VICE GANDA’S BOOK, “PRESIDENT VICE,” TOPS BESTSELLERS’ LIST WITH 100K COPIES SOLD

 

The blockbuster comedian is now a certified bestselling author. Vice Ganda’s first book, “President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas,” has now sold over 100,000 copies since it was officially launched last July.

 

Vice Ganda was surprised when ABS-CBN Publishing Inc. president Ernie Lopez and managing director Mark Yambot presented him plaques of recognition on “It’s Showtime” for this milestone. Ernie congratulated him not just for hitting the 100K mark but also for consistently topping National Book Store’s bestsellers list for five straight months.

 

“For everyone who bought the book and became entertained, thank you so much. This is a new achievement in my life, my first time to write a book, and I’m happy that it has become a success,” Vice Ganda said.

 

Vice Ganda joins a small club of bestselling authors like the late Sen. Miriam Defensor Santiago for “Stupid is Forever” and Alex Gonzaga for “Dear Alex, Break na Kami. Paano?! Love, Catherine” who have successfully sold more than 100,000 book copies as well.

 

The highly entertaining book, “President Vice,” is a wacky look into a world where Vice Ganda becomes the next president of the country. Readers can expect to find his fictional cabinet members, his new national bird, and his punishment for cheaters inside this chart-topping book. It is jam-packed with his straightforward solutions that may sound stupid but make absolute sense!

 

“President Vice” is part of ABS-CBN Publishing’s successful line of bestselling consumer books with an elite roster of authors including Georgina Wilson, Solenn Heussaff and Ramon Bautista aside from Gonzaga and Defensor Santiago.

 

The book is exclusively available in all National Book Store outlets nationwide for only P175.

 -30-

 

 

LIBRO NI VICE GANDA NA “PRESIDENT VICE,” NANGUNA SA BESTSELLERS’ LIST, HIGIT SA 100K KOPYA NA ANG NABENTA

 

Ang blockbuster comedian na si Vice Ganda ay isa nang certified bestselling author. Ang kanyang libro na “President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas” ay nakabenta na ng higit sa 100,000 kopya mula nang ito’y unang inilabas noong nakaraang Hulyo.

 

Nagulat sa Vice Ganda nang sinorpresa siya nina ABS-CBN Publishing president Ernie Lopez at managing director Mark Yambot sa “It’s Showtime” para magbigay ng pagkilala sa kanyang tagumpay. Ayon kay Ernie, Ang “President Vice” ay nanguna sa bestsellers list ng National Book Store sa loob ng limang sunod-sunod na buwan.

 

“Sa lahat ng bumili at natuwa, nagbabasa habang nasa traffic sila o nabubugnot sa bahay, maraming salamat. Nakakatuwa at bago itong achievement sa buhay ko. First time kong gumawa ng libro at buti na lang ay naging isang success,” pagbabahagi ni Vice Ganda.

 

Kabilang na si Vice Ganda sa iilan lamang na bestselling authors ng bansa na nakabenta ng higit 100,000 kopya ng kanilang libro tulad ng namayapang Senador Miriam Defensor Santiago para sa “Stupid is Forever” at ni Alex Gonzaga para naman sa “Dear Alex, Break na Kami. Paano?! Love, Catherine.”

 

Ang nakakatuwang “President Vice” ay tungkol kay Vice Ganda bilang kunwari ay pangulo ng bansa. Mababasa dito ang mga karakter na nais niyang gawing miyembro ng gabinete, ang kanyang bagong pambansang ibon, mga nais na parusa sa mga manloloko, at iba pa. Puno ito ng mga nakakagulat ngunit kwelang solusyon sa mga problema ng gobyerno.

 

Kasama ang “President Vice” sa mga bestselling consumer books ng ABS-CBN Publishing na may mga kilalang book authors tulad nina Georgina Wilson, Solenn Heussaff at Ramon Bautista bukod kay Gonzaga at Defensor Santiago.

 

Ang “President Vice” ay mabibili sa lahat ng National Book Store outlets sa halagang P175.

-30-

Comments are closed.