Transformation ni Kathryn sa “La Luna Sangre,” pumalo sa bagong all-time high national TV rating

Trending din worldwide!

Tinutukan at talaga namang inabangan ang pinakahihintay na paglabas ng kapangyarihan ng karakter ni Kathryn Bernardo na si Malia noong Martes (Dec 5) sa hit action series na “La Luna Sangre” kaya naman pumalo ang programa sa panibago nitong all-time high national TV rating at trending pa sa Twitter worldwide.

Ang pagbabagong anyo ni Malia bilang lobo ay nagtala ng national TV rating na 38.5% mula sa pinagsamang urban at rural homes, o higit sa doble ng rating ng katapat nitong palabas na nakakuha lamang ng  15.3%, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Tanghali pa lang, tila hindi na mapakali ang netizens sa mangyayaring pagbabago kay Malia at kalaunan ay nag-trending pa sa Twitter ang hashtag nitong #LLSItIsTime sa buong mundo. Todo puri ang Twitter users sa husay ng pag-arte nina Kathryn at Daniel pati na rin sa magandang visual effects ng transformation ni Malia.

“Mata niyo pa lang pamatay na, may action scenes pa. Ang galing galing niyo,  @bernardokath @imdanielpadilla! Palagi ko kayong ipagmamalaki at patuloy na pasasalamatan sa pagbibigay niyo ng best ninyo. Mahal ko kayo Will forever be proud & thankful to you two for always doing your best to give us, your fans and the viewers something worth watching. Luv u both, always,” ayon pa sa Twitter user na si @miamorkathryn.

Para kay @kataydall, “Ibibigay ko ‘tong episode kay Kathryn. Isa siyang versatile actress. Tingin ko pang acting award ito. Ilalaban ko ‘to.”

Mas umiinit na nga ang mga eksena sa “La Luna Sangre” dahil bukod sa paglabas ng kapangyarihan ni Malia, lumabas din ang marka ng sumpang tinta sa katawan ni Tristan (Daniel Padilla). Ano kaya ang ugnayan nina Tristan at Sandrino sa isa’t isa? Ano kaya ang magiging epekto nito sa relasyon nina Malia at Tristan?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na “La Luna Sangre” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

KATHRYN’S TRANSFORMATION IN “LA LUNA SANGRE” SETS NEW ALL-TIME HIGH RATING, TRENDS WORLDWIDE

More viewers nationwide tuned in to Malia’s (Kathryn Bernardo) much-awaited transformation into a werewolf last Tuesday (Dec 5) in “La Luna Sangre,” setting a new ratings record for the program and even trending on Twitter worldwide.

According to Kantar Media, the show hit its new all-time high national TV rating of 38.5% from combined urban and rural homes, or more than double the rating of its rival program that only got 15.3%.

Even before the airing of the episode, netizens had already tweeted their excitement over Malia’s transformation, making the hashtag #LLSItIsTime a trending topic on Twitter worldwide. Fans also shared positive feedback about the show’s visual effects and commended Kathryn’s and Daniel’s acting.

“La Luna Sangre made me watch a teleserye again. Well, who can resist to watch great actors in one frame?” shared @slaytroy.

“This is the kind of episodes you shouldn’t miss. Malia’s transformation and her reunion with Tristan definitely stood out tonight,” tweeted @TOneTGAwayyyWP.

Twitter user @XavierJohnFord, meanwhile, said, “I must admit, Kathryn nailed it tonight. You have been awakened at last, Bagong Itinakda.”

“Superb acting by KathNiel. And don’t forget Richard, the best person for the role!” @moi_amz commented.

Aside from Malia’s full powers finally coming out, Tristan’s (Daniel Padilla) real identity is slowly unfolding as well after the same marks on Sandrino’s body appeared on his. What is the real connection between Sandrino and Tristan How will it affect the relationship of Malia and Tristan?

Don’t miss “La Luna Sangre,” weeknights after “FPJ’s Ang Probinsyano” on ABS-CBN and on ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up on the show’s past episodes via iWant TV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @starcreatives on Facebook, Twitter, and Instagram.

 

 

 

Comments are closed.