TWO HOUSEPLAYERS ENTER PINOY BIG BROTHER HOUSE

The housemates of “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” found themselves in utter discomfort after the introduction of houseplayer Kim, the girlfriend and best friend of Yves, who is also being romantically linked to fellow housemate Myrtle.

Kim entered the PBB house last night (June 4) as a houseplayer together with Bing, the older brother of Ryan, who is currently in a ‘mutual understanding’ phase with housemate Karen. Kim and Bing were both introduced by Big Brother to the housemates as ‘official’ additions to the group.

How will Kim and Bing affect the relationship of the housemates? Will their tasks include mucking up the season’s love teams Yves-Myrtle and Ryan-Karen?

Meanwhile, Big Brother announced that no nominations for eviction will be conducted this week so viewers can get to know the housemates better. The edition’s latest evictee was Mariz, the “Inday Husay of Cebu,” who was booted from the PBB house last Saturday (June 2) after receiving the lowest percentage of votes.

Watch “PBB Teen Edition 4” with Toni Gonzaga after “Dahil sa Pag-ibig” in Primetime Bida and “PBB Teen Edition 4 Uber 2012” hosted by Bianca, Robi, and John after “Kung Ako’y Iiwan Mo” in Kapamilya Gold and “SabadUber” after “Showbiz Inside Report” on Saturdays on ABS-CBN. For updates on the program, follow @OfficialPBB4 on Twitter and like www.facebook.com/OfficialBigBrother.

-30-

LOVE TEAMS NG “PBB TEEN EDITION 4,” HAHARAP SA KONTROBERSIYA?

Matinding ilangan ang napala ng housemates ng “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” sa pagpasok kagabi (Hunyo 4) ng houseplayer na si Kim, ang nobya at best friend ni Yves na pumoporma sa isa pang housemate na si Myrtle.

Isa lamang si Kim sa dalawang houseplayers na ipinakilala ni Kuya bilang kunwari’y opisyal na housemates na susubok sa samahan ng kabataang Pinoy sa loob ng Bahay ni Kuya. Isa pang houseplayer ang makulit na si Bing, ang kuya ni Ryan, na siyang nauugnay naman kay Karen.

Paano nga kaya gagampanan nina Kim at Bing ang papel bilang houseplayers? May kinalaman kaya ang kanilang susunod na tasks sa pagsubok sa samahan ng nali-link na sina Yves at Myrtle, at Ryan at Karen?

Samantala, sa layuning makilala pa ng taumbayan ang teen housoemates ay wala munang magiging nominadong ma-evict mula sa PBB house ngayong linggo. Pinakahuli namang idineklarang evictee ng edisyon si Mariz, ang “Inday Husay ng Cebu,” noong Sabado (Hunyo 2).

Huwag palampasin ang “PBB Teen Edition 4” kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng “Dahil sa Pag-ibig” sa Primetime Bida, sa “PBB Teen Edition 4 Uber 2012” kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at John Prats pagkatapos ng “Kung Ako’y Iiwan Mo” sa Kapamilya Gold at sa “SabadUBER” pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Huwag namang magpahuli sa mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang Sekretarya ni Kuya sa @OfficialPBB4 sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/OfficialBigBrother.

 -30-

Comments are closed.