

angelicamr
Star Cinema challenges the many pronouncements on love and poses the most difficult question of them all – how long will one fight for love – in its latest offering “The Unmarried Wife,” screening in theaters in key countries across the world starting November 20.

“The Unmarried Wife” is not your usual movie about infidelity as it tries to delve deeper into the marrow of relationships

direk-maryo-j-delos-reyes-mr

Director par excellence Maryo J. delos Reyes shares: “I’m very excited doing this film.  It is a test of my skill on how to tell a story about relationships.  “’The Unmarried Wife’ is a very different one – it’s very timely and at the same time, very important to be discussed.”

Starring This Generation’s Drama Queen Angelica Panganiban, the main narrative is centered on Anne (Panganiban) – a young woman who carries severe inhibitions on love due to a traumatic childhood experience. Her reservations on falling in love are wiped away after finding her great love in the person of Geoff (Dantes). However, her blissful relationship with her husband is short-lived because of Geoff’s infidelities. As she struggles to fight for her family, her friend Bryan (Paulo Avelino) offers to heal her emotional wounds with the promise of being the lover that she truly deserves.

Panganiban, who has portrayed the most extreme of roles already, still finds the role of Anne challenging: “It’s a very challenging role for me.  It’s a very challenging film.  Kaya doon siguro pumapasok ‘yung part na kinakabahan ako. Alam ko nga, na hindi ko hahayaang mapunta sa ibang `yung project noong sinabi sa akin.”

In the film, Panganiban tries to keep the family together despite her husband’s infidelity.  Dantes says commitment spells the difference and forgiveness is key to reconciliation.  So iyong present na pagkakamali should open more doors to reconciliation ninyo, pag-uusap ng mga bagay na mali from the past na ini-ignore ninyo before. So kung iyon puwede mong balikan and ayusin, iyong steps along the way ay mapag-uusapan ninyo nang maayos.”
dingdongmr

Dantes adds: “Then perhaps puwede mo masabing nag-effort ka talaga na aminin ang pagkakamali and makaroon ka ng willingness na maging better person later on.
Pero kung ano man ang nasira, siguro hindi mo siya maaayos ng hundred percent.
Pero the willingness should be there and ang pinakamahalaga is what to do later on and how to move forward.”


paulomr

However, the movie also presents the reality that women are also capable of committing the same sin.  Here lies Avelino’s role as a man who offers Panganiban a new chance at happiness and the proposition of being that man she truly deserves.

While a seasoned actor, Avelino also shares his difficulty in portraying the role given he has no similar experience.  “With the help of Direk Maryo and Ms. Van (writer Vanessa Valdez), nabuo iyong character.  It’s hard to actually, just make it as organic as possible.”

Catch the “The Unmarried Wife” on these dates: November 20 Rome, Milan and Italy; November 24 UAE, Qatar, Bahrain and Oman and Papua New Guinea; November 25 U.S., Canada and Saipan; November 26 Austria; November 26 UK; November 27 Spain, Hong Kong, and Singapore; and December 1 Australia and New Zealand.
For more information, visit www.tfc-usa.com/unmarriedwife, www.tfc-ca.com/unmarriedwife, emea.kapamilya.com and facebook pages applicable for your area
Connect with fellow global Kapamilyas. Follow us @Twitter and IG @KapamilyaTFC

###

Kakaibang drama at de kalibreng performances matutunghayan sa “The The Unmarried Wife”
Dingdong Dantes at Angelica Panganiban, muling magsasasama para sa kuwento ng pag-ibig at ang anong hangganan nito; Paulo Avelino makakasama sa Star Cinema offering na mapapanood worldwide via TFC@theMovies

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang tatlo sa pinakamahuhusay na aktor sa Philippine entertainment industry – Dingdong Dantes, Paulo Avelino at ang This Generation’s Drama Queen na si Angelica Panganiban sa isang pelikulang tatalakay sa pag-ibig na susubukin ng panahon at sa isang isyung napapanahon.

Sa ilalim ng direksiyon ng award-winning na si Maryo J. Delos Reyes at sa panulat ni Vanessa Valdez, ang “The Unmarried Wife” ay isang mature love story na magbabahagi ng iba’t-ibang pananaw sa relationships.

