“WALANG HANGGAN” OFFICIAL SOUNDTRACK TURNS PLATINUM

“WALANG HANGGAN” OFFICIAL SOUNDTRACK TURNS PLATINUM. Philippine’s no. 1 TV program “Walang Hanggan” makes another feat as its official soundtrack reaches the platinum record status after selling more than 20,000 copies since its release in January. Released by Star Records, the album carried the show’s well-loved theme songs including “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan” by Gary Valenciano, “Hanggan” by Angeline Quinto, and “Dadalhin” by Bryan Termulo. Meanwhile, the story of “Walang Hanggan” continues to heat up now that Daniel (Coco Martin) is already living with the Montenegros. Will he finally accept Marco (Richard Gomez) as his father and Nathan (Paulo Avelino) as his stepbrother? How will Katerina’s (Julia Montes) life change when she finds out about Nathan’s mental condition? Will she choose to stay with her husband or will she finally reconcile with her old flame and true love Daniel? Don’t miss the explosive revelations of “Walang Hanggan,” weeknights, after “Princess and I” on ABS-CBN’s Primetime Bida. For more updates, log-on to http://walanghanggan.abs-cbn.com/, ‘like’ http://facebook.com/abs.walanghanggan, or follow @walanghanggan_ on Twitter.

 

“WALANG HANGGAN” OFFICIAL SOUNDTRACK, PLATINUM NA. Panibagong tagumpay na naman ang nakamit ng no. 1 TV program sa Pilipinas na “Walang Hanggan” dahil kamakailan ay naabot na ng official soundtrack nito ang platinum record status matapos bumenta ng mahigit 20,000 na kopya sa loob lamang ng halos apat na buwan. Bahagi ng naturang album na ini-release ng Star Records ang ilan sa pinakapaborito nang theme songs ngayon gaya ng “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan” ni Gary Valenciano, “Hanggan” ni Angeline Quinto, at “Dadalhin” ni Bryan Termulo. Samantala, mas umiinit ang mga tagpo sa “Walang Hanggan” ngayong naninirahan na si Daniel (Coco Martin) sa mansyon ng mga Montenegro. Handa na ba siyang tanggapin si Marco (Richard Gomez) bilang ama at si Nathan bialng kanyang kapatid? Paano mababago ang buhay ni Katerina (Julia Montes) sa oras na matuklasan niya ang itinatagong sakit ng asawang si Nathan? Pipiliin ba niyang alagaan ang sariling asawa o tuluyan na ba niya itong iiwan para ipaglaban ang kanyang tunay na pag-ibig na si Daniel? Patuloy na subaybayan ang teleseryeng tinututukan ng buong sambayanan, “Walang Hanggan” gabi-gabi, pagkatapos ng “Princess and I” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.

 

Comments are closed.