Ugali ni Loisa, babaguhin ng ganda sa “Wansapanataym”

Umpisa na ng pagbawi ni Gelli (Loisa Andalio) sa mga panlalait ng mga tao sa kanyang itsura ngayong matutupad na ang kanyang hiling na gumanda sa tulong ng mahiwagang genie sa “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle” ngayong Linggo (Feb 11).

Matapos tiisin ang lahat ng pangungutya ng mahabang panahon, isang enggrandeng sopresa ang bitbit ni Gelli sa pagdalo niya sa kanilang sophomore ball na gugulat at bibighani sa lahat, maging kay Robin (Ronnie Alonte).

Ngunit hindi magiging kaaya-aya ang idudulot ng kagandahan sa dalaga dahil magiging mayabang ito at ipapahiya ang kanyang mga kaaway upang makapaghiganti. Dahil dito, mauuwi ang kanilang sagutan sa mainit na bangayan na makakasira sa selebrasyon ng buong eskwelahan.

Paano mababago ng kagandahan ang puso ni Gelli?

Samantala, agad namang tinutukan ang pag-uumpisa ng kwento ng “Wansapanataym” matapos itong humataw sa national TV ratings. Nagkamit ang pilot episode nito noong Pebrero 4 ng national TV rating na 31%, o halos doble sa naitala ng “Daig Kayo ng Lola Ko” na 16.8%, base sa datos ng Kantar Media. Nanguna rin sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #WansaGellInABottle at umani ng libo-libong tweets.

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

Loisa-Ronnie teamup instantly captivates viewers…
LOISA USES BEAUTY TO FIGHT BULLIES IN “WANSAPANATAYM”

Gelli (Loisa Andalio) is fighting back against the people who have made fun of her appearance as her dream of becoming beautiful finally comes true with the help of a powerful genie in “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle.”

After enduring years of mockery, Gelli is set to stun her schoolmates, especially Robin (Ronnie Alonte), with her new and improved look when she attends their sophomore ball, where she becomes the star of the night.

However, people’s praises will easily get into her head and make her conceited and she will then shame her enemies in front of everyone. Their confrontation will lead to a chaotic catfight, which will ruin the school’s celebration.

Will Gelli’s beauty tarnish her pure heart?

Meanwhile, viewers were instantly hooked on “Wansapanataym’s” new series as it won in national TV ratings. Its pilot episode last February 4 garnered a national TV rating of 31% versus “Daig Kayo ng Lola Ko” with only 16.8%, according to data from Kantar Media.

The show’s official hashtag #WansaGelliInABottle also joined the trending topics on Twitter and received thousands of tweets and praises from netizens.

Catch the magical stories filled with valuable lessons in “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle” this Sunday on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For more information, go to ‪fb.com/dreamscapeph and follow @dreamscapeph on Twitter and Instagram.

Comments are closed.