WITNESS THE RISE OF PACQUIAO’S FOE, THE “BRISBANE HORNET” ON S+A

 

Before the much-awaited fight of the “People’s Champion” Manny Pacquiao in the “The Battle of Brisbane: Pacquiao vs. Horn” on July 2, get to know his opponent first, Jeff Horn, known in the boxing circles as the “Brisbane Hornet” in a two-part special airing on S+A this Monday (June 26) and Tuesday (June 27) at 9pm.

“Jeff Horn: Brisbane Hornet” will focus on the sensational rise of the Australian boxer, who was a P.E. teacher before he decided to put on his gloves full-time and then competed for the flag in the 2011 World Boxing Championships after being named the Australian champion in 2009 and 2011.

After fighting in the 2012 London Olympics, he went pro and set an impressive record of 16 wins, no losses, and one draw with 11 knockouts. See what the fuss on Pacquiao’s next foe is about as S+A features Horn’s fights against former IBF welterweight contender Rico Mueller of Germany on June 26 at 9pm, and against former IBO welterweight champion Ali Funeka of South Africa on June 27, also at 9pm on S+A.

With his recent sensational wins, Horn hopes to upset all-time great Pacquiao when they face each other on July 2 at the Suncorp Stadium in his hometown of Brisbane, Australia.

ABS-CBN acquired the exclusive rights to the pay broadcast of the “The Battle of Brisbane” in a deal between ABS-CBN Sports and the Pacquiao camp forged last June 9. SKYcable subscribers can catch the fight live, commercial-free, and in high-definition on SKY Sports PPV at 9am for only Php949 by texting PACQUIAOPPV to 23662. Meanwhile, ABS-CBNmobile prepaid and postpaid subscribers can also watch the entire fight card live online, via iWant TV, also for Php949 by texting PACHORN to 2366 from June 26 until July 2, 11am. The streaming of the undercards begins at 9am on July 2 with the main event, “Pacquiao vs. Horn” airing at 11:30am.

For more information and stories on the upcoming “The Battle of Brisbane” between “People’s Champion” Manny Pacquiao and Australian boxing sensation Jeff Horn, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

-30-

 

KILALANIN ANG KALABAN NI PACQUIAO NA SI “BRISBANE HORNET” SA S+A

Bago ang pinakahihintay na laban ng “People’s Champion” na si Manny Pacquiao sa “The Battle of Brisbane: Pacquiao vs. Horn” ngayong July 2, kilalanin muna ang kanyang makakatapat na si Jeff Horn, na mas kilala sa tawag na “Brisbane Hornet” sa isang two-part special na eere sa S+A ngayong Lunes (June 26) at Martes (June 27) ng 9pm.

Tututukan sa “Jeff Horn: Brisbane Hornet,” ang kwento ng pag-angat sa mundo ng boxing ng Australyanong boksingero, na dating guro sa P.E. bago nagdesisyong maging boksingero at lumaban para sa kanyang bansa sa 2011 World Boxing Championships pagkatapos mag-kampeon sa Australia noong 2009 at 2011.

Lumaban din si Horn sa 2012 London Olympics, bago maging propesyunal na boksingero at magtala ng record na 16 na panalo, walang talo, isang draw na may kasamang 11 na knockouts. Kilatisin ang galing ni Horn sa sagupaan niya laban sa dating IBF welterweight contender Rico Mueller ng Germany sa June 26 ng 9pm at kontra kay dating IBO welterweight champion Ali Funeka ng South Africa sa June 27, 9pm din sa S+A.

Nais ni Horn ituloy ang maganda niyang record, sa pagtalo sa isang alamat sa boksing na si Pacquiao sa kanilang salpukan sa darating na July 2 sa Suncorp Stadium sa bayan niya mismo sa Brisbane, Australia.

Samantala, nakuha ng ABS-CBN ang ekslusibong rights para sa pay broadcast ng “The Battle of Brisbane” sa ginawang kasunduan ng ABS-CBN Sports at ng kampo ni Pacquiao noong nakaraang June 9. Mapapanood ng SKYcable subscribers ang laban kabilang ang mga undercard ng LIVE, commercial-free, at sa high-definition sa pamamagitan ng SKY Sports PPV ng 9am para lamang sa presyong Php 949, sa pag-text lang ng PACQUIAOPPV sa 23662.

Para naman sa mga prepaid at postpaid subscribers ng ABS-CBNmobile, maaari ring mapanood ang buong event online, sa pamamagitan ng iWant TV, sa pag-text ang PACHORN sa 2366 mula June 26 hanggang July 2 ng 11am, sa parehong halaga na Php 949. Magsisimula ang livestream ng mga undercard ng “The Battle of Brisbane” sa July 2 ng 9am at ang main event mapapanood ng 11:30am.

Para sa karagdagang impormasyon, at iba pang balita ukol sa nalalapit na “The Battle of Brisbane” sa pagitan ng “People’s Champion” Manny Pacquiao at ang Australian boxing sensation na si Jeff Horn, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

-30-

Comments are closed.