WHY FOREIGN AUDIENCES LOVE ABS-CBN TELESERYES

 

More and more viewers in foreign countries are falling in love with the Philippines’ values-oriented and romance-filled programs led by popular ABS-CBN teleseryes like “Pangako Sa ‘Yo,” “Forevermore,” and “Be Careful With My Heart.”

 

ABS-CBN International Sales and Distribution head Leng Raymundo revealed that while programs from countries like USA, Mexico, Taiwan, and Korea have become hits on local television, our own TV series have also been gaining following all over the world. In fact, she said “Pangako Sa ‘Yo” has already been dubbed and adapted by various local networks in over 20 foreign territories.

 

Other Kapamilya shows enjoying a strong viewership abroad include “Got 2 Believe,” “Bridges of Love,” and “On the Wings of Love,” turning our local talents into international celebrities, just like Jericho Rosales in Malaysia, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in Vietnam, and James Reid and Nadine Lustre in Indonesia.

 

The good news was relayed to over 1,000 mass communications students at the 11th Pinoy Media Congress (PMC), the annual media conference organized by ABS-CBN and the Philippine Association of Communication Educators (PACE), held recently at the St. Mary’s College Quezon City campus, and beamed live via satellite to the Visayas State University.

 

In her presentation on “Creating Content for Global Audiences,” Leng shared the reason why ABS-CBN’s programs have been successful in capturing the hearts of audiences from the Asia Pacific region, Africa, Europe, the Middle East, and in Latin America – the authenticity of its stories.

 

“Each country has a different culture but everyone is looking for the same thing – a strong love story, family and moral values, and an inspirational character who they can look up to,” she shared.

 

And with 60 years of experience and expertise in storytelling, ABS-CBN continues to deliver what local and foreign viewers are yearning to see, keeping in mind the goal to also empower and serve audiences apart from providing them entertainment.

 

“We want to see ourselves in those characters – the ones who triumph despite the hardships and tragedies they face without compromising their values,” she explained.

 

International award-giving bodies have also begun to notice the Philippines, with Jodi Sta. Maria nominated as Best Actress at the International Emmys, while “Bridges of Love” was nominated in the Best Telenovela category. ABS-CBN executive adviser to the chairman, chief content officer, and ABS-CBN University president Charo Santos-Concio, was also chosen as Gala Chair in 2015, the first Filipino to have been given this honor at the International Emmys.

 

However, while ABS-CBN is becoming one of the leading sources of content in the region, it continues to lead as well in acquiring quality stories and format from other nations that it believes will bring a meaningful viewing experience to Filipinos. PMC delegates cheered as they were teased with ABS-CBN newest acquisitions that included Korean top-raters “Goblin,” “Legend of the Blue Sea,” and “Love in the Moonlight,” the latter already airing on ABS-CBN’s Primetime Bida.

 

Apart from Leng, the students were also able to listen and participate in discussions on the theme “Media and Information Literacy: Understanding Media in Today’s Changing Society” with other speakers like ABS-CBN News head Ging Reyes, ABS-CBN chief of reporters Lynda Jumilla, radio icon Ted Failon, broadcast journalists Ces Orena-Drilon and Jeff Canoy, ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak, renowned scriptwriter and book author Ricky Lee, “The Greatest Love” head writer Jerry Gracio, and ABS-CBN business unit head Ruel Bayani.

 

To wrap up PMC 11 this year, the country’s leading media and entertainment company also offered free workshops, tours, and film screenings to the delegates on the third day, to further give them exposure and training on their chosen career track. This year, PMC had its biggest turnout with almost 1,400 delegates. More than 9,000 students have been given inspiration and new learnings by the media congress for the past 11 years.

 

-30-

ABS-CBN TELESERYES, PATOK SA IBANG BANSA

 

Parami ng parami ang mga banyagang napapaibig sa ating mga de-kalibreng teleseryeng puno ng mabubuting aral at nakakakilig na kwento tulad ng “Pangako Sa’Yo,” “Forevermore,” at “Be Careful With My Heart.”

 

Masayang ibinalita ni ABS-CBN International Sales at Distribution head Leng Raymundo na habang tumatamasa ng kasikatan ang mga palabas mula USA, Mexico, Taiwan, at Korea dito sa Pilipinas, sinusubaybayan din ang mga teleserye natin sa maraming bansa, patunay diyan ang pagkakaroon ng iba’t ibang dub sa halos 20 na teritoryo ang “Pangako Sa’Yo.”