Umiikot ang istorya kay Anne (Panganiban) – isang babae na may malalang inhibitions sa pagibig dahil sa isang traumatic childhood experience. Nawala ang kanyang pagaalinlangan sa pagibig nang matagpuan niya ang kanyang great love sa katauhan ni Geoff (Dantes). Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang mala-rosas niyang relasyon sa kanyang asawa dahil sa pangangaliwa ni Geoff. Habang nagdurusa siya upang ipaglaban ang kanyang pamilya, susubukang hilumin ng kanyang kaibigan na si Bryan (Avelino) ang mga sugat ng kanyang puso at ipinangako nito na kanyang ibibigay ang pagibig na nararapat para kay Anne.

Ang “The Unmarried Wife” rin ang pinakahihintay na reunion nina Panganiban, delos Reyes at Valdez simula noong sila ay unang nagsama sa blockbuster romantic-drama na “A Love Story.”

Si Panganiban ang isa sa pinaka-talentadong aktres ng bansa dahil sa kaniyang kakayahang magpalipat-lipat ng genres.  Ngunit kahit naranansan na niyang bigyang buhay ang iba’t-ibang babaeng mula sa iba’t-ibang sektor ng buhay, aminado si Panganiban na nahirapan siya bilang si Anne.

“It’s a very challenging role for me.  It’s a very challenging film.  Kaya doon siguro pumapasok ‘yung part na kinakabahan ako. Alam ko nga, na hindi ko hahayaang mapunta sa ibang `yung project noong sinabi sa akin,” pahayag ni Panganiban.

Si Dantes naman ay nagbabalik sa Star Cinema sa ika-apat na pagkakataon mula ng kaniyang kauna-unahang pelikulang “Segunda Mano” noong 2011 kung saan kapareha rin niya si Angelica na muli niyang nakasama sa “One More Try” noong 2012.
Kilala siya hindi lang bilang respetadong actor kung hindi bilang isang aspiring director din.

Sa ikatlong pagkakataon, medyo nakasanayan na niya ang pag-arte kasama si Panganiban.  Sa katunayan, nabantayan niya ang growth ni Panganiban bilang actress.  Aniya: “Very sensitive ako when it comes to my co-actors and I guess ganoon din siya. Dahil sa pakiramdaman namin, we started on the right premises and ‘yong respeto namin sa isa’t isa ay nandoon din to begin with. I respect and admire her body of work so much.”

Makakatrabaho naman nila sa kauna-unahang pagkakataon si Avelino na una ring mapapanood sa isang drama movie sa ilalim ng Star Cinema.  Nakatrabaho man niya si delos Reyes sa
“I’ll Be There,” noong 2010, inamin niyang mahirap noong unang humugot sa isang karakter na malayo sa kuwento niya.

“With the help of Direk Maryo and Ms. Van (writer Vanessa Valdez), nabuo iyong character.
It’s hard to actually, just make it as organic as possible.”

Sama-samang tatalakayin nina Dantes, Avelino at Panganiban ang kuwento ng pag-ibig at mga kasinungalingan na maguudyok sa kanilang magtanong – hanggang kailan magtitiis ang isang tao? Hanggang kailan sila magpaparaya para sa pamilya?

Tunghayan sa “The The Unmarried Wife” sa mga sumusunod na dates: November 20 Rome, Milan at Italy; November 24 UAE, Qatar, Bahrain, Oman at Papua New Guinea; November 25 U.S., Canada and Saipan; November 26 Austria; November 26 UK; November 27 Spain, Hong Kong, and Singapore; and December 1 Australia and New Zealand

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.tfc-usa.com/unmarriedwife, www.tfc-ca.com/unmarriedwife, emea.kapamilya.com and facebook pages applicable for your area
Connect with fellow global Kapamilyas. Follow us @Twitter and IG @KapamilyaTFC

###

Reference:
Marianne de Vera
Global Corporate Affairs and PR
global_corporate_affairs@abs-cbn.com (EMAIL)

 

Comments are closed.