“XXX” REPORT LED TO SURRENDER OF TWO EDSA SHOOTOUT SUSPECTS

 

Two suspects involved in the recent shootout along EDSA were surrendered to authorities after ABS-CBN’s investigative program “XXX” aired a report on the incident last week.

On Monday (June 4), broadcast journalist Julius Babao talks to the suspects to get their side of the story on the shootout and what they have to say about the syndicate they are part of.

While Julius probes the truth on the wanted thieves, Anthony Taberna aids a helpless seaman who, after taking up a Basic Safety Training course as a requirement to get a ‘seaman’s book,’ learned that the school where he studied isn’t accredited anymore by Marina.

When Anthony visited the Philippine Seafarers Training Center, he was surprised to know that the institution is still accepting students for the unaccredited course.

Watch the full reports this Monday (June 4) on “XXX,” after “Bandila” on ABS-CBN. You can also watch it at an earlier time in DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

 

DALAWANG TAKAS SA NAGANAP NA SHOOTOUT SA EDSA, ISINUKO DAHIL SA ULAT NG “XXX”

Dahil sa ipinalabas na ulat ng “XXX” sa naganap na shoot-out sa pagitan ng pulis at grupo ng mga kawatang nambibiktima sa mga pampasaherong bus sa EDSA noong nakaraang linggo, isinuko sa awtoridad kamakailan ang dalawa sa nakatakbong miyembro nito.

Tunghayan ang ekslusibong panayam ni Julius Babao sa kanila ngayong Lunes (June 4) at pakinggan ang bersyon ng kanilang kuwento sa naganap na engkwentro at kung ano ang isisiwalat nila tungkol sa kanilang sindikato.

Habang inaalam ni Julius ang panig ng mga mandurukot, tutukan naman ni Anthony Taberna ang hinaing ng isang nangangarap maging seaman na matapos kumuha ng kursong Basic Safety Training bilang requirement sa pag-aapply, ay napag-alamang hindi na pala accredited o kinikilala ng Marina ang Philippine Seafarers Training Center kung saan siya nag-aral. Kaya naman napunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.

Nang puntahan ni Anthony ang naturang institusyon ay laking gulat niya ng malamang tumatanggap pa rin ito ng estudyante gayong matagal ng hindi kinikilala ang kailang akredistasyon.

Tunghayan ang buong ulat “XXX” ngayong Lunes (June 4) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

 

 

 

Comments are closed.