VINA MORALES CELEBRATES 30TH ANNIVERSARY IN SHOWBIZ WITH COMEBACK ALBUM

 

After a seven year-hiatus from recording, Vina Morales commemorates her three decades in the industry with an album under Star Music entitled “Vina XXX.”

 

According to the singer-actress, “Vina XXX” is her way of thanking her supporters who continue to support her singing and acting career.

 

“I’m grateful and inspired that I reached 30 years in the business. To reach 30 is a milestone. I never would have made it this far if it weren’t for the people who helped me,” said Vina. “And now I’m inspired more than ever to work some more and looking forward to giving back to my supporters through my album.”

 

The album is composed of seven original tracks, one revival and their minus one versions, including “Eres Mio” written by Rox Santos, and “Laro” by Edwin Marollano. It also includes a revival track, “Lagay ng Puso” by Raizo Chabeldin and Rox Santos originally sang by Bryan Termulo.

 

Another must-hear for fans is a mother-daughter duet entitled “Pag-ibig Na Walang Hangganan,” written by Jungee Marcelo, which Vina sang with her seven-year-old daughter Ceana.

 

“My latest album is a dream come true because I was able to record a song with my daughter,” shared Vina. “She was shy at first but was able to sing her part very well.”

 

When asked if she wants Ceana to follow in her footsteps, Vina said, “She will have my full support, but of course she needs to finish her studies.”

 

Completing the track list are Chie Floresca and Jonathan Manalo’s composition “Maghihintay Kailanman,” Jamie Rivera’s “I Want Love To Stay,”  Atty. Loreto C. Ata’s “To Live For Each Other,” and a Theo Remix of Roque “Rox” B. Santos’ “Eres Mio.”

“Vina XXX,” over-all produced by Rox B. Santos and Raizo Chabeldin, is now available at all record bars nationwide for only P299. Digital tracks can also be downloaded via online music stores such as ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, and Starmusic.ph.

 

For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

-30-

VINA MORALES, HANDOG ANG COMEBACK ALBUM SA KANYANG 30TH ANNIVERSARY SA SHOWBIZ

 

Matapos ang pitong taong pamamahinga sa recording, nagbabalik si Vina Morales upang ipagdiwang ang ika-30 taon niya sa showbiz sa pamamagitan ng isang bagong album na pinamagatang “Vina XXX.”

 

Ayon sa singer-actress, ang “Vina XXX” ay paraan niya ng pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang mga proyekto.

 

“Grateful at inspired ako na umabot ako ng 30 taon sa showbiz. Isang milestone ang umabot ng 30 taon. ‘Di ko ‘to mararating kung hindi dahil sa mga taong tumulong sa akin,” ang sabi ni Vina. “At mas inspired pa ako ngayon na magtrabaho para maibalik ko ang pagmamahal ng supporters ko sa pamamagitan nitong album ko.”

 

Laman ng album ang pitong original tracks kasama ang kanilang minus one versions, kabilang na ang “Eres Mio” na isinulat ni Rox Santos, at “Laro” ni Edwin Marollano. Kasama din dito ang isang revival song, “Lagay ng Puso” nina Raizo Chabeldin at Rox Santos, na unang pinasikat ni Bryan Termulo.

 

Isa pang dapat mapakinggan ng fans ay ang mother-daughter duet na “Pag-ibig Na Walang Hangganan,” na isinulat ni Jungee Marcelo at inawit ni Vina kasama ang kaniyang anak na si Ceana.

 

“Isang dream come true itong album kasi nakapag-record ako kasama ang anak ko,” ibinahagi ni Vina. “Nahiya siya nu’ng una, pero nakanta niya nang maayos yung part niya.”

 

“Ibibigay ko ang buong suporta ko sa kanya, pero siyempre kailangan muna niya matapos ang pag-aaral niya,” sagot naman ni Vina nang tanungin kung papayag siyang sumunod sa yapak niya ang kanyang anak.

 

Kabilang din sa track list ang “Maghihintay Kailanman,” na komposisyon nina Chie Floresca at Jonathan Manalo, “I Want Love To Stay” ni Jamie Rivera, “To Live for Each Other” ni Atty. Loreto C. Ata, at ang Theo Remix ng “Eres Mio” ni Rox Santos.

 

Ang “Vina XXX” ay ipinrodus nina Rox Santos at Raizo Chabelin. Mabibili na ito nationwide sa halagang P299. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

-30-

Comments are closed.