Xian’s new “Key Of X” album reaps sold out mall tours

Xian Lim: Key of X

Xian directs own music video for new album’s carrier single

Kapamilya heartthrob Xian Lim is on a roll after his successful concert at The Theatre at Solaire as his latest album under Star Music entitled “Key of X” has already amassed sold out album tours a month after it was first introduced.

The singer-actor’s third album came three years after his sophomore album, and for the first time, he ventures into production work as he conceptualized and directed his music video for his carrier single “Getting To Know Each Other Too Well.” Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina joined him in the video as his leading lady.

The popular Gerard Kenny revival is currently invading local hit lists, already the #1 MOR chart topper and also soaring in various MYX charts.

Xian’s new album includes the OPM classic, “Wala Na Bang Pag-ibig,” a composition of Vehnee Saturno and originally popularized by the Queen of Soul Jaya. He also covered another OPM favorite, “Honey My Love So Sweet,” composed by Vingo Regino.

The chinito singer also included two original songs in this latest compilation: a Kiko Salazar composition and love ballad, “Manhid;” and the light melodic track “Download” composed by fellow singer Dingdong Avanzado.

Since its August launch, Xian has already generated sold out album tours in several areas: Las Pinas City, Malolos City, Bulacan, Lipa City, Batangas and Sta. Rosa, Laguna. He will be in another album tour in Vista Mall – Bataan on Sept. 29 (Friday), 5pm.

“Key of X” album is now available in all music stores nationwide and all digital stores worldwide. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

Xian, sumubok mag-direct ng sariling music video

BAGONG ALBUM NI XIAN, UMANI AGAD NG SOLD OUT MALL TOURS

Tuloy-tuloy ang tagumpay ng Kapamilya heartthrob na si Xian Lim pagkatapos ng kanyang concert sa The Theatre at Solaire dahil ang kanyang pinakabagong “Key of X” album, na unang inilabas noon lamang nakaraang buwan, ay umani agad ng sold out tours.

Taong 2014 ng huling naglabas ng album ang singer-actor at ngayon para sa kanyang pinakahihintay na ikatlong album ay sinubok niyang maging direktor ng sariling music video para sa carrier single nito na “Getting To Know Each Other Too Well.” Kasama niya bilang leading lady sa nasabing video ang Bb. Pilipinas Universe 2016 na si Maxine Medina.

Ang sumikat na Gerard Kenny revival ay kasalukuyang nangunguna na sa local music scene — #1 chart topper sa MOR at kabilang din sa iba’t ibang MYX music channel hit list.

Kasama rin sa bagong album ni Xian ang OPM classic na “Wala Na Bang Pag-ibig,” na mula kay Vehnee Saturno at unang pinasikat ng Queen of Soul na si Jaya, at ang OPM favorite na “Honey My Love So Sweet” mula naman kay Vingo Regino.

Mayroon ding dalawang bagong awitin ang kabilang dito – ang “Manhid” ni Kiko Salazar at ang “Download” na tampok ang mang-aawit na si Dingdong Avanzado bilang composer ng kanta.

Mula nang inilabas ang “Key of X” album noong Agosto, nagkaroon na si Xian ng sold out album tours sa iba’t ibang lugar tulad ng Las Pinas City, Malolos City, Bulacan, Lipa City, Batangas at Sta. Rosa, Laguna. Bibisita rin siya sa Vista Mall – Bataan sa darating na Set. 29 (Biyernes), 5pm.

Available na ang “Key of X” album sa music stores nationwide at sa digital stores worldwide. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.

Xian with “Key of X” album producer Kiko Salazar and Star Music audio content head Jonathan Manalo

Comments are closed.