Ylona lands on the concert scene with “Arrival”

Arrival: Ylona Garcia

Ylona Garcia, MOR Pinoy Music Awards’ recently hailed Female Artist of the Year, is ready to make her mark in the Philippine concert scene with her very first solo major concert, “Arrival: Ylona Garcia,” on October 21 (Saturday) at the Music Museum.

The Filipino-Australian singer, who also won MOR’s “LSS Hit of the Year” award for the “O Pag-ibig” song collaboration with Bailey May, is all set to showcase her exceptional vocals for an exciting concert produced by Star Events and Aqueous Entertainment.

The 15-year old singer and songwriter rose to fame in 2015 because of her bubbly personality and great singing voice which viewers loved in ABS-CBN’s hit reality program Pinoy Big Brother 737, and she successfully went on to become the show’s 2nd teen big placer.

Now, the Kapamilya teen star is expected to bring the house down in this much-awaited musical production that follows the success of her first digital One Music PH concert held last year.

She is slated to perform cuts from her “My Name is Ylona Garcia” debut album released in 2016 under Star Music, as well as surprise performances that will uncover the ASAP BFF5 member’s versatility in music.

Alexa Ilacad, Krissha Viaje, Inigo Pascual, Bryan Chong, Janah Zaplan, and other surprise guests will be joining Ylona for this momentous evening.

Tickets to “Arrival: Ylona Garcia” are priced at P2,650 (VIP), P2,350 (patron), and P1,600 (balcony). For inquiries, call Music Museum at 721.6726, SM Tickets at 470.2222 or log on to smtickets.com. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, or @starmusicph on Twitter and Instagram.

 

YLONA, BIBIDA SA “ARRIVAL” CONCERT

 Handa nang pasukin ng Female Artist of the Year ng nakaraang MOR Pinoy Music Awards na si Ylona Garcia ang Philippine concert scene para sa kanyang pinaka-una at bonggang show, ang “Arrival: Ylona Garcia,” na gaganapin sa darating na Oktubre 21 (Sabado) sa Music Museum.

Aabangan ang galing sa pagkanta ng Filipino-Australian singer, na siya ring nakakuha ng “LSS Hit of the Year” MOR award para sa awitin nila ni Bailey May na “O Pag-ibig,” sa kakaibang concert na prinodyus ng Star Events at Aqueous Entertainment.

Ang 15-anyos na songwriter ay unang nakilala noong 2015 dahil sa kanyang nakakatuwang personalidad at magandang boses na unang nagustuhan ng mga manonood sa hit reality show na Pinoy Big Brother 737 ng ABS-CBN, kung saan naging matagumpay siya hanggang dulo at kinilala bilang 2nd teen big placer.

Ngayon, ang Kapamilya teen star ay inaasahang magpapabilib ng higit pa sa pinaka-inaabangang musical production. Ito ay kasunod ng kanyang una at pumatok na digital concert mula sa One Music PH na ginanap noong nakaraang taon.

Aawitin niya ang ilan sa mga kanta na galing sa kanyang debut album na “My Name is Ylona Garcia,” na inilunsad ng Star Music noong 2016, at mga sorpresang performances na magpapakita kung hanggang saan aabot ang versatility ng ASAP BFF5 member.

Sasamahan si Ylona nina Alexa Ilacad, Krissha Viaje, Inigo Pascual, Bryan Chong, Janah Zaplan, at iba pang sorpresang bisita sa nasabing concert.

Mabibili na ang tickets para sa “Arrival: Ylona Garcia” sa halagang P2,650 (VIP), P2,350 (patron), at P1,600 (balcony). Maaaring tumawag sa Music Museum sa numerong 721.6726, sa SM Tickets sa 470.2222 o bisitahin lamang ang smtickets.com. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.

Comments are closed.