YOHAN HWANG SINGS FOR PINOYS, KOREANS IN DEBUT ALBUM

Korean charmer and “I Love OPM” Grand Touristar Yohan Hwang makes a grand entry to the music industry as he releases his debut album under Star Music with a great mix of Pinoy covers and their Korean versions which will be available in Melon, South Korea’s popular online music store.

The chinito heartthrob, who has made Philippines his home for the last three years, highlights his heartfelt renditions of three Tagalog songs in his self-titled album. He also personally translated the lyrics to Korean language in his renditions he hopes both fellow Koreans and Filipinos will enjoy.

The balladeer’s touching interpretation of “Kung Ako Na Lang Sana,” sang originally by Bituin Escalante, is the carrier single of his first album. Its Korean version is entitled “Nayotdamyon.”

The 21-year old singer also includes his covers for Yeng Constantino’s “Ikaw” with its Korean version “Noege,” and Regine Velasquez’s “You Made Me Stronger” or “Annyeong” for his much-awaited album. “Noege” was the theme song of the recently aired Koreanovela “Love In The Moonlight” on ABS-CBN.

Aside from said OPM hits, the song “Du Sa Rang,” the Korean version of one of KZ Tandingan’s biggest hits “Mahal ko o Mahal Ako,” is also part of the tracklist.

This is a milestone in Star Music’s history as the leading record label taps the music portal Melon for the first time in hope to introduce OPM, translated in Korean, to the South Korean market through Yohan’s songs.

The singer earlier rose to fame when he joined and eventually won ABS-CBN’s original singing competition “I Love OPM” in 2016, and got a Star Music recording contract as part of the prizes he received.

Rox Santos serves as the over-all producer of the “Yohan Hwang” album which will soon be available for downloads in melon.com and other digital stores worldwide (Apple iTunes, Amazon.com, etc.), streaming via Spotify, and purchase in record stores nationwide.

For more information on Yohan’s album, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

-30-

 

Awiting Pinoy, dadalhin ng “I Love OPM” winner sa Korean market

YOHAN HWANG, ALAY ANG UNANG ALBUM PARA SA MGA PINOY, KOREANO

 

May bonggang kontribusyon sa industriya ng musika ang Korean charmer at “I Love OPM” Grand Touristar na si Yohan Hwang sa paglulunsad niya ng unang album mula sa Star Music na puno ng mga Pinoy covers at Korean versions nito at magiging available sa Melon, ang kilalang online music store sa South Korea.

Tatlong awiting OPM ang nakapaloob sa self-titled album ng poging tsinito na itinuring nang tahanan ang Pilipinas mula taong 2014. Personal niyang isinalin sa Korean language ang mga lyrics nito, at isinama ang kanyang mga bagong bersyon sa album na may hangaring magustuhan ito ng mga Pilipino at kapwa Koreano.

Tampok bilang carrier single ng kanyang unang album ang interpretasyon niya ng “Kung Ako Na Lang Sana,” ang makabagbag damdaming awitin na unang kinanta ni Bituin Escalante. “Nayotdamyon” naman ang titulong ng Korean version nito.

Kasama rin sa covers ng 21-anyos na singer ang “Ikaw” ni Yeng Constantino at ang Korean version nito na “Noege,” pati na rin ang “You Made Me Stronger” ni Regine Velasquez at ang pangalawang bersyon nito na may titulong “Annyeong.” Nagsilbing theme song ng Koreanovela na “Love in The Moonlight” na kamakailan ay umere sa ABS-CBN ang awiting “Noege.”

Bukod sa mga nasabing OPM hits, bahagi din ng kanyang pinakahihintay na album ang “Du Sa Rang,” ang Korean version ng isa sa mga pinasikat na awitin ni KZ Tandingan, ang “Mahal ko o Mahal Ako.”

Maituturing itong milestone sa kasaysayan ng Star Music sa pagdadala nito ng mga awitin sa Melon music portal sa unang pagkakataon para ipakilala ang OPM na isinalin sa Korean language sa South Korean market sa pamamagitan ng mga awitin ni Yohan.

Unang nakilala ang nasabing singer nang siya ay sumali at nagwagi sa orihinal na singing competition ng ABS-CBN, ang “I Love OPM,” at kasama sa kanyang mga natanggap na premyo ang Star Music recording contract.

Si Rox Santos ang over-all producer ng “Yohan Hwang” album, na magiging available sa susunod na buwan sa melon.com at sa iba pang digital stores worldwide (Apple iTunes, Amazon.com, etc.), sa Spotify, at sa iba’t ibang record stores sa buong bansa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa album ni Yohan, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

-30-

Comments are closed.