THOUSANDS RUN FOR A CAUSE AT THE DYAB KAPAMILYA RUN


Over 3,500 runners flocked the annual DYAB Kapamilya Run at the Parkmall grounds in Mandaue City, Cebu.

The categories featured in the race were 21k, 12k, 6k and 3k. The 12th edition of the race was the first to feature a 21k run.

This year’s fun run was organized for DYAB’s 17th anniversary celebration with the theme, “Diyes Ug Siyete Na, Abante Pa.” The run aims not only to bring the best runners of Cebu together, but it was also organized to strengthen the charity programs of ABS-CBN and DYAB.

The funds generated from the race will go to the victims of Typhoon Sendong, which hit Cagayan De Oro City last year and the victims of an earthquake in Negros Oriental. Among these, DYAB is also planning to build classrooms in selected damaged schools in Negros Oriental.

Among the top contenders for the race include Mary Joy Tabal, Mary Grace Delos Santos and the Kenyan force led by Abraham Missos.

The 21k run seemed like a showdown between the two women, Tabal and Delos Santos. In the end, the latter outshone her rival and won her fifth straight 21k race in Cebu.

In the men’s division, the Kenyans ruled as expected, with Missos placing first and Douglas Mwiti in second.

Organizers are already planning for a full marathon next year.

-30-

DYAB KAPAMILYA RUN DINAGSA NG LIBO-LIBO

Mahigit 3,500 ang tumakbo sa taunang DYAB Kapamilya Run sa Parkmall grounds ng Mandaue City, Cebu.

Ang mga kategorya sa takbo ay 21k, 12k, 6k at 3k. Ito ang 12th edition ng takbo at ang pinakaunang nagkaroon ng 21k run.

Ngayong taon, isinabay ang fun run sa pagdiriwang ng ika-17 taong anibersaryo ng DYAB na may temang “Diyes Ug Siyete Na, Abanta Pa.” Layon ng fun run na pagsama-samahin ang pinakamagagaling na mananakbo ng Cebu at palakasin pa ang charity programs ng ABS-CBN at DYAB.

Ang mga pondo na kikitain sa fun run ay mapupunta sa mga biktima ngbagyong Sendong na tumama sa Cagayan de Oro noong isang taon at sa mga biktima ng lindol sa Negros Oriental. Plano rin ng DYAB na magtayo ng mga silid-paaralan sa mga piling eskwelahan na nasalanta sa Negros Oriental.

Ilan sa mga kampeon na runners na sumali sa fun run ay sina Mary Joy Tabal, Mary Grace Delos Santos at ang grupo ng Kenyan runners na pinangunahan ni Abraham Missos.

Ang 21k run ay nagsilbing showdown sa pagitan nina Tabal at Delos Santos. Sa huli, ang naging kampeon sa women’s division ay si Delos Santos, na nag-uwi ng kanyang ika-limang panalo ng 21k race sa Cebu.

Sa men’s division naman, hindi nagpa-awat ang Kenyan runners. Si Missos ang unang nakarating sa finish line at sinundan siya ni Douglas Mwiti.

Pinaplano na ng mga organizers ang pagkakaroon ng full marathon sa susunod na taon.

-30-

 

Comments are closed.