 

Ilan sa iba pang mga Kapamilya shows na patok sa mga banyagang manonood ang tulad ng “Got 2 Believe,” “Bridges of Love,” at “On the Wings of Love,” kung saan naging international celebrity na ang tulad ni Jericho Rosales sa Malaysia, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Vietnam, at James Reid at Nadine Lustre sa Indonesia.

 

Lagpas isang libong mass communication students ang nakarinig ng magandang balitang ito noong nakaraang ika-11 na Pinoy Media Congress (PMC) na ginanap kamakailan lang sa St. Mary’s College at na-broadcast sa Visayas State University via satellite. Taunang dinaraos ang PMC ng ABS-CBN at the Philippine Association of Communication Educators (PACE).

 

Sa kanyang presentasyong pinamagatang “Creating Content for Global Audiences,” ibinahagi ni Raymundo ang rason kung bakit matagumpay na nakuha ng mga program ng ABS-CBN ang puso ng mga manonood mula sa Asia Pacific region, Africa, Europe, Middle East, at sa Latin America – ang pagiging makatotohanan ng mga kwento nito sa tunay na buhay.

 

“Bawat bansa ay may sariling kultura pero iisa ang hinahanap ng tao – matibay na kuwento ng pag-ibig, family at moral values, at isang karakter na kanilang makukunan ng inspirasyon at maaaring tingalain,” sabi niya.

 

At sa tulong ng halos 60 taong karanasan at kahusayan sa pagkukwento, patuloy na nakakapaghandog ang ABS-CBN sa parehong lokal at international na mga manonood ng mga de-kalibreng palabas na nagbibigay inspirasyon sa kanila bukod sa pagiging libangan.

 

“Nais nating makita ang ating sarili sa mga karakter sa palabas – iyong mga nagtatagumpay sa kabila ng mga pagsubok at trahedya nang hindi isinasantabi ang kanilang values,” paliwanag niya.

 

Ilang International award-giving bodies na ang nakapansin sa galing na angkin ng Pilipinas, mula sa nominasyon ni Jodi Sta. Maria bilang Best Actress sa International Emmys, hanggang sa pagkapasok ng “Bridges of Love” bilang nominado sa Best Telenovela category. Isa na ring patunay diyan ang pagkakapili bilang Gala Chair ni ABS-CBN executive adviser to the chairman, chief content officer, at ABS-CBN University president Charo Santos-Concio noong 2015, ang kauna-unahang Pilipinong nabigyan ng naturang karangalan ng International Emmys.

 

Habang nagiging isa sa mga nangunungang mapagkukuhanan ng content sa rehiyon ang ABS-CBN, patuloy naman itong nangunguna sa pagbili ng mga de-kalidad na storya at mga format mula sa ibang bansa na pinaniniwalaan nilang magiging patok sa mga Pilipino. Naghiyawan sa tuwa ang mga delegado ng PMC nang ipakita ng ABS-CBN ang teaser para sa mga bagong Koreanovelas nito tulad ng mga top-raters na “Goblin,” “Legend of the Blue Sea,” at “Love in the Moonlight,” na ipinapalabas na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

Bukod kay Raymundo, napakinggan rin ng mga estudyante at nakasama sa diskusyon ng temang “Media and Information Literacy: Understanding Media in Today’s Changing Society” ang ibang mga speaker tulad nina ABS-CBN News head Ging Reyes, ABS-CBN chief of reporters Lynda Jumilla, radio icon Ted Failon, broadcast journalist Ces Orena-Drilon at Jeff Canoy, ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak, ang tanyag na scriptwriter at manunulat na si Ricky Lee, “The Greatest Love” head writer Jerry Gracio, at ABS-CBN business unit head Ruel Bayani.

 

Bilang pantapos sa PMC 11, nagkaroon din ng libreng workshops, film screening, at tour and ABS-CBN para sa mga delegado sa ikatlong araw nito, para lalong masanay ang mga bata sa kanilang napiling tahaking karera. Ngayong taon din ang pinakamalaking numero ng mga estudyante dumalo sa kasaysayan ng PMC na umabot ng halos 1,400. Lagpas 9,000 na ang nakadalo at nabahagian ng kaalaman at inspirasyon sa naturang media congress sa loob ng 11 na taon.

 

-30-

Comments are closed.