WHY CONCERNED CITIZENS TAKING VIDEOS ARE SENDING THEM TO “TV PATROL”

“TV Patrol” is empowering and engaging ordinary citizens in determining the day’s headlines via its segment ‘CCTV Patrol’ or Concerned Citizens Taking Videos Patrol, an initiative that capitalizes on people’s ability to gather news content and information due to their access to social media and technology.

‘CCTV Patrol’ features photos and videos about anything significant, remarkable, or bizarre in their communities captured using mounted closed-circuit television (CCTV) cameras, cellphones, and other gadgets and sent in by them.

“TV Patrol” anchor ‘Kabayan’ Noli De Castro said a huge chunk of the videos they receive and report in the newscast depict crimes that need police intervention. The team of ABS-CBN News and Current Affairs reporters will also see to it that each criminal incident aired in the segment will be probed and monitored until the perpetrators face justice.

“What’s important is the media and citizens can take part, and not simply complain about the crime situation in the country. This time, we aid the police authorities in solving crimes by being vigilant and alert,” said Kabayan.

To date, ordinary people’s contributions to “CCTV Patrol” have led to some of the biggest stories that hit the headlines and revolutionized broadcast journalism in terms of reaching audiences and giving them the opportunity to influence and contribute to the news cycle.

One of the most notable videos shown in ‘CCTV Patrol’ was the robbery of alleged fugitives in a 7-Eleven convenience store in Manila and a LBC outlet in Parañaque. After the airing of Zyann Ambrosio’s report in September, the police had received numerous text messages detailing information about the suspects, which ‘TV Patrol” announced through a follow-up report.

A CCTV footage of several men kicking and pointing a gun at a man inside his own home also went viral online after it was aired on ‘CCTV Patrol’ in August. Netizens heavily discussed the video and slammed authorities for their supposed inaction on the incident that occurred in April. Following the ‘CCTV Patrol’ report, the police had immediately identified the suspects to be members of the notorious ‘akyat-bahay gang’ and were later captured.

The police have also launched a manhunt for the suspects involved in the shooting and robbery of an ABS-CBN account executive and his companion in Mandaluyong based on a ‘CCTV Patrol’ report of a footage of the surveillance camera footage set up at the site of the incident.

Due to the success of the segment, Kabayan stressed the importance of the continued involvement of Bayan Patrollers and citizens to uncovering newsworthy events Filipinos need to know. “I encourage everyone to make good use of their cellphones and gadgets instead of recording trivial videos and forwarding gossip. This is a big help. The police no longer have excuses in not being able to arrest criminals identified in a footage,” he said.

Aside from airing videos that show the stealing of a motorcycle, side mirrors of a vehicle, sacks of rice, medical supplies, and cellphones, ‘CCTV Patrol’ has also broadcast footages of gruesome crimes such as the slaying of a DENR official in Isabela and the brutal killing of a doctor in Bacolod by two young men. Several CCTV reports have also been used as proof in police investigations involving the kidnapping of infants in a hospital and a grocery store.

Also serving as warning to commuters was a video filmed by a Bayan Patroller using his cellphone showing a man scouring the bag of a sleeping passenger. The said deed was described by police authorities as a method employed by a certain ‘eskoba gang’ in air-conditioned buses.

The ‘CCTV Patrol’ segment not only showcases videos of crime but also of accidents including the collision of a bus and a van in Sta. Rosa, Laguna, a CCTV footage of a car smashing a van parked along a street, and the rescue the driver who was stuck in a van after a rollover.

Watch Concerned Citizens Taking Videos or CCTV Patrol weeknights in “TV Patrol,” after “Aryana” on ABS-CBN. Send your photos and videos to ireport@abs-cbn.com or post them onwww.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula or to @bayanmo on Twitter.

 

CCTV PATROL, BAGONG MATA NG BAYAN

Sapul ang mga modus operandi, bistado ang mga kriminal, at kuha ang mga makabuluhang pangyayari  sa bagong hakbang ng “TV Patrol” gamit ang bagong teknolohiya na ‘CCTV Patrol’ kung saan tampok ang mga video at litrato na kuha ng mga ordinaryong mamamayan sa kani-kanilang komunidad.

Concerned Citizens Taking Videos Patrol o ‘CCTV Patrol’ ang sagot ng numero unong newscast sa bansa upang bigyang kapangyarihan ang ordinaryong mamamayan sa paghahatid ng balita ukol sa kahit anong kaganapan at personalidad na mahalaga, nakawiwili, o pambihira gamit ang kanilangclosed-circuit television (CCTV) camera, cellphone, o anumang gadget.

Ayon sa “TV Patrol” anchor na si ‘Kabayan’ Noli De Castro, malaking bahagi ng kanilang natatanggap at inuulat gabi-gabi ay mga video na ukol sa krimen na nangangailangan ng karampatang pagtugon. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga video ng mga manonood, maaaring masolusyunan at mapanagot ang suspek sa krimen sa kanilang mismong tahanan o establisimyento na tututukan at aaksyunan ng mga reporter ng ABS-CBN News and Current Affairs.

“Ang mahalaga diyan, ang media at mga ordinaryong mamamayan, hindi lang reklamo nang reklamo sa dami ng krimen ngayon. This time, tumutulong na tayo para masolusyunan mismo ng mga pulis ang krimen sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag,” pahayag ni Kabayan.

Humantong ang kontribusyon ng mga ordinaryong mamamayan sa ilan sa pinakamalalaking istoryang ikinagimbal at pinag-usapan ng publiko at nagbago sa pamamahayag sa pamamagitan ng pagbibigay-oportunidad sa mga manonood na impluwensyahan at mag-ambag sa laman ng mga balita.

Ilan sa mga pinaka-tumatak na video na naiulat sa ‘CCTV Patrol’ ang panloloob sa 7-Eleven convenience store sa Maynila at LBC sa Parañaque ng mga napag-alamang pugante mula Ozamis City. Matapos ang pag-ulat ni Zyann Ambrosio nito noong Setyembre, sunud-sunod na text at impormasyon agad ang natanggap ng pulis na sinundan pa ng follow-up report sa “TV Patrol” kaugnay sa mga suspek.

Isa pang kaso ng nakawan at karahasan ang naere sa ‘CCTV Patrol’ na talaga namang pinag-usapan sa Facebook dahil umano sa mabagal na pag-aksyon ng mga pulis sa kaso na Abril pa lamang naganap. Ngunit sa pagere nito sa ‘CCTV Patrol’ noong Agosto ay natukoy at nadakip agad ng mga pulis ang mga salarin na miyembro ng akyat-bahay gang na tinutukukan ng baril at tinadyakan pa ang biktima sa harap ng kanyang anak.

Nakilala na rin ang mga suspek sa hold-up at pagbaril sa isang ABS-CBN account executive sa Mandaluyong kamakailan matapos lumabas sa ‘CCTV Patrol’ ang CCTV footage na nakuha sa kalye kung saan ito naganap.

Dahil sa tagumpay at bisa ng hakbang na ito ay idiniin ni Kabayan ang kahalagahan ng patuloy na partisipasyon ng Bayan Patrollers at pangkaraniwang mamamayan. “Pakinabangan natin ang ating mga cellphone at gadgets at hindi kung anu-anong videos ang kinukunan o tsismis ang ipinapasa. Napakalaking tulong nito. Wala na ring katwiran ang pulis na hindi mahuli ang mga kriminal dahil may mukha na, huling huli na eh,” ani Kabayan.

Bukod sa mga video ng mga nakakabit na CCTV camera na nakuha ang iba’t ibang istilo at aktwal na pagpuslit ng motorsiklo, side mirror ng sasakyan, bigas, medical supplies, at cellphone, naipalabas na rin sa ‘CCTV Patrol’ ang ilang malalagim na krimen kagaya ng pagbaril sa isang tauhan ng DENR sa Isabela at ang karumal-dumal na pagpatay ng dalawang binatilyo sa isang doktor sa Bacolod. May ilang CCTV reports na rin sa newscast ang ginawang gabay ng pulisya kaugnay ng ilang kaso ng pagdukot ng sanggol sa isang ospital at grocery store.

Nagsilbi namang babala sa mga manonood ang isang video na nakunan ng isang Bayan Patroller gamit mismo ang kanyang cellphone ng pangangalkal ng isang lalaki sa bag ng isang natutulog na pasahero sa bus na ayon sa mga awtoridad ay moda ng ‘eskoba gang’ sa mga air-conditioned bus.

Hindi lamang krimen ang ibinibida sa segment kundi pati na rin ang mga video ng aksidente at magandang balita kabilang na ang banggaan ng bus at van sa Sta. Rosa, Laguna, ang footage kung saan kitang kita ang pagbangga ng isang kotse sa isang van na nakaparada lang sa tapat ng bahay, at ang pag-rescue sa isang naipit na driver sa kanyang menamanehong van sa Dumaguete.

Pakatutukan ang Concerned Citizens Taking Videos o ‘CCTV Patrol’ gabi-gabi sa “TV Patrol,” pagkatapos ng “Aryana” sa ABS-CBN. Maaaring magpadala ng video o litrato ukol sa krimen, seguridad at kahit anong kapaki-pakinabang na pangyayari sa ireport@abs-cbn.com o i-post sawww.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula o sa @bayanmo sa Twitter.

 

Comments are closed.