“YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR: KIDS” SCORES WEEKEND RATINGS LEAD NATIONWIDE

Many viewers nationwide tuned in to the premiere of “Your Face Sounds Familiar: Kids,” as the program’s cute performers impersonated local and international music icons.

Based on data from Kantar Media, the program led the list of the most watched programs in the country last weekend (Jan 7 and 8). Its first episode last Saturday recorded a national TV rating of 31.4%, beating GMA’s “Magpakailanman,” which only got 18.8%. “Your Face Kids” also drew more viewers last Sunday with 33.2%, a solid 17-point lead over “Tsuperhero’s” 16.2%.

Breakout Child Star Awra Briguela was named the edition’s first weekly winner, winning 24 points, for his spot-on impersonation of Dionesia Pacquaio. He not only impressed jurors Sharon Cuneta, Gary Valenciano, and Ogie Alcasid, but also the online world, where the video of his performance trended and was widely shared. Awra won P50,000, and an additional P50,000 to be given to his chosen charity, Harvesters’ Foundation, Inc.

Following him in the ranking were Dance Sweetheart AC Bonifacio as Britney Spears (19 points), Big Shot Belter Elha Nympha as Beyonce (18 points), and Talented Cutie Sam Shoaf as Bruno Mars (17 points). Getting 12 points each were Bibong Child Wonder Alonzo Muhlach as Harry Styles of One Direction (12 points), Musikerong Charmer Justin Alva as Michael Jackson, Young Diva ng Masa Lyca Gairanod as Katy Perry, and Daytime Princess Xia Vigor as Selena Gomez.

Others have a chance to improve their rankings because in the show, no one will be eliminated, as their scores are tallied up each week.

Don’t miss the next performances of Awra as Daniel Padilla, AC as Sandara Park, Elha as Sharon Cuneta, Sam as Alicia Keys, Alonzo as Rico J. Puno, Justin as Adam Levine, Lyca as Lady Gaga, and Xia as Taylor Swift.

Don’t miss “Your Face Sounds Familiar: Kids,” Saturday and Sunday night on ABS-CBN or on ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For program updates, like www.facebook.com/yourfaceph, or follow @YourFacePH on Twitter and Instagram.

 

Awra bilang Mommy D, trending sa netizens!

TRANSFORMATION NG KAPAMILYA CHILD STARS SA “YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR: KIDS,”

INABANGAN AT TINUTUKAN NATIONWIDE

Patok na patok sa mga manonood ang panggagagaya ng pinaka-cute na Kapamilya child stars sa ilang local at international music icons dahil nanguna sa ratings sa buong bansa ang pagsisimula ng “Your Face Sounds Familiar Kids.”

Base sa datos ng Kantar Media, ang “Your Face Kids” ang nanguna sa listahan ng pinakatinutukang programa sa buong bansa noong Sabado at Linggo (Jan 7 at 8). Nagtala ito noong Sabado ng national TV rating na 31.4%, malayo sa nakuha ng kalabang programang “Magpakailanman” (18.8%) ng GMA. Mas marami rin ang nanonood ng “Your Face Kids” noong Linggo (Jan 8) sa rating nitong 33.2%, o 17 puntos na mas mataas sa “Tsuperhero” (16.2%).

Itinanghal na unang weekly winner ng edisyon ang Breakout Child Star na si Awra Briguela, na nakakuha ng 24 points dahil sa sakto at nakakabilib niyang impersonation kay Dionesia Pacquaio. Hindi lang ang jurors na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid ang namangha sa kanyang performance dahil trending ang video nito sa online world, kung saan hanggan ngayon ay patuloy itong kinakalat at pinupuri. Nagwagi si Awra ng P50,000, at dagdag pang P50,000 para sa napili niyang charity, ang Harvesters’ Foundation, Inc.

Sumunod naman sa ranking ang Dance Sweetheart na si AC Bonifacio bilang Britney Spears (19 points), Big Shot Belter na si Elha Nympha bilang Beyonce (18 points), at Talented Cutie na si Sam Shoaf bilang Bruno Mars (17 points). Nakakuha naman ng tig-12 points ang Bibong Child Wonder na si Alonzo Muhlach bilang Harry Styles ng One Direction (12 points), Musikerong Charmer na si Justin Alva bilang Michael Jackson, Young Diva ng Masa na si Lyca Gairanod bilang Katy Perry, at Daytime Princess na si Xia Vigor bilang Selena Gomez.

May pagkakataon pang makabawi ang iba dahil sa show, walang elimination at patuloy lang na madaragdagan ang puntos nila kada linggo.

Abangan ang muli na namang transformation at nakakaaliw na performances sa susunod na linggo nina Awra bilang Daniel Padilla, AC bilang Sandara Park, Elha bilang Sharon Cuneta, Sam bilang Alicia Keys, Alonzo bilang Rico J. Puno, Justin bilang Adam Levine, Lyca bilang Lady Gaga, at Xia bilang Taylor Swift.

Huwag palampasin ang “Your Face Sounds Familiar: Kids” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) tuwing Sabado at Linggo ng gabi. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/yourfaceph, at sundan ang @YourFacePH sa Twitter at Instagram.

 

Comments are closed.