“TV PATROL” MARKS SILVER ANNIVERSARY WITH SPECIAL DOCUMENTARY

ABS-CBN News and Current Affairs marks the 25th anniversary of “TV Patrol” with a special documentary that highlights its vibrant history and evolution and confronts the controversial issues the country’s number one television newscast has had to face.

Titled “Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol,” the documentary will revisit the newscast’s creation and the memorable stories that defined the program and helped shape Philippine contemporary history to be shown on Sunday (July 29) on ABS-CBN.

Speaking for the documentary, ABS-CBN chairman and CEO Eugenio “Gabby” Lopez III shared how the pioneering news program made a difference on TV news broadcasting and how it became a daily viewing habit by millions of Filipinos in the country. He said it posted “unusually” high ratings compared to any program shown after its timeslot when it was launched.

“Originally, the common thinking was, it was the primetime entertainment programs that generated the most significant revenues. In the case of ‘TV Patrol,’ it was the highest rating and highest grossing program in its early years,” said Lopez.

And years since, it has remained as the country’s undisputed, number one newscast in the country. “TV Patrol” is still the most-watched newscast with a national TV rating of 31.8%, or almost twice higher than rival “24 Oras” with 17.6%, based on the June 2012 data from Kantar Media.

Ging Reyes, head of ABS-CBN News and Current Affairs, also stressed how the newscast has become part of Filipino’s everyday lives and Pinoy pop culture. “People are afraid to be reported on TV doing unlawful activities. ‘O, baka ma-TV Patrol ka.’ ‘Naku, ayokong ma-TV Patrol!’ That’s the biggest mark it has left on us as a nation,” she said.

Being a part of the program has also compelled Noli ‘Kabayan’ de Castro, who anchors “TV Patrol” with Korina Sanchez and Ted Failon, to go out in the field and look for his own stories instead of just reporting them from the studio.

“I don’t want to be called a news reader. I am a newscaster. I want to know what’s happening and I know when something is important enough to share with the viewers. I get to know what people want. That’s what happens in ‘TV Patrol,’” he said.
The documentary will also revisit some of the biggest news stories the past 25 years such as the 1990 earthquake, Mt. Pinatubo eruption, coup attempts, etc.
“Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol” is part of TV Patrol’s silver anniversary celebration, which also included the “TV Patrol Grand Reunion,” “TV Patrol Balitandaan,” and a fund-raising venture called “Beinte Singko Para sa Kabayan Ko.”

Don’t miss “ Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol” this Sunday (July 29) after “Gandang Gabi Vice” on ABS-CBN Sunday’s Best.

-30-

25 TAONG PAGBABALITA AT PAGLILINGKOD NG “TV PATROL,”  SASARIWAIN SA ISANG DOCU

Babalikan ng ABS-CBN News and Current Affairs ang makulay na kasaysayan at ebolusyon ng “TV Patrol” sa isang espesyal na dokumentaryong tatalakayin at hihimayin ang pinakakontrobersyal na isyung hinarap ng numero unang newscast sa bansa sa nakalipas na 25 taon.

Sa kabila ng tagumpay at pagkilalang natanggap nito sa larangan ng pag-uulat at serbisyo publiko, hindi pa rin nakaiwas ang “TV Patrol” sa sari-saring intriga, kabilang na ang mga alegasyon sa hindi patas nitong pag-uulat, paraan ng pag-uulat sa mga programa at artista ng ABS-CBN, at ang pagsabak ng ilang mamamahayag ng network sa pulitika.

Sa pagbabalik-tanaw ng dokumentaryong “Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol,” ipinagmalaki ni ABS-CBN chairman at CEO Eugenio“Gabby” Lopez III kung paano binago ng “TV Patrol” ang pagbabalita sa telebisyon at tinutukan ng milyong-milyong Pilipino gabi-gabi. Aniya, pambihira ang taas ng ratings nito kumpara sa kahit anong programa na kasunod nito noon.

“Noon kasi, entertainment programs ang nagdadala ng kita sa kumpanya. Pero sa kaso ng ‘TV Patrol,’ kakaiba siya kasi yun ang naging highest rating at highest grossing program namin,” ani Lopez.

Patuloy nga ang pamamayagpag ng “TV Patrol” dahil nananatili itong numero unong newscast sa buong bansa. “TV Patrol” pa rin ang pinapanood ng mas nakararaming Pilipino sa bansa base sa datos ng Kantar Media para sa buwan ng Hunyo. 31.8% ng mga kabayahan sa buong Pilipinas ang nanood ng “TV Patrol” o halos doble ng mga nanonood sa kalabang “24 Oras” (17.6%).

Binigyang-diin naman ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs, kung paano naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino at Pinoy pop culture ang “TV Patrol.” “Ayaw mapahiya ng tao at mabalita na may ginawang kasamaan ‘O, baka ma-TV Patrol ka.’ ‘Naku, ayokong ma-TV Patrol!’ ‘Yun ang isang napakalaking tatak na iniwan ng program sa ating bayan,” sabi ni Ging.

Ayon naman sa “TV Patrol” anchor na si Noli ‘Kabayan’ de Castro, nakatulong sa kanya ang programa upang maging isang totoong mamamahayag na lumalabas sa studio para mismong mangalap ng balita.

“Ayokong nagbabasa lang ako at tawaging news reader. Gusto ko tawagin akong newscaster. Gusto ko alam ko kung anong binabalita namin, kung mahalaga ang balita at kung ano ang gusto ng taong ibalita mo. ‘Yun ang nangyayari sa ‘TV Patrol,’” sabi ni Kabayan, na nagpapatrol sa programa gabi-gabi kasama sina Korina Sanchez at Ted Failon.
Babalikan ng dokumentaryo ang ilan sa pinakamalaking mga balita sa nakaraang 25 taon tulad ng lindol noong 1990, pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991, mga tangkang kudeta, atbp.
Ang “Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol” ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng “TV Patrol” kasama na ang “TV Patrol Grand Reunion,” “TV Patrol Balitandaan,” at ang fund-raising project na “Beinte Singko Para sa Kabayan Ko.”

Huwag palalampasin ang “ Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol” ngayong Linggo na (July 29) pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN Sunday’s Best.

-30-

Comments are closed.