VALERIE’S CHARACTER SELLS ILLEGAL DRUGS FOR SON IN “IPAGLABAN MO”

Valerie, magtutulak ng droga para sa anak sa Ipaglaban Mo

Valerie Concepcion (Auring) plays a selfless and loving mother who would do anything, even sell drugs, just to provide for her child’s needs in “Ipaglaban Mo” this Saturday (June 28).

Despite her hard work, single mother Auring still finds it hard to make ends meet. She could not even buy a pair of school shoes for her 10-year-old son Joshua (Bugoy Cariño).

Desperate Auring decides to enter the illegal drug trade to give her son a better life. But even before selling a single gram of prohibited drugs, the authorities caught her. What punishment awaits Auring? What would happen to Joshua if the court decides to put her in jail?

Witness the heartwarming story of a mother’s unconditional love in the episode titled “Kailan Mo Ako Mapapatawad?” directed by Cong. Lino Cayetano. Also joining the cast are Anna Capri and Archie Adamos.

Don’t miss “Ipaglaban Mo,” hosted by Atty. Jose Sison and Jopet Sison, this Saturday after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow @IpaglabanMo2 on Twitter, @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, and like the Facebook page www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

VALERIE, MAGTUTULAK NG DROGA PARA SA ANAK SA “IPAGLABAN MO”

Isang mapagmahal na ina na gagawin ang lahat, kahit pa ilegal, para lang mapabuti ang buhay ng nag-iisang anak ang papel na bibigyang buhay ni Valerie Concepcion (Auring) sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Hunyo 28).

Sa kabila ng pagsusumikap ni Auring ay hindi pa rin niya mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan nilang mag-ina. Ni hindi niya maibili ng bagong pares ng sapatos na pang-eskwela ang sampung-taong-gulang anak niyang si Joshua (Bugoy Cariño).

Dahil sa patong-patong na problemang pinansyal kung kaya’t napilitan si Auring na kumapit sa patalim at pasukin ang pagtutulak ng droga para mabilis na kumita ng pera. Ngunit di pa man niya nasusuong ang ilegal na gawain ay agad na siyang nahuli ng pulis. Anong parusa ang kakaharapin niya? Ano na ang kahihinatnan ni Joshua kapag nagdesisyon ang korte na ibilanggo siya?

Tunghayan ang kwento ng hindi matatawarang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak sa episode na pinamagatang “Kailan Mo Ako Mapapatawad?” na idinerehe ni Cong. Lino Cayetano. Bahagi rin ng cast sina Anna Capri at Archie Adamos.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” nina Atty. Jose Sison at Jopet Sison ngayong Sabado pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @IpaglabanMo2 sa Twitter, @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, at i-like ang Facebook page nito na www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

 Valerie, isang mapagmahal na ina sa Ipaglaban Mo 2

Valerie, isang mapagmahal na ina sa Ipaglaban Mo

Comments are closed.