“WANSAPANATAYM,” IBINIBIDA ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON

Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang isa sa mga aral na pinahahalagahan ng kabataang Pilipino, kaya naman patuloy itong ibinibida ng “Wansapanataym” sa mga kwento nitong puno ng aral sa loob ng halos dalawang dekada.

Ayon kay Rondel Lindayag, ang overall creative head ng palabas, mahalaga ang pagpapakita ng karakter na naghahangad ng maayos na edukasyon para maipamalas ang kahalagahan nito sa mga manonood.

“Mataas ang literacy rate sa bansa natin. Binibigyan natin ng halaga ang edukasyon kaya lagi namin itong isinasama sa aming kuwento,” sabi niya. “Kung may edukasyon ka, may laban ka sa buhay.”

Bilang storytellers, nakikita rin nila ang kahalagahan ng edukasyon sa pagdalo sa mga seminar upang maging epektibo pa ang kanilang mga kuwento.

“May pinuntahan kaming seminar tungkol sa paghubog ng karakter ng kabataan at natutunan namin na kapag nanonood ng cartoons ang mga bata, hindi sila napapagod panoorin ‘yon kahit pauli-ulit pa. Ginamit namin ‘yun na technique para makapagturo pa ng mahahalagang aral at mabigyan ng bagong anyo ang kada istorya,” saad ni Rondel.

Nakatulong din ang kanilang natutunan sa pagtuturo ng mga aral sa mga manonood sa loob at labas ng bansa.

“Nasa 20s na siguro iyong mga batang nanonood ng ‘Wansa’ noon, kaya dapat ituro naman namin ito sa ibang kabataan ngayon, na ang iba siguro sa kanila, TFC subscribers,” sabi ni Rondel. “Nagbibigay daan ito sa amin upang makapagturo ng Filipino values gaya ng pagmamano at pagsabi ng ‘po’ at ‘opo.’”

Sa loob ng maraming taon, naging daan ang “Wansapanataym” upang makapagturo ng mga aral na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Tumatak din ang mga palabas nito na nag-iwan ng marka sa puso ng mga manonood.

Umabot din ang tagumpay nito hanggang sa pelikula matapos maipalabas ito sa mga sinehan sa ilalim ng Star Cinema noong 1999. Natunghayan sa pelikula ang kuwento ni Anna (Shaina Magdayao), isang ulila na nahanap ang kanyang ama (Christopher de Leon) sa tulong ng kanyang guardian angel na si Barbiel (Serena Dalrymple).

Samantala, patuloy naman ang pagbabahagi ng aral ng “Wansapanataym” sa kasalukuyan nitong kuwento na “Annika Pintasera” na pinagbibidahan ni Julia Montes. Gumaganap si Julia bilang Annika, isang dalagang isinumpa dahil sa pagiging mapamintas.

Ngayong Linggo (May 28), patuloy na subaybayan ang kuwento ni Annika dahil mag-uumpisa nang matanggap ng dalaga ang kanyang mga pagkakamali matapos siyang iligtas ni Jerome (JC Santos) mula sa kapahamakan. Ngunit sa kabila nito, nananatili pa rin ang sumpa dahil hindi pa rin niya nahahanap ang lalaking makakapagbigay sa kanya ng halik ng tunay na pag-ibig.

Kailan nga ba mahahanap ni Annika ang lalaking makapagliligtas sa kanya? Manumbalik na kaya ang pagmamahal sa kanya ni Jerome ngayong unti-unti na itong nagbabago?

Panoorin ang mga kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon sa “Wansapanataym Presents: Annika Pintasera,” tuwing Linggo pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

“WANSAPANATAYM” HIGHLIGHTS IMPORTANCE OF EDUCATION TO KIDS

Filipino children are taught growing up that education can empower them and make a difference in their lives, and its importance has been highlighted by “Wansapanataym” in its stories for almost two decades

Rondel Lindayag, the show’s overall creative head, said that their team puts effort into showing characters who aspire to attain proper education to convey its importance to viewers.

“Our population has a high literacy rate. We give importance to education that is why we always include it in our stories. If you have education, you already have a weapon in life,” he said.

As storytellers, they also see education as a significant part of their growth because they attend seminars to learn more techniques in storytelling.

“We attended a seminar about honing children’s character and we learned that when kids watch cartoons, they do not get tired of watching them repeatedly. We used this as part of our technique to constantly share essential values by just giving them a new handle,” he said.

The technique also helps the team teach Filipino values to children here and abroad.

“The kid who watched ‘Wansa’ before might be already in his 20s. So, we should teach the lessons all over again to other kids and some of them might be TFC subscribers,” said Rondel. “This enables us to show them how to be Filipinos through values such as doing ‘mano’ and saying ‘po’ and ‘opo.’”

Through the years, “Wansapanataym” has shared lessons that resonated with Filipinos nationwide. A hit among audiences, the program has left a mark on viewers’ hearts and stood the test of time.

The show’s influence also went beyond television when a movie of the same title was released in 1999 by Star Cinema. The movie told the touching story of Anna (Shaina Magdayao), an orphan who searched for her long-lost father (Christopher de Leon), whom she was able to find with the help of a guardian angel named Barbiel (Serena).

Meanwhile, “Wansapanataym” continues to share valuable lessons with kids through its current offering “Annika Pintasera,” starring Julia Montes, who plays a woman who was cursed because of being too critical of others.

This Sunday (May 28), follow Annika’s (Julia) journey as she finally accepts and apologizes for all the mistakes she committed after Jerome (JC Santos) saved her life from danger. However, the spell cast on her still remains as she still have not found the man who will give her a true love’s kiss.

When will Annika find the right man that will break the spell? Will Jerome once again feel the love she once had for Annika now that she has changed?

Don’t miss the values shared in “Wansapanataym Presents: Annika Pintasera” every Sunday after “The Voice Teens” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For past episodes, go to iWant TV or to skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.