“THE VOICE OF THE PHILIPPINES” RETURNS THIS SUMMER WITH KIDS EDITION

THE VOICE KIDS coaches Sarah Geronimo, Bamboo, and Lea Salonga, and hosts Luis Manzano and Alex Gonzaga

The search for the next singing superstar is back as the top-rating and Twitter-trending ultimate singing-reality search “The Voice of the Philippines” returns to ABS-CBN this summer.

This year, it will launch the highly anticipated “The Voice Kids,” featuring kids aged eight to 14 years old with the most unique and supreme singing voices.

Sitting again as coaches in “The Voice Kids” are Popstar Royalty Sarah Geronimo, Rock Superstar Bamboo, and Broadway Diva Lea Salonga.

It will be hosted by Luis Manzano and season one V Reporter Alex Gonzaga.

“The Voice of the Philippines” raised the bar of singing competitions by focusing on vocal supremacy, not the looks or the back stories of the artists. Its first season also elicited excitement among audiences with its world-class production and riveting storytelling of the journey of both the artists and coaches.

Season one produced the first ever “Voice of the Philippines” Mitoy of Team Lea, who proved to be a first-class vocal talent that can compete in the global arena.

The Philippine adaptation of the popular international TV franchise turned out to be highly successful, engaging audiences on-air, online, and on mobile as it constantly won the ratings game, dominated social media, and rallied viewers to vote for their voice of choice week after week.

The show’s unique format extremely appealed to Filipino viewers, especially its “blind auditions” where hopefuls auditioned by singing on stage with the coaches facing against them.

It not only saw the artists competing, but also the coaches who battled each other in picking artists, and when their respected teams delivered the best performances during the live shows leading to the finale.

Watch out for “The Voice Kids” airing soon on ABS-CBN. For updates on the program, like www.facebook.com/thevoiceabscbn, or follow @thevoiceabscbn on Twitter and @abscbnthevoice on Instagram.

BOSES NG MGA BULILIT, MARIRINIG SA PAGBABALIK NG “THE VOICE” NGAYONG SUMMER

Muling hahanapin ng ABS-CBN ang susunod na singing superstar sa pagbabalik ng ultimate singing-reality search, ang top-rating at Twitter-trending na “The Voice of the Philippines” ngayong summer.

Unang handog nito ngayong taon ang “The Voice Kids,” kung saan maririnig ang mga pinakanakakabilib at kakaibang boses ng mga bulilit na may edad na walo hanggang 14 taong gulang.

Muling uupo bilang coaches ng “The Voice of the Philippines kids” ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, Rock Superstar na si Bamboo, at Broadway Diva na si Lea Salonga sa panibagong edisyon nito.

Pangungunahan naman ito nina Luis Manzano at season one V Reporter na si Alex Gonzaga bilang hosts.

Gumawa ng ingay ang unang season ng “The Voice of the Philippines” sa naiiba nitong format kung saan boses at hindi itsura o kwento ng buhay ang bida.

Itinanghal na unang “The Voice of the Philippines” si Mitoy ng Team Lea na talaga namang pinatunayang isa siyang world-class talent na maaaring ipagmalaki sa buong mundo.

Naging matagumpay ang Pinoy adaptation ng sikat na international TV franchise na sinubaybayan ng publiko mapa-TV, online, o mobile man dahil linggo-linggo itong nanguna sa ratings, pinag-usapan sa social media, at hinimok ang mga manonood na iboto ang kanilang mga pambato.

Pumatok rin sa mga Pinoy ang “blind auditions” nito kung saan kinailangang kumanta ang auditionees habang nakatalikod ang coaches.

Hindi lang ang artists ang naglaban-laban sa kumpetisyon kundi pati na rin ang coaches mula sa pagpipili nila ng artists at sa showdown ng kani-kanilang teams sa live shows hanggang sa finale.

Abangan ang “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.

Comments are closed.