WHAT FAMILIES CAN WATCH ON ABS-CBN TVplus’ EXCLUSIVE CHANNELS

Shows to watch seven days a week for a fun-filled family bonding

 Primetime King Coco Martin and Pop Royalty Sarah Geronimo joined forces to highlight the shows Filipino families can watch together via the exclusive channels of ABS-CBN TVplus in their own take of the hit OPM song, “Isang Linggong Pag-Ibig.”

In their version, Coco and Sarah sang and danced together to showcase the offerings of the exclusive channels of ABS-CBN TVplus that families can watch seven days a week for a fun-filled family bonding at home.

On Mondays to Sundays, kids can enjoy cartoons and child-friendly shows like “Sesame Street” on all-day children’s channel, YeY!.

They can also tune into “Team YeY!,” a show headlined by Sam Shoaf, AJ Urquia, Mitch Naco, Hannah Vito, Raven Cajuguiran, and Luke Alford, who encourage kids to embrace and love their childhood through kid-friendly, daily activities they feature on the show.

On Tuesdays, kids can watch and learn educational, curriculum-based shows on Knowledge Channel like “MathDali” and “AgriCOOLture” hosted by Robi Domingo and Enchong Dee.

Meanwhile on CineMo, families can catch action and comedy movies of movie legends like Fernando Poe Jr. and Dolphy. CineMo is also the only channel that airs “Funny Ka, Pare Ko,” the Sunday sitcom top billed by Karla Estrada and Bayani Agbayani that brings laughter and champions entrepreneurship among families.

A serving of the latest news and the biggest issues in the country and abroad can also be seen on DZMM TeleRadyo, while on S+A, families can experience the thrill of watching together live sports events such as the UAAP and NCAA.

Other shows the families can watch together via ABS-CBN TVplus are the top-rating weekday and weekend programs of ABS-CBN like the family-oriented show “My Dear Heart,” the kilig-filled teleserye “A Love to Last,” and the talent-reality show, “Your Face Sounds Familiar Kids.”

On top of exclusive channels and crystal clear TV viewing, the ABS-CBN TVplus box can also capture signals from other channels that transmit in digital.

ABS-CBN is the first media and entertainment company in the country to roll out digital TV that has transformed the TV viewing of Filipinos since 2015.

Don’t miss the chance to bond together with the family every day of the week only with ABS-CBN TVplus. For more information, visit tvplus.abs-cbn.com and follow ABS-CBN TVplus on Facebook (facebook.com/ABSCBNTVPlus).

-30-

Isang linggong puno ng saya para sa buong pamilya

MGA SHOWS NA NAPAPANOOD SA EXCLUSIVE CHANNELS NG ABS-CBN TVplus

Muling nagsanib pwersa ang Primetime King na si Coco Martin at ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo para ibandera ang mapapanood na shows na hatid ng exclusive channels ng ABS-CBN TVplus sa isang duet ng “Isang Linggong Pag-Ibig.”

Sa kanilang bersyon ng sikat na kanta, ibinida nina Coco at Sarah ang iba’t ibang handog na shows ng apat na exclusive channels ng ABS-CBN TVplus na napapanood ng mga pamilya para sa isang linggong puno ng saya para sa buong pamilya.

Mula Lunes hanggang Linggo, matutunghayan ng mga bata ang cartoons at child-friendly shows tulad ng “Sesame Street” sa all-day children’s channel na YeY!.

Mapapanood din sa YeY! ang “Team YeY!,” ang show na binubuo ng kiddie barkada nila Sam Shoaf, AJ Urquia, Mitch Naco, Hannah Vito, Raven Cajuguiran, at Luke Alford, kung saan hinihikayat nila na i-enjoy ang pagiging bata bawat araw sa pamamagitan ng iba’t ibang activities.

Tuwing Martes, marami namang matutunan sa educational, curriculum-based shows ng Knowledge Channel tulad ng “MathDali” at “AgriCOOLture” nina Robi Domingo at Enchong Dee.

 

Tampok naman sa CineMo ang mga maaksyon at nakakatawang pelikula ng mga haligi ng action at comedy tulad nina Fernando Poe Jr. at Dolphy. Sa CineMo rin lang natutunghayan ang “Funny Ka, Pare Ko,” ang Sunday sitcom na pinagbibidahan nina Karla Estrada at Bayani Agbayani na hatid ang tawa at aral sa mga negosyong pwedeng pagkakitaan ng pamilya.

Samantala, maiinit na balita ang handog ng DZMM TeleRadyo, habang live sports events naman tulad ng UAAP at NCAA ang pinapalabas ng S+A.

Ang iba pang programa na napapanood gamit ang ABS-CBN TVplus ay ang top-rating Kapamilya weekday at weekend shows tulad ng “My Dear Heart,” “A Love to Last,” at ang talent-reality show na “Your Face Sounds Familiar Kids.”

Bukod sa exclusive channels at malinaw na panonood ng telebisyon, nakakasagap din ang ABS-CBN TVplus box ng signal mula sa ibang channels na naka-broadcast in digital. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company sa bansa na nanguna sa pagpapakilala ng digital TV.

Huwag palampasin ang pagkakataong mag-bonding kasama ang buong pamilya bawat linggo gamit ang ABS-CBN TVplus. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa tvplus.abs-cbn.com at i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook (facebook.com/ABSCBNTVPlus).

–30—

Comments are closed.