VICE GANDA BREAKS 2013 CONCERT TICKET SALES RECORD

Vice GandaMore than 13,000 screaming and laughing fans with smiles on their faces recently filled the Big Dome for the unkabogable and sold-out comedy concert of record-breaking star Vice Ganda titled “I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta.”

The phenomenal box-office artist proved the magic of his comedic charm once again as he breaks another record of being the no.1 local artist with the highest number of ticket sales for 2013, according to ticket distributor Ticketnet.

To return the favor to those who attended his concert, Vice succeeded in giving his supporters a fun and memorable night at the Smart Araneta Coliseum where he treated everyone with a string of mind-blowing performances and gimmicks including the three versions of Vice Ganda that they have never seen before—Vice as Senator, Vice as Beauty Queen, and Vice as Bold Star.

Also featured in “I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta” were non-stop world-class performances including the romantic serenade of Daniel Padilla with his single “Kumusta Ka;” the explosive dance number of Enrique Gil’s version of ‘The Gentleman;’ the special performances of Dawn Zulueta, Paulo Avelino, and Ai Ai delas Alas; and the shocking surprise visit of Coco Martin to the record-breaking comedian.

Aside from his special guests, also present in Vice’s concert are ABS-CBN President Charo Santos-Concio, channel head Cory Vidanes, TV production head Lauren Dyogi, director Wenn Deramas, and some his closest friends in showbiz such as Kris Aquino, ZsaZsa Padilla, Janice de Belen, Jed Madela, Karylle, Ryan Bang, Yael Yuzon, Chokoleit, and Anne Curtis.

“I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta” is directed by Bobet Vidanes and musical director Marvin Querido.

For more updates, log on to www.abs-cbn.com or follow @abscbndotcom on Twitter.

-30-

13,000 fans ni Vice Ganda dumagsa sa Big Dome…

“I- VICE GANDA MO ‘KO SA ARANETA,” PINAKAMABENTANG CONCERT NG TAON

Dumagundong ang tawanan, hiyawan, at tilian sa Big Dome kamakailan sa pagdagsa ng mahigit 13,000 fans sa unkabogable at sold-out comedy concert ng phenomenal box-office star na si Vice Ganda na “I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta.”

Muling pinatunayan ni Vice ang lakas ng kanyang hatak sa buong sambayanan sa pag-break niya ng record bilang nangungunang local artist na may pinakamataas na concert ticket sales ngayong 2013, ayon sa ticket distributor na Ticketnet.

Hindi binigo ni Vice ang libo-libong tao na sumuporta sa kanyang pangatlong concert sa Smart Araneta Coliseum kung saan non-stop niyang pinatawa, pinasaya, at pinangiti ang lahat sa pamamagitan ng kanyang makukulit at nakaaaliw na pasabog kabilang ang tatlong version ni Vice na ikinaloka ng lahat—Vice as Senator, Vice as Beauty Queen, at Vice as Bold Star.

Walang tigil din naman ang hiyawan ng mga masusugid na taga-suporta ni Vice sa sunod-sunod na production numbers ng kanyang guests kung saan tampok ang panghaharana ni Daniel Padilla ng kanyang single na “Kumusta Ka;” pagsasayaw ni Enrique Gil ng dance craze na ‘The Gentleman;’ pakikipagbiruan at asaran nina Dawn Zulueta, Paulo Avelino, at Ai Ai delas Alas; at ang pinakabonggang pasabog na sorpresang pagbisita ni Coco Martin sa comedian.

Bukod sa kanyang special guests, dumating din naman sa concert ni Vice ang ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio, channel head na si Cory Vidanes, TV production head na si Lauren Dyogi, direktor na si Wenn Deramas, at ang ilan sa pinakamalalapit niyang kaibigan sa showbiz tulad nina Kris Aquino, ZsaZsa Padilla, Janice de Belen, Jed Madela, Karylle, Ryan Bang, Yael Yuzon, Chokoleit, at Anne Curtis.

Ang “I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta” ay sa ilalim ng direksyon ni Bobet Vidanes at musical director na si Marvin Querido.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

-30-

TAGS: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Comments are closed.