Mga awit ng pag-ibig at hugot, handog ng “Tawag ng Tanghalan” singers sa “TNT Versions”

Umibig, ma-inspire, at makihugot kasama ang pinakamagagaling na “Tawag ng Tanghalan” singers sa “TNT Versions,” ang YouTube channel kung saan matutunghayan hindi lang ang galing nila sa pagkanta kung hindi pati na rin ang madadamdamin nilang renditions ng mga paborito at pinakaminahal na love songs ng Pinoy.

Siguradong makaka-relate ang lahat sa “TNT Versions” tampok ang grand finalists ng “TNT” singers na bibigyan ng bagong kulay at areglo ang classic at modern hits sa tulong ng TNT Band at The Arrangers.

Mula nga noong Hunyo, lubos nang sinusubaybayan ng online viewers ang mga awiting handog ng naturang channel at nakakuha na ng libo-libong views at subscribers. Ilan nga sa mga binabalik-balikang renditions ay ang “Someone’s Always Saying Goodbye” ni Jex De Castro na nakaani na ng higit sa 257,000 views, ang “Sukob Na” ni Sam Mangubat na mayroon nang 231,000 views, at ang “Kahit Sandali” ni Eumee na may higit sa 216,000 views.

Mag-subscribe na sa “TNT Versions” (www.youtube.com/tntversions) para mapakinggan ang tagos sa pusong versions ng kauna-unahang “Tawag ng Tanghalan” champion na si Noven Belleza, pati na rin nina Jex, Sam, Eumee, Froilan Canlas, Rachel Gabreza, Pauline Agupitan, Marielle Montellano, at Gidget Dela Llana para sa kanilang.

Bukod sa views, umaaani rin ng positibong comments ang videos ng “TNT” singers mula sa viewers.

“Bravo. Tinaasan pa lalo, abot hanggang puso. Sobrang tagos talaga sa puso ko, parang anghel ang umaawit. Iba ka talaga Noven,” kumento ng isang subscriber sa acoustic version ni Noven ng kauna-unahang single niyang pinamagatang “Tumahan Ka Na.”

“Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi sapat ang mga salita para sabihin kung gaano ka kagaling na artist. Pinakita mo ang totoong ibig sabihin ng salitang ‘versions.’ Iba ka sa lahat,” papuri ng isang viewer sa “Only Me and You” ni Froilan.

“Masarap sa tenga at sa puso. Masarap pakinggan. Nakakailang ulit na ako at habang tumatagal lalong gumaganda,” ayon sa isang comment sa bersyon ng “Sukob Na” ni Sam.

Bukod naman sa YouTube channel nito, meron ding Facebook page ang “TNT Versions,” kung saan makikita ang latest updates tungkol sa “TNT” at mga dating kalahok nito.

Ang “TNT Versions” ay isa lamang sa pinakakilalang YouTube channels ng Adober Studios, ang multi-channel network ng ABS-CBN.

Ito ay isa lamang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, na ngayon ay nagiging isa nang digital company dahil sa patuloy nitong pangunguna kumpara sa mga katapat na network sa pagdala ng de-kalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

Mag-subscribe na sa “TNT Versions” sa www.youtube.com/tntversions o i-like ang www.facebook.com/tntversions o sundan ang @tntversions sa Twitter t Instagram.

Samantala, huwag palampasin ang patuloy na pagpapakitang gilas ng mga Pinoy sa kantahan sa pagbabalik ng singing competition na minahal ng masa, ang “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

“Tawag ng Tanghalan’s” best singers’ heartfelt renditions in “TNT Versions”

Hop on the “hugot” trend with music that tugs the heartstrings by watching “TNT Versions,” the YouTube channel where “Tawag ng Tanghalan’s” finest vocalists present their refreshing take on iconic and modern love songs.

“TNT Versions” features the grand finalists of the singing competition’s first season giving new flavor to well-known hits, with the help of the TNT Band and The Arrangers.

Launched in June, the channel has drawn thousands of views from fans and online viewers. Some of the most viewed and talked about renditions on the channel include Jex De Castro’s “Someone’s Always Saying Goodbye,” which has already racked up over 257,000 views, Sam Mangubat’s “Sukob Na” that has already logged in more than 231,000 views, and Eumee’s  “Kahit Sandali” with over 216,000 views.

Subscribe now to “TNT Versions” (www.youtube.com/tntversions) to watch and listen to more heart-rending covers by “Tawag ng Tanghalan” grand champion Noven Belleza, and finalists Jex, Sam, Eumee, Froilan Canlas, Rachel Gabreza, Pauline Agupitan, Marielle Montellano, and Gidget Dela Llana take on for their captivating renditions.

Aside from views, the “TNT Versions” videos also draw positive comments from viewers who could not help but share their love and support for the singers.

“Bravo. Tinaasan pa lalo, abot hanggang puso. He touched my heart, and it’s as if I’m hearing an angel sing. You are unmatched, Noven,” a subscriber commented on Noven’s acoustic version of his first single “Tumahan Ka Na.”

“I don’t know what to say. Words aren’t enough to express how great an artist you are.  You simply demonstrated the real meaning of ‘versions’ in the true sense of the word.  You differ in so many ways from all the rest,’” commented a viewer on Froilan Canlas’ version of “Only Me and You.”

“Pleasing to the ears and heart. I have played it on repeat, and it just keeps getting better,” said a comment on Sam Mungabat’s version of “Sukob Na.”

“TNT Versions” also has a Facebook page, where fans can get the latest updates on their favorite “TNT” Singers.

“TNT Versions” is just one of the fast-growing YouTube channels in the country under ABS-CBN’s multi-channel network Adober Studios, formerly called Chicken Pork Adobo.

It is one the digital initiatives of ABS-CBN, which is rapidly transitioning into an agile digital company with the biggest online presence among all media companies, and a growing list of digital properties.

Subscribe to “TNT Versions” on www.youtube.com/tntversions and like its page on www.facebook.com/tntversions or follow @tntversions on Twitter and Instagram.

Meanwhile, don’t miss the talented Pinoy singers as they battle for supremacy in “Tawag ng Tanghalan” on “It’s Showtime,” Mondays to Saturdays in ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). For the program’s past episode, login to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.