XYRIEL’S “WANSAPANATAYM” SPECIAL SOARS HIGH IN NATIONAL TV RATINGS

Kapamilya child wonder Xyriel Manabat proves that size and age doesn’t matter in winning the hearts of viewers as her “Wansapanataym” special continues to soar high in the nationwide TV ratings game. Based on the latest data of Kantar Media for the month of May, “Wansapanataym” was part of the top 5 overall TV programs in the Philippines with an average national TV rating of 22.7%.

Aside from the consistent high ratings of the show, Xyriel is thankful for the opportunity to be a positive influence to other kids. “I’m happy that through the roles that I play, I can be a good role model not only to kids but to the whole family as well,” she said.

In the continuation of her “Wansapanataym” special this Saturday (June 9), Xyriel takes on the role of Kate, a little girl who has a habit of saving her money and keeping it in a piggy bank. As a reward for her good deed, the piggy bank mysteriously comes to life and bursts out a lot of money. However, as her family starts to live a wealthy life, Kate suddenly becomes too arrogant and loose with their money. Will she finally learn the importance of her family when their riches are taken away from them?

In the ‘Ik-Ik Da Madyik Biik’ episode, Xyriel will be reunited with her “100 Days to Heaven” co-star Jodi Sta. Maria. Completing the cast are Vandolph and Cris Pasturan. It is written by Joel Mercado and directed by Tots Sanchez-Mariscal.

“Wansapanataym” is a part of ABS-CBN’s “Bida Best Kid” campaign launched recently that aims to empower children by encouraging them to become who they want to be and the best that they can be. It doesn’t only entertain and educate its young viewers with its values-oriented, child-friendly programs, but supports their dreams and aspirations as well.

Don’t miss Xyriel’s “Wansapanataym” special this Saturday, after “Kapamilya: Deal or No Deal” on ABS-CBN. For more updates log-on to www.abs-cbn.com , follow @abscbndotcom on Twitter.

-30-

‘Madam Anna’ at Jodi Sta. Maria muling magkakasama ngayong Sabado …
PAGIGING PASAWAY NI XYRIEL, PATOK SA TV VIEWERS

Patok sa mga manonood ang mga kwentong puno ng aral na tampok tuwing Sabado sa “Wansapanataym” special ng Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat. Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media para sa buwan ng Mayo kung saan no. 5 ang “Wansapanataym” sa listahan ng top overall TV programs sa Pilipinas taglay ang average national TV rating na 22.7%.

Nagpapasalamat si Xyriel sa mataas ng ratings ng show at sa pagkakataong maging mabuting halimbawa sa ibang batang tulad niya sa pamamagitan ng pagganap sa mga pasaway na role na nagiging mabuti naman sa katapusan ng kwento. Aniya, “Masaya po ako na binigyan ako ng sarili kong ‘Wansapanataym’ special dahil may napupulot pong aral ang mga bata at pamilya sa aming show.”

Samantala, sa pagpapatuloy ng kanyang “Wansapanataym” special ngayong Sabado (Hunyo 9) na pinamagatang ‘Ik-Ik Da Madyik Biik,’ gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Kate, isang batang mahilig mag-ipon sa kanyang piggy bank. Bilang ganti sa kanyang kabaitan, biglang mabubuhay ang piggy bank at maglalabas ng pera. Sa pag-angat ng kanilang buhay, biglang magbabago ang ugali ni Kate at magiging gastador. Matutunan kaya niya ang tunay na kahalagahan ng kanyang pamilya kapag binawi ang lahat ng kayamanan na ipinagkaloob sa kanya?
Sa ‘Ik-Ik Da Madyik Biik’ ay muling makakasama ni Xyriel ang dating co-star sa hit teleseryeng “100 Days to Heaven” na si Jodi Sta. Maria. Kasama rin nila sa episode sina Vandolph at Cris Pasturan. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal.

Ang “Wansapanataym” ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na “Bida Best Kid” na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging ‘da best’ sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Huwag palampasin ang “Wansapanataym” special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
-30-

Comments are closed.