UEFA Champions League and La Liga spice up Valentine’s Week on ABS-CBN S+A

Football Soccer – Real Madrid v Espanyol – Spanish Liga BBVA – Santiago Bernabeu stadium, Madrid, Spain – 31/01/16. Real Madrid’s Cristiano Ronaldo celebrates his second goal. REUTERS/Juan Medina
Picture Supplied by Action Images

Valentine’s week is going to be hotter for football lovers as ABS-CBN S+A airs LIVE the UEFA Champions League (UCL) Round of 16 match between French powerhouse Paris Saint-Germain and defending UCL champions Real Madrid on Thursday (February 15) at 3:40 am, featuring the showdown between superstars Neymar and Cristiano Ronaldo.

It will be full of fireworks as Ronaldo, Karim Benzema, and Gareth Bale, in their quest for a record 13th UCL title, look to stop the French side and display their might in the league again. Standing in the way of the Los Blancos are Edinson Cavani, Kylian Mbappe, and former Barcelona star Neymar, who is rumored to be transferring to Real Madrid in the future. The first leg of their match up will be held in Spain at Santiago Bernabeu this Thursday, followed by the second leg on March 7.

Paris Saint-Germain’s Brazilian forward Neymar controls the ball during the French L1 football match between Paris Saint-Germain (PSG) and Nantes (FCN) at the Parc des Princes stadium in Paris on November 18, 2017. / AFP PHOTO / Thomas SAMSON (Photo credit should read THOMAS SAMSON/AFP/Getty Images)

Meanwhile, on Saturday (February 17), Barcelona looks to tighten its grip on the top spot of the La Liga table when it takes on Eibar LIVE on S+A at 11 pm.

With Argentinian superstar Leo Messi and Uruguayan striker Luis Suarez up front, it will be a major surprise for the Azulgrana to drop the match and give a sliver of hope to the likes of Valencia, Sevilla, and Real Madrid, who are jockeying for position and a shot at closing the gap with the Catalunian side.

Don’t miss LIVE top-notch European club football on S+A this Thursday (February 15) as Real Madrid and Paris Saint-Germain tangle in the first leg of their Round of 16 match up in the UCL at 3:40 am, LIVE on S+A. Saturday (February 17) marks La Liga action as Barcelona takes on Eibar to solidify their league lead LIVE at 11 pm also on S+A. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

Neymar, Ronaldo, at Messi, sasabak sa laban

UEFA CHAMPIONS LEAGUE AT LA LIGA, PAIINITIN ANG LINGGO NG MGA PUSO SA ABS-CBN S+A

Football Soccer – FC Barcelona v Manchester City – UEFA Champions League Group Stage – Group C – The Nou Camp, Barcelona, Spain – 19/10/16
Barcelona’s Lionel Messi celebrates scoring their third goal to complete his hat trick
Reuters / Albert Gea
Livepic
EDITORIAL USE ONLY.

Lalo pang iinit ang linggo ng mga puso para sa fans ng football sa pagpapalabas ng LIVE ng ABS-CBN S+A ng harapan sa Round of 16 ng UEFA Champions League (UCL) sa pagitan ng Paris Saint-Germain ng Pransiya at ang kasalukuyang hari sa UCL na Real Madrid sa darating na Huwebes (Pebrero 15) ng 3:40 am, tampok ang duelo nina Neymar at Cristiano Ronaldo.

Matinding pasabog ang handog nina Ronaldo, Karim Benzema, at Gareth Bale sa kanilang pagsubok na sungkitin ang ika-13 na titulo ng Real Madrid sa UCL, at pigilan ang koponan mula sa Pransiya. Nagsisilbing hadlang sa kanila sina Edinson Cavani, Kylian Mbappe, at ang dating pambato ng Barcelona na si Neymar, na napababalitang lilipat sa Los Blancos sa hinaharap. Gaganapin ang unang tapatan nila sa Santiago Bernabeu sa Espanya ngayong Huwebes (Pebrero 15), at sa ika-pito ng Marso naman ang ikalawang bahagi ng kanilang labanan.

Samantala, hihigpitan naman ng Barcelona ang kanilang kapit sa tuktok ng standings sa La Liga sa kanilang pagharap sa Eibar sa Sabado (Pebrero 17), LIVE sa S+A ng 11 pm.

Sa lakas nina Leo Messi ng Argentina at Luis Suarez ng Uruguay, malaking gulat ang mangyayari kapag natalo ang Azulgrana sa laban at bigyan ng pag-asa ang mga tulad ng Valencia, Sevilla, at Real Madrid, na makalapit sa Barcelona sa standings.

Huwag palampasin ang mga umaatikabong bakbakan sa Europa sa S+A ngayong Huwebes (Pebrero 15) sa banggaan ng Real Madrid at Paris Saint-Germain sa Round of 16 ng UCL LIVE sa ganap na 3:40 am sa S+A. Sa Sabado (Pebrero 17) naman, lilipat ang aksyon sa La Liga sa bakbakang Barcelona at Eibar na mapapanood ng LIVE sa ganap na 11 pm sa S+A. Para sa karagadagang mga istorya at impormasyon, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

Comments are closed.