“VINCE & KATH & JAMES” AIRS ON CINEMA ONE THIS SUNDAY

Joshua Garcia, Ronnie Alonte, and Julia Barretto are set to swoon viewers as their hit teen romance flick “Vince & Kath & James” premieres on Cinema One this Sunday (August 6).

“Vince & Kath & James” is Metro Manila Film Festival 2016’s overall top grosser. Directed by Theodore Boborol, who also directed “Just The Way You Are” and current blockbuster hit “Finally Found Someone,” the movie is based on the bestselling ABS-CBN Publishing book series written by Jenny Ruth Almocera or known online as Queen Elly.

Its story first became a hit last year when the writer presented her “romantic series” as screenshots of SMS exchanges between two teens, the characters of Vince and Kath, on social media.

In the movie, Vince (Joshua) secretly has feelings for his frenemy Kath (Julia). Problem arises when Kath catches the eye of Vince’s cousin, James (Ronnie). Vince then pretends to be James in texts, as a favor to his cousin, sending Kath pick-up lines while struggling to restrain his own feelings for her.

Don’t miss the cable TV premiere of “Vince & Kath & James” on Cinema One’s “Blockbuster Sundays” this August 6 at 8PM. Cinema One is available on SkyCable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

-30-

JoshLia, magpapakilig sa cable

“VINCE & KATH & JAMES,” MAPAPANOOD NA SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

 

Handa nang magpakilig sina Joshua Garcia, Ronnie Alonte, at Julia Barretto sa pinakahihintay na cable TV premiere ng “Vince & Kath & James” sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 6).

Naging overall top grosser ng Metro Manila Film Festival 2016 ang “Vince & Kath & James.” Mula sa direktor na si Theodore Boborol, na siya ring gumawa ng “Just The Way You Are” at ng kasalukuyang blockbuster hit na “Finally Found Someone,” ang pelikula ay base sa bestselling ABS-CBN Publishing book series na isinulat ni Jenny Ruth Almocera o mas kilala online bilang Queen Elly.

Ang nakakakilig na kwento nito ay unang naging viral noong nakaraang taon nang ilabas ni Queen Elly ang text serye ng mga karakter na sina Vince at Kath sa social media.

Tampok sa pelikula si Vince (Joshua) na may itinatagong nararamdaman kay Kath (Julia) na napukaw din ang atensyon ng pinsan ni Vince na si James (Ronnie). Bilang pabor sa kanyang pinsan, si Vince ay magkukunwaring si James habang ka-text si Kath, kasabay ng pagpigil sa sarili niyang nararamdaman para sa dalaga.

Huwag palampasin ang cable TV premiere ng “Vince & Kath & James” sa “Blockbuster Sundays” ng Cinema One ngayong Agosto 6, 8PM. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

 

-30-

Comments are closed.