“Titibo-Tibo” is the Himig Handog 2017 Best Song

Moira and composer Libertine Amistoso, this year’s Himig Handog winners

“Titibo-Tibo,” the feel-good song about a boyish girl who finds herself getting more womanly after falling in love with a guy composed by Libertine Amistoso and interpreted by singer-songwriter Moira dela Torre, bagged the Best Song and was announced the grand winner in the largest Filipino songwriting competition, Himig Handog 2017, during the finals held on the “ASAP” stage on Sunday.

Amistoso, who took home the P1 million cash prize, beat the other nine song grand finalists chosen among almost 7,000 entries. Her happy song served as her lucky charm. ”It’s not like the other songs which are about ‘hugot’ or pain. This is a happy song, with a happy ending,” said the composer in a recent interview.

Jona’s heartbreaking song “Sampu,” composed by Raizo Chabeldin and Biv de Vera, was chosen as the 2nd Best Song while Inigo Pascual feat. Aikee’s “Extensyon,” composed by Michael “Aikee” Aplacador, was announced the 3rd Best Song.

Janella Salvador’s “Wow Na Feelings” with words and music by Karlo Zabala, meanwhile, got the 4th Best Song recognition as well as the TFC’s Global Choice for Favorite Song special award.

The 5th Best Song went to “Tanghaling Tapat” performed by Unit 406 and composed by its lead singer, Gabriel Tagadtad.

The 2nd best song composer got P500,000 cash prize while the 3rd, 4th and 5th best song composers each got P200,000, P150,000 and P100,000, respectively.

Jason Dy and Kyla’s “Tayo Na Lang Kasi,” composed by Soc Villanueva, won several special awards including MOR’s Choice, One Music PH’s Choice for Favorite Interpreter, and MYX Choice for Best Music Video. Meridian International College, one of the ten school participants, produced the “Tayo Na Lang Kasi” official music video.

Star Music Listeners Choice went to “The Labo Song” composed by Karl Gaurano and Teodoro Katigbak and interpreted by acoustic soul artist Kaye Cal.

The other finalists in the competition were “Bagyo” composed by Agatha Morallos and interpreted by Jake Zyrus, “Bes” composed by Eric De Leon and performed by Migz Haleco, and “Naririnig Mo Ba?” composed by LJ Manzano and Joan Da and interpreted by Morissette.

Now on its 8th year, Himig Handog is a songwriting competition led by ABS-CBN and Star Music. It began in early 2000s and was later revived in 2013. Many entries from this songwriting challenge have become huge hits and have been picked as theme songs for several TV shows and movies. Previous songwriters and interpreters have gradually made their mark in the OPM scene.

The “Himig Handog” 2017 album is now available at all record bars nationwide for only P250. Digital tracks can also be downloaded via digital stores worldwide. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

 

Moira at composer na si Libertine Amistoso, panalo sa Himig Handog…

“TITIBO-TIBO,” WAGI BILANG BEST SONG SA HIMIG HANDOG 2017

 

Ang masayang awitin na “Titibo-Tibo” na tungkol sa isang boyish na babae na hindi inaasahan ay nahulog ang loob sa isang lalaki, mula sa composer na si Libertine Amistoso at kinanta ni Moira dela Torre, ang kinilalang Best Song at inanunsiyong grand winner sa pinakamalaking songwriting competition sa bansa — ang Himig Handog 2017 — sa finals nito na ginanap sa “ASAP” noong Linggo.

Tinalo ni Amistoso ang siyam na song grand finalists na napili mula sa halos 7,000 entries, at tinanggap niya ang pinaka-inaasam na P1 million cash prize. Ang kanyang masayang awitin ang nagsilbi bilang kanyang lucky charm. “Hindi siya yung tulad ng iba na more on hugot, o sakit, itong song happy siya. Happy ending ang content niya,” kwento ng composer sa isang interview kamakailan.

Kinilala namang 2nd Best Song and makabagbag-damdamin na awitin ni Jona na “Sampu,” mula sa mga composer na sina Raizo Chabeldin at Biv de Vera, habang ang “Extensyon” ni Inigo Pascual kasama si Aikee, na mula sa isinulat ni Michael “Aikee” Aplacador ang itinanghal na 3rd Best Song.

Ang “Wow Na Feelings” na isinulat ni Karlo Zabala at inawit ni Janella Salvador ay kinilala namang 4th Best Song pati na rin bilang TFC’s Global Choice for Favorite Song.

Napili naman ang “Tanghaling Tapat” na inawit ng Unit 406 at isinulat ng lead singer nito na si Gabriel Tagadtad bilang 5th Best Song.

Tumanggap ng P500,000 ang kompositor ng 2nd Best Song, habang ang composers naman ng 3rd, 4th, at 5th Best Songs ay nagwagi ng P200,000, P150,000, at P100,000.

Tatlong special awards naman ang tinanggap ng “Tayo Na Lang Kasi” na kinanta nina Jason Dy at Kyla at isinulat ni Soc Villanueva. Kasama dito ang MOR’s Choice, One Music PH’s Choice for Favorite Interpreter, at MYX Choice for Best Music Video. Ang Meridian International College, isa sa sampung school participants, ang gumawa ng “Tayo Na Lang Kasi” official music video.

Ang Star Music Listeners Choice special award ay iginawad naman sa “The Labo Song” mula sa mga composer na sina Karl Gaurano at Teodoro Katigbak at kinanta ng acoustic soul artist na si Kaye Cal.

Bukod sa mga nabanggit, kabilang din sa mga finalists ng nasabing kompetisyon ang “Bagyo” ni Agatha Morallos na inawit ni Jake Zyrus, “Bes” mula kay Eric De Leon na kinanta ni Migz Haleco, at “Naririnig Mo Ba?” ng composers nito na sina LJ Manzano at Joan Da at inawit ni Morissette

Nasa ikawalong taon na ngayon ang Himig Handog na pinangungunahan ng ABS-CBN at Star Music. Nagsimula ito noong early 2000s at binuhay muli noong taong 2013. Marami sa mga awiting naging bahagi ng patimpalak ang sumikat at napili pang theme songs ng ilan sa mga programa sa telebisyon at mga pelikula. Ang ilan sa mga nakaraang songwriters at interpreters ay unti-unti nang nagbibigay ng kanilang marka sa larangan ng OPM.

Mabibili na ang “Himig Handog” 2017 album sa mga record bars nationwide sa halagang P250 at pwede ring i-download sa mga digital stores worldwide. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

Comments are closed